chapter 23

90 7 1
                                    

Nang mag-lunch ay as usual ay nakiupo ako sa table nina Odette. Tsaka ngayon lang ako na-inform na sasama kami sa swimming contest nina Psalm dahil gagawa kami ng school paper about dun. Hindi ako sigurado kung papayagan ako ni Saint, kay Ate Mary nalang siguro ako hihingi ng permiso.

Sigurado naman akong papayag si Ate Mary dahil mabait siya saakin. Odette even made a groupchat na kaming pitong kasama si Journalism Club.

"Ganito nalang si Cassidy at Danica ang in-charge sa pictures, kayo kukuha ng pictures. May dslr naman siguro kayo diba?" DSLR? Camera? Magpapabili nalang siguro kay Saint or kay Ate Mary.

"Oo." Cassidy said.

"Yup." I lied.

"Si Rence at Stan ang bahala sa editing." nag thumbs-up naman ang dalawa na punong-puno ng pagkain ang bibig.

"And me, Pierce and Eren will be in-charge at the text. Yung details ng event kailangan natin mag take note, okay?" napatango si Pierce. Si Eren naman ay nakangisi kay Odette habang tumatango rin.

"Rence at Stan, please gumawa kayo ng cover page na catchy. Para naman may ganang bumasa yung mga student sa gawa natin..." She paused while scanning through her phone. "Plus gumawa na ako ng page natin sa school forum, ipo-post rin natin doon ang gawa natin para mabasa rin ng mga students na active sa social media."

Odette is really a nice leader, napaka-responsible niya at masyado siyang creative mag-isip kaya fit na fit siya maging leader sa club na 'to.

"Gets naman siguro ng lahat diba?" We all nodded. "Kung hindi kayo pinayagan ay feel free to message our group chat para ma inform ako at maibigay ang task mo sa iba. Since two weeks from now pa naman ang event."

"May suggestion ako." Napatingin kaming lahat kay Rence ng bigla siyang nagtaas ng kamay.

"Since three days after the event pa naman natin 'to ip-publish, ay what if pagkatapos ng event ay magkita-kita tayo at i gather lahat ng nakuha natin para ma-layout ito ng maayos at makahingi rin kami ng suggestion sainyo about the editing." Rence said.

May point siya. Napa-palakpak naman si Eren sa sinabi ni Rence. "Wow naman, may-isip ka pala no." Natatawang sabi ni Eren.

"Fuck you." matigas na sabi ni Rence at binato ng mansanas si Eren.

"Yeah. That's nice, pero saan naman tayo magkikita?" Tanong naman ni Stan. Lahat sila, well except for Pierce ay napatingin sakin habang nakataas pa ang mga kilay.

"Eh kaninong bahay paba, ang may maraming pagkain?" Nakangising tanong ni Eren.

"Kina-Danica!!" Sigaw nila. Napatawa ako sakanila.

"Magpapa-alam ako sa parents ko." I said. And they all cheered in glee.

As if naman may parents ako.

Time went fast and I already told Pierce tungkol sa pagsabay ko sakanya pauwi. Wala naman siyang sinabi at tumango lang siya saakin. Pumunta muna ako sa locker ko para iwan ang iilang notebooks ko.

Pagkabukas na pagkabukas ko sa locker ko ay nagulat ako ng may nalaglag na envelope na nanggagaling sa loob.

Napatingin ako sa paligid at wala naman akong nakitang taong naglalakad paalis mula sa locker room ng girls. Maingat kong binuksan ang letter at agad binalot ng kaba at takot ang buong katawan ko.

Sabrina,

What a happy life you have there huh? Habang ako andito pinapahirapan ng hayop nating ina? Siguro nga ay hindi mo ako nakilala dahil nagka-hiwalay tayo nung sanggol pa tayo. But isn't it unfair, Sabrina?

You are breathing a very clean air, while I am here on our mother's side suffering? Nakapasok kapa sa isang elite school huh? Pero ngayon, nakaalis na ako sa kulungang pinanggalingan ko at babawiin ko lahat sa'yo Sabrina.

You piece of crap, hindi naman talaga ikaw ang pumatay kay Daddy. It's not Mom too. Gusto mong malaman?

Magkita tayo. Saturday. 1PM. I'll text you the details, na sayo kung gusto mong Pumunta o hindi.

Adios, my little sister.

May kapatid ako? Hindi si Mommy ang pumatay kay Daddy? Sino to? Totoong kapatid ko ba talaga to? At....

Sino ang pumatay kay Daddy?

---
a/n:
any ideas kung sino yon?

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now