CHAPTER 17: GUESS WHO?

217K 4.2K 313
                                    

CHAPTER 17: GUESS WHO?

********

LUNA

"D." Hindi ko maayos ang necktie ni Dylan dahil sa pagnanakaw nito ng halik sa labi ko. Lumayo ako. "Stop kissing me."

"Can't get enough. I'm not sorry." May nakalolokong ngiti sa labi nito.

Huminga ako ng malalim at inayos muli ang kanyang necktie. Ngayong gabi gaganapin ang welcome party ni Camille at kailangan naming pumunta. Inaasahan kasi ni Papa na pupunta si Dylan dahil maraming negosyante ang pupunta roon.

"Let's go." Sabi ko.

Hinapit nito ang bewang ko. "Ayoko pa."

"Hahanapin na tayo ni Papa at Camille." He traced my jaw with his seductive lips.

"Magugulo na ang make up ko, Dylan."

"Mas mahalaga pa ba ang make up mo kaysa sa halik ko?" Nang-aakit na sabi nito.

Kinagat ko ang aking labi. Pinalupot ko ang aking braso sa kanyang leeg. "Dylan, we need to go. Now. Please?"

Huminga ito ng malalim at lumayo sa akin. Ngumiti ito gamit ang mapupungay na mata. "Queen's orders."

Lumabas kami at nagpunta sa paggaganapan ng party. Nang makarating na kami sa harap ng masyon ni Papa ay pinagbuksan kami ng gate ng security guard. Tinulungan akong bumaba ni Dylan na bumaba sa kotse. Agad na pumalupot ang braso sa aking bewang.

"Why do you have to wear this kind of clothes? You looked so freaking sexy, I'm so aroused." Bulong sa akin ni Dylan habang naglalakad kami palapit sa garden ng masyon.

Namula ang aking pisngi. Nakasuot ako ng isang simpleng pula na cocktail dress. Ayoko kasing makaagaw ng atensyon lalo na't hindi ko naman iyon party.

**

"Welcome back to my sweet daughter of mine, Veronica Camille." Sabi ni Papa sa taas ng stage at may hawak na mikropono. Sa isang kamay naman niya ay hawak ang alak.

Nasa gilid niya si Camille. Nakasuot ito ng fitted na maroon na damit. Hanggang kalahati ng kanyang hita ang ikli niyon at dahil sa kulay at ikli ay mas naging kaakit-akit ang kanyang mukha.

"Thank you, Papa. It's so glad that I'm home. Gosh. I missed my old bed." Nakangiting sagot ni Camille. Itinaas nito ang kupita ng alak. "Cheers."

Itinaas rin namin ang alak na  hawak. "Cheers!"

Sabay-sabay naming ininom iyon. Naramdaman kong hinawakan ni Dylan ang aking kamay na nasa ibabaw ng table.

"She looks so beautiful." I murmured.

"And you're stupefying." Bulong sa aking ni Dylan.

Humarap ako sa kanya. "Dylan, 'wag kang magpapakalasing ha."

Ngumiti ito. Hinaplos nito ang aking pisngi. "Don't worry. I won't risk your safety, baby."

"You're Dylan Caden, right? The CEO of DC Enterprises?" Tanong ng isang matandang lalaki. Umupo ito sa upuang bakante.

"Yes, I am. And this is my wife, Luna."

The man switches his gaze to me. "The celebrant?"

"No. We're twins." Nakangiti kong sabi.

"Oh. What a beautiful wife you got there. You're a lucky man, Mister Reyes."

Namula ang aking pisngi.

"I believe you're Mister Fidel Eusebio. The president of Eu Industries."

Ngumiti ang lalaki. "I offer you a preposition, Mister Reyes."

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon