chapter 35

62 3 0
                                    


Buong araw ayaw maalis sa isipan ko ang sinabi ni Saint. He's tired already? Am I really being too harsh to him? Andyan lang siya palagi sa tabi ko, at hindi ko man lang tinanong sakanya kung maayos ba siya. Palagi nalang ako ang inuuna niya. Ugh! Sabrina why are you so dumb?

Habang naglalakad ako patungo sa parking lot ay nakita ko naman si Saint na nakasandal sa kotse niya na malalim ang iniisip. Huminga ako ng malalim, just give him a chance Sabrina. Wala namang mawawala.

Nilakasan ko ang loob ko at naglakad papalapit kay Saint. I tried not to be noisy pero mas malakas parin talaga ang pakiramdam niya at napaangat siya ng tingin saakin.

He sighed. Pero bago pa siya makapagsalita ay agad ko siyang sinalubong ng yakap. I felt him stunned, but later on I felt his arms on my waist.

"I'm sorry..." mahina kong sabi na sapat na para marinig niya.

"I am just scared na baka malaman ng underground about it, and I'm afraid that they will use me against you. I can't let you get hurt just because of me, Saint..." I explained.

Napasinghap naman ako ng maramdaman ko ang paglapat ng mga labi ni Saint sa noo ko. And he's starting to caress my hair.

"Don't worry baby...hindi nila ako masasaktan. I will not let that happen." Napangiti ako sa sinabi ni Saint, mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa mga bisig niya hanggang sa maamoy ko na ang perfume niya. He smell so good.

Nag-angat ako ng tingin kay Saint at nakita kong nakapikit siya habang nakangiti. He then looked at me and raised his eyebrows.

"Yes?" He said. Ang gwapo niya pala. Ang pupungay ng mata niya, at ang haba rin ng pilik mata niya.

"Let's go home." I insisted. At humiwalay sakanya. He nodded at me and opened the passenger seat's door for me. Ngumiti ako sakanya at pumasok sa loob.

Pumasok narin siya sa driver seat at pinaharurot ang kotse paalis sa parking lot ng school. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng nagsalita si Saint.

"Klea?" Tawag niya sakin.

"Hmm?"

"Biro lang yung kanina. I will never give up on you, kahit pa siguro magsilabasan lahat ng admirers mo wala akong pakealam. Basta akin ka lang." Agad naman akong napalingon sakanya at nanliit ang mga mata ko.

"Saint! Akala ko totoo nayun!" Sumbat ko.

"Bakit? Hindi mo ba ako yayakapin kung hindi ko yun sinabi?" Tanong niya, I just rolled my eyes at him at napangisi naman siya saakin.

"Kahit itakwil mo pa ako o kahit ipagtabuyan mo ako, susundan kita kahit saan." I just listened to him habang nagsasalita siya.

"They say the world is over billion and more years old, but mine is just twenty." Agad naman kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Huh?" I said in confusion.

"You're my world, Klea." He said. Agad naman akong napalingon sa labas ng binatana ng sasakyan niya. My heart beat is so fast! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

I felt the car stopped kaya napatingin ako sa paligid. Wala pa naman kami sa mansion, pero bakit niya hininto ang sasakyan? Napatingin ako sakanya at nakita kong tinanggal niya ang eyepatch niya at napatingin saakin ng diretso.

I gulped. I know that stare. "Bakit mo hininto?" I tried my voice to sound like normal.

"Pang matagalan naba to?" Tanong niya saakin.

"Ang alin?"

"This. O baka kinabukasan hindi mo nanaman ako papansinin." Malungkot niyang sabi, napangiti nalang ako kay Saint.

"Don't worry, Saint. I am giving you a chance to prove yourself in me." Napangiti si Saint sa sinabi ko.

"Smile at me." Bigla niyang utos, I eyed him.

"Akala ko ba you hate my smile?" Tanong ko sakanya, he just shrugged.

"Nope. I lied. I love your smile, smile at me." Dahil sa sinabi niya ay kusang lumabas ang ngiti sa mga labi ko.

Napatingin siya sa bandang leeg ko kung saan nakapwesto ang kwintas na bigay niya. He smiled and then looked at me again. It's really unusual for me to see him smile, pero dapat na siguro akong masanay dahil palagi ko na yang makikita sa mukha niya.

Nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit saakin and planted a soft kiss on the tip of my nose. Agad siyang lumayo saakin and winked at me, and continued to drive the car home.

Ah. My heart is so well fed up, what is he doing to me?

Nang makauwi kami sa bahay ay nagulat kami sa bumungad saamin ni Saint. Hindi namin inaasahan ang nakita namin.

Savienna? What did you do?

---
a/.

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now