CHAPTER 7: Trust Me

260K 5.1K 1K
                                    

CHAPTER 7: Trust Me

*********

"I don't deserve it. I don't deserve to be treated like shit."

********

LUNA

Napaungol ako dahil sa sobrang sakit ng aking ulo . Kaunti lang naman ang nainom ko kagabi, a. Bakit ganito siya kasakit? Pabangon na sana ako pero may mabigat na bagay ang pumigil sa akin. Pagdilat ko ay nakita ko kaagad ang natutulog na si Dylan. Nakayakap ang braso nito sa bewang ko at nakadagan ang hita sa hita ko.

Anong ibig sabihin nito? Sa tabi ko natulog si Dylan?! M-Magkatabi kami at n-nakayakap siya sa akin. Nanaginip ba ako?!

"Maaga pa." Ungol nito. Mas isiniksik pa nito ang ulo sa leeg ko. Nanindig ang balahibo ko dahil ramdam ko ang init ng kanyang hininga roon.

Parang nawala bigla ang sakit ng ulo ko. "D-Dylan?"

"Shit!" He cussed. Napatayo siya bigla. Hindi niya ako tiningnan. Natataranta niyang binuksan nito ang pinto ng balkonahe at lumabas doon.

Umupo ako at sumandal sa head board habang nakangiting tinitingnan ang pintong nilabasan ni Dylan. Pinagmasadan ko ang paligid at nakita ang palangganang may lamang tubig at may bimpo pang nakasabit doon. Napansin ko rin ang basong may lamang tubig at sa tabi nun ay may gamut. Mukhang inilagaan niya ako kagabi. Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko habang ini-imagine si Dylan na inaalagan ako. Sayang lang at hindi ko malala dahil lasing ako.

Ito pa rin ang damit na suot ko kaya hindi na ako dapat pang mag-alala. Ininom ko ang gamot bago tumayo. Naglakad ako patungo sa pinto ng balkonahe. Nilapitan ko si Dylan, sinisindihan nito ang sigarilyong nasa bibig.

Nagbuntong-hininga ako. "Hindi ko alam na naninigarilyo ka pala."

Binuga nito ang usok. Agad ko namang tinakpan ang ilong ko para hindi ko iyon masinghot. Mahirap na, baka atakihin pa ako ng hika. "Don't be carried away. You're just my wife because of a mistake. Don't butt in."

Back to normal.

I bit my lower lip. "Salamat nga pala sa pag-alaga sakin."

Pinatay nito ang sigarilyo at hinarap ako. "Magbihis ka na, sa baba tayo mag-uumagahan. Ililibot din daw tayo ni Tita Vivian sa buong villa."

Nagtaka ako. Ang alam ko isang araw lang kami dito. Iyon kasi ang napagkasunduan. "Huh? 'Di pa tayo uuwi?"

"Gusto mo na ba?" Malamig na sabi nito.

Umiling ako. "I mean, baka kasi may mga meeting ka pa--"

"Pina-cancel ko. Lahat. I want to loosen up for a bit. This place is a great spot." Sabi nito habang ginagala ang mata sa paligid.

"Okay." Simple kong sabi bago tumalikod. Agad akong pumasok sa banyo at naligo. Sana masolo ko ngayon si Dylan, yung wala siyang kausap na mga businessman o kaya'y wala itong pinagtitripan na babae. Yung ako lang. Pero asa lang ako 'diba.

Natapos akong maligo, nagyon ko lang napagtanto na nakalimutan ko pala ang mga damit ko sa labas. Ibinalot ko ang sarili ko sa tuwalya at lumabas ng pinto. Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita si Dylan na nakaupo sa gilid ng kama namin. Nakabihis na rin ito at nahalata kong basa ang kanyang buhok. Naligo siguro siya sa banyo na nasa kusina.

"Lumabas ka muna, magbibihis lang ako." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng tapang para utusan si Dylan.

Tumaas ang isnag sulok ng labi niya. "Pagkatapos kitang alagaan kagabi, susungitan mo lang ako ngayon." 

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon