chapter 21

98 7 0
                                    

Tatlong araw na ang lumipas simula ng pangyayaring iyon, wala namang lumabas na kahit anong salita mula kay Pierce. Laking pasalamat ko ng itinago niya ang nangyaring iyon.

Tsaka sa tatlong araw na yon iniwasan ko si Saint, iniwasan ko kahit anong physical, emotional o kahit spiritual contact sakanya. Gusto kong isipin niya muna ng mabuti kung gusto niya ba talaga ako, dahil alam kong naguguluhan lang siya sa nararamdaman niya saakin.

"Hey, Danica. I heard you and Rozen are going out." biglang salubong saakin ni Allison. Alam kong iniisip niya na mahina ako dahil naisahan niya ako noon. Pero ngayon? Tingnan nalang natin hanggang saan ang tapang ng bruhang ito.

"Ewan ko nalang kung mangyayari yun, sigurado naman akong hindi kapapatulan ni Rozen. Kasi ang panget mo!" matinis na sigaw ni Allison. Napairap nalang ako sa ere at nagpatuloy sa paglalakad.

Alam na alam ko na 'to, dahil sa oras na lalayo ako sakanya alam kong hihilain niya ang buhok ko para mapigilan ako sa paglalakad. Kaya ng maramdaman ko ang kamay niyang papalapit sa akin, I immediately step aside.

Humakbang ako patagilid at napangiti ako ng matumba si Allison at sapul! Una mukha. Narinig ko ang tawanan ng mga estudyante sa paligid namin na nakakita sa nangyari.

Hindi ako papayag na isang katulad nito ang tatapak-tapakan ang pagkatao ko. I respect myself so much, at ang isang taong katulad ni Allison ay hindi makakapag-pabago doon.

Agad naman akong napaigtad ng biglang sumulpot si Eren sa tabi ko.

"Danica, punta ka raw sa rooftop." nakangiting asong sabi ni Eren saakin, agad naman napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Bakit?" naguguluhan kong tanong.

"May gustong kumausap sa'yo."

"Sino?" Nagkibit-balikat lang si Eren saakin at agad umalis.

Teka, pupunta ba ako? Baka masamang tao yun, oh mga kaklase kong may galit sakin? Pero kilala nila si Eren, safe naman siguro dahil sa college department lang naman yung nagpapa-punta saakin.

Napatingin ako sa wristwatch ko, 30 mins before time. This better be good and safe, Eren.

Agad akong pumunta sa roof top at pagkabukas ko ng pinto ang malakas at malamig na hangin ang sumalubong saakin. Napatingin ako sa mga lumang bookshelves at may nakita akong lalakeng nakayuko at nakasandal roon.

"Psalm?" nang mai-bigkas ko ang pangalan niya ay agad napaangat ang ulo niya and smiled at me.

"Bakit mo ako pinapapunta dito?" I asked him. Umayos siya ng tayo at lumapit sakin.

"I have to discuss to you, about a very important matter." napakunot ang noo ko sa sinabi niya at umupo sa isang sirang arm chair.

Tumayo siya sa harap ko and sighed. "Hindi ko alam kung magugustuhan mo ang sinabi ko. Pinag-isipan ko na ito ng mabuti at halos hindi ako makatulog dahil lang sa kakaisip tungkol sa bagay na 'to..." he paused.

"About what, Psalm?" huminga ulit siya ng malalim.

"I'm really nervous, Sab." Napangiti ako sakanya, ang sarap lang sa pakiramdam na may tumatawag sa totoo mong pangalan sa isang lugar na hindi talaga alam kung ano ito.

"Kaya mo iyan, mas mabuti ng masabi mo para gumaan nadin ang loob mo." napatango siya sa sinabi ko.

"You're right, hindi naman mabuti kung ikikimkim ko 'to sa loob ko..." mahina niyang sabi at napatingin ulit sakin ngunit ngayon, all I see in his eyes are hope. He is hoping. Hoping about what?

"I've been thinking about this a lot of times, and I've made up my decision last night. Dahil, Sabrina... gusto kita. Hindi lang gusto, gustong-gusto kita." My eyes rounded dahil sa sinabi niya.

He likes me. Psalm likes me! Oh, good heavens.

"And since we're old enough, gusto kitang ligawan." Nagulat ako sa sinabi ni Psalm, I didn't expect this kind of confession...pero agad akong napaisip.

I really like Psalm, but later on I realized na I only like him as a friend. Nagustuhan ko lang siya dahil sa atensyon na binigay niya saakin noong mga panahon na kailangan ko ng kaibigan. And I really admire him for that.

"Promise, Sab. I'll do anything to get you, lahat ng gusto mo ay gagawin ko. Even if you'll command me to catch a fly, I would gladly do that for you." Psalm pleaded.

"I will be at your side always, I'll be there if you need me. But first, allow me to court you..."

"Gusto kong mas makilala mo pa ako, at kung sino talaga ako. Gusto rin kitang mas makilala pa. Would you allow me?" Inubos ko ang lahat ng brain cells ko para makapag isip.

Kung papayagan ko siya then I'll have the normal life just like everyone? Tsaka I really like to experience, na nililigawan ka ng isang guy.

So..."Okay, payag ako."

Maybe it would work?

----
a/n:

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now