CHAPTER 34: UMIIYAK ANG PUSO KO

195K 3.6K 262
                                    

CHAPTER 34: UMIIYAK ANG PUSO KO

********

LUNA

Isang buwan na ang nakakalipas at patuloy pa rin ang panunuyo sa akin ni Dylan na balikan siya. At pauli-ulit ko rin siyang nire-reject.

"Ma'am Luna, okay na po 'yung stage at 'yung catwalk." Sabi sa akin ng inatasan ko na mag-ayos para sa darating na fashion show bukas.

Gabi na at naghahabol na kami sa oras. Okay na ang lahat at kakaunti nalang ang aayusin kaya ipinaubaya ko na ang mga iyon sa empleyado ko.

Tumango ako. "Good. Asikasuhin mo na 'yung mga models natin."

Tumalikod ito sa akin at pumalakpak para makuha ang atensyon ng mga modelo. Umupo ako sa isang tabi nang maramdaman ko ang hilo. Pumikit ako sumandali para maipahinga ang katawan ko.

May mga kamay na pumatong sa aking balikat kaya napadilat ako. Tiningala ko ito at nakita ang pag-aalala sa mukha ni Dylan.

"You're tired. Masama sa iyo ang napapagod." He said.

Inismiran ko ito. "Hindi pwede. Bukas na ang fashion show ko."

Nang tumingin ako sa paligid ay napansin kong halos lahat ng modelo ko ay natatapilok na sa gitna ng catwalk dahil lumilipat ang tingin nito sa aking asawa. Nang mahuli kong nakatitig ang isang babae ay agad ko siyang tinaliman ng tingin.

"Linda, why are your models tripping? Are they really professionals?"

Napakamot ng ulo si Linda. "I'm sorry, Misis Reyes."

Umalis ito at pinuntahan ang mga models para kausapin.

"I like the sound of that." Halos hindi ako makahinga nang makita itong nakaluhod sa harap ko at ang mainit napalad nito'y bumalot sa aking kamay.

"W-What?"

"When people around us are calling you 'Misis'. I like the sound of that. At least they know who you belong to." He smiled.

Mariin kong pinagdikit ang aking mga labi. Mabilis akong tumayo para makalayo sana sa kanya pero agad na sumakit ang aking sentido. Napapikit ako at lumipad ang aking kamay sa aking noo. May mga brasong yumakap sa aking bewang at hinila ako paupo sa kanyang kandungan.

"You're harming yourself." He whispered hotly.

"Leave me alone. Ugh!" Nalaglag ang aking ulo sa kanyang balikat dahil sa naramdamang hilo. "My head's spinning."

"Sleep then. I'll carry you." Naramdaman kong hinaplos nito ang aking buhok. "Masyado ka ng pagod."

Shit. This ain't right. But it feels somehow soothing. Me and my baby likes it.

"Nagbago ka ng pabango?" Inaantok kong sabi. Mas isiniksik ko pa ang ulo sa pagitan ng leeg nito.

He chuckled. Oh. That's sexy. "Yeah. Ayokong nababahuan ka sa akin."

Isiniksik ko pa lalo ang ulo ko sa kanyang leeg. Pumaikot ang mga braso sa aking bewang at pinagsalikop sa tagliran ko. "I hate you for having this effect on me. I hate you so much."

"I'm crazy for you, Baby."

I should be angry at him. Dapat sinisigawan ko siya ngayon. Dapat pinapaalis ko siya. Pero ayaw makisama ng sistema ko, nagugustuhan nito ang pagkakadikit ng katawan ko kay Dylan.

The last thing I remembered was his lips, touching my aching temple.

Nagising ako na halos masilaw sa sikat ng araw. Tumihaya ako at napansin ang pamilyar na kwarto na kinaroroonan ko. Dylan's bedroom— No. Our bedroom. Our used to be bedroom.

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon