CHAPTER 15: ANG MANHID MO

234K 4.2K 355
                                    

CHAPTER 15

********

S/N: Warning.

LUNA

"Hindi ba magagalit si Dylan kapag nalaman niya na kasama mo ako ngayon?" Sabi ni Camille habang iniinom ang cappuccino niya.

Inaya ko kasi siyang gumala dahil namiss ko siya ng sobra. Napatawad ko na siya sa ginawa niya although alam kong ramdam niya na may lamat na ang samahan namin.

At isa pa, gusto kong mapatunayan niya na wala na nga siyang pagmamahal kay Dylan.

"A thing he doesn't know won't hurt him." Nakangiti kong sabi.

Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha iyon at sinagot nang makita ang pangala ni Dylan.

"H-Hi, D." Malambing kong sabi.

"What are you doing? Bakit ang ingay diyan?"

"Hm, I'm at the mall." I said.

"Who's with you?" Napatingin ako kay Camille na ngayon ay nakatingin din sa akin at nakikinig sa usapan namin ni Dylan.

"Si.. a-ano—"

"And don't you dare lie to me." He said, menacing.

I sighed. Defeated. "I'm with Camille."

"Uh-huh. Okay. Enjoy, wife. Be ready when you get home. Take care." He said sarcastically before he hang up.

"Eh." Kinabahan bigla ako sa sinabi ni Dylan.

Mukhang galit ito dahil hindi ako sumunod sa bilin niya. I can't stay away from her. Kahit na malaki ang tililing ni Camille sa utak, hinding-hindi ko siya lalayuan.

"He's mad. I can guess." Camille sighed.

Tumikhim ako at matamis na nginitian si Camille. "Don't mind him. Tara, mag-shopping na tayo."

"Pero, Luna."

Nginitian ko ito at hinila papunta sa iba't-ibang shopping stalls. Nawala sandali sa isip ko si Dylan. Parang nawala ang bigat sa dibdib ko, ang gaan sa pakiramdam. Ganito nalang sana palagi, yung wala kaming pinoproblema.

Gabi na kami nakauwi, hindi ko na kasi nalayan ang oras. Pinatay ko ang sasakyan nang mai-park ko na sa harap ng bahay namin.

Lumunok ang ng ilang beses habang nakatingin sa sasakyan ni Dylan. Mas nauna siyang dumating, lagot na.

Bumaba ako ng kotse at umikot sa kabila para kunin ang mga pinamili ko. Maingat kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob.

"Dylan?" Tawag ko sa kanya. Binaba ko ang mga paper bags sa sofa at pumunta sa kusina dahil may mga naririnig akong ingay mula roon.

"Buti naman umuwi ka na. Kakain na tayo." Malamig nitong sabi habang naglalagay ng plato sa ibabaw ng lamesa.

"Ahm, Dylan.. ano."

Hindi niya ako tiningnan at umupo sa upuan nito.

"Ano, k-kasi.." Nag-iwas ako ng tingin. "Kumain na kami ni Camille sa labas."

Napatingin ito sandali sa akin. Blangko ang ekspresyon nito. "Okay."

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Oh no. He's doing the silent treatment.

Tutulungan ko na sana siyang ligpitin ang pinagkainan niya pero tinanggihan niya ako. Pumunta ako sa kwarto namin at nagbihis ng pantulog. Ilang beses na akong paikot-ikot sa kama pero hindi pa rin ako makatulog.

Ang laki ng kami namin kapag wala siya. Bumaba ako at nakitang nanunuod pa ito ng basketball game sa sala habang hawak ang isang bote ng beer. Tinabihan ko ito pero lumayo agad siya sakin.

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon