CHAPTER 16: I KNOW IT ALL

219K 4.4K 517
                                    

CHAPTER 16: I KNOW IT ALL
********
LUNA

"Ugh!" Ungol ko nang magising ako na parang hindi makahinga.

Idinilat ko ang aking mata at tumingin sa aking tabi. Nakahiga ako sa kanyang braso at ang isa pa nyang braso ay mahigpit na nakayakap sa aking bewang. Hindi rin makagalaw ang paa ko dahil nakapatong ang hita niya roon.

"Dylan, I can't move." Mahina kong sabi.

Umungol ito at inaantok na hinila ako paibabaw sa kanya. Narinig ko ang mahinang hilik na nagmumula sa kanyang bibig. Mukhang pagod na pagod ito. Halos dalawang araw rin itong nagbababad sa trabaho.

"Luna. Hmm." Napangiti ako nang banggitin nito ang aking pangalan.

"I love you." Marahan ko itong hinalikan sa labi bago tumayo. Kinumutan ko ito at lumabas na ng kwarto.

Nagluto ako ng almusal para sa aming dalawa. Inilagay ko sa plato ang piniritong itlog at hotdog. Natigil ako nang tumunog ang telepono na nasa sala. Pinatay ko ang stove bago magpunta roon.

"Hello?" Sagot ko.

"Hey, sister. Good morning." Nag-aalangang bati ni Camille.

"Veronica Camille? Ang aga mo namang magising. It's so not you." Natatawa kong sabi.

"Yeah, right. Nasaan ka na, Veronica Luna? Magpapasukat tayo ng damit ngayon, 'diba?"

Napatutop ako sa aking noo. Nakalimutan ko na may welcome party pala na gaganapin sa bahay namin sa makalawa para sa pagbabalik ni Camille.

"Oh, napuyat ka siguro kagabi. I understand. Hihintayin nalang kita dito sa shop mo. Hurry, please."

"Okay, okay. Sorry. Nakalimutan ko." Paumanhin ko at ibinaba ang telepono.

"Ang aga naman n'ung tumawag sa'yo." Napatingin ako sa may hagdanan. Pababa si Dylan habang kinakamot ang batok. Nakasuot pa rin ito ng pajama at magulo ang buhok.

"Si Camille. Nakalimutan ko na ngayon pala kami magpapasukat ng damit na para sa party niya." Paliwanag ko sa kanya.

Yumakap ito sa aking bewang nang makalapit sa akin. "Akala ko, nakaalis na ang breakfast ko."

Kumunot ang aking noo. "Nasa kusina ang breakfast mo, ungas."

Tumawa ito ng mahina at pagkatapos ay bumaba ang mukha nito. Pumikit ako nang bumaba ang kanyang labi sa labi ko.

"Sama ko sa'yo." Nakangiting sabi nito.

Tumango ako. "Okay lang. 'Wag ka lang magsungit."

Kumain kami bago magpunta sa shop ko. Bumaba ako sa kanyang kotse at ilang segundo lang ay nasa tabi ko na ito. Pumalupot ang kanyang braso sa aking bewang habang papasok kami sa shop.

"Luna!" Tumakbo si Camille palapit sa amin at niyakap ako ng mahigpit.

"Namiss mo ko?" Natatawa kong sabi. Nawala na rin ang kamay ni Dylan sa aking bewang.

Tumikhim si Dylan kaya napatingin kami sa kanya. "Stop squishing my wife, Camille."

Napanguso si Camille. "I just missed her. Anyway, let's go, Luna."

Hinila niya ako palapit sa aking empleyado na magsusukat sa aming dalawa. Umupo ako sa tabi ni Dylam habang pinapanuod si Camille na sinusukatan.

Hinawakan ni Dylan ang aking kamay at nilaro ang aking mga daliri. "I'm bored."

Ngumiti ako ng tipid. Pinagtama ko ang aming ilong. "Konti nalang."

Huminga ito ng malalim. Hindi nito inaalis ang tingin sa akin. Humilig ako sa kanyang balikat at pinagmasdan si Camille na ngayon ay malapit ng matapos sukatan.

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon