EPILOGUE: The end is just the Beginning

136 4 1
                                    

7 years Later

Agad akong napatakbo at agad sinundan ang dalawang bata na kanina pa tumatakbo sa gitna ng Disneyland. I looked at Saint at napatawa lang siya saakin at kalmado lang siyang naglakad pasunod saakin.

"Oh my god, Saint! Habulin mo rin ang mga anak mo! Huwag mo silang pabayaan!" Inis na sabi ko habang sinusundan si Evie at Avie.

Ang problema sa dalawang ito ay ayaw na sumunod saakin dahil ini-spoil ni Saint! Sinabihan ko na si Saint na huwag i spoil ang anak namin ngunit ang tigas ng ulo niya! Yan tuloy ayaw na sumunod saamin.

Napahinto ako sa paghabol at hinabol naman ang hininga ko. Hinihingal ako, nakalimutan ata ni Saint na buntis ako sa pangatlong anak namin! Ugh!

Bigla akong nakaramdam ng yakap mula sa likuran ko kaya naging kalmado ang paghinga ko. Pinatong ni Saint ang baba niya sa balikat ko and whispered.

"Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo, baka mapahamak ang junior ko." Kahit hindi ko makita ang mukha niya ay sigurado akong nakangiti siya, palagi niya kasing ini-insist na lalake na ang anak na nasa tiyan ko.

Kasi may dalawang babae na, kaya gusto niya lalake na daw. Eh alam ko namang babae ulit 'to, kasi iyon ang sabi ni Ate Mary.

"Tawagin mo yung dalawa! Kung ayaw mong ma stress ako sa'yo!" Inis kong sabi. Humiwalay saakin si Saint at napatawa.

"Yes maam" He said at nag umpisang lumapit patungo sa dalawa.

"Eveanna Katriel and Avionna Kalia! Get back here or I will not buy the doll you want!" Sigaw ni Saint, at parang gumana naman dahil nag-uunahang tumakbo ang dalawa pabalik sa direksyon namin.

"Omg Dad! Evie is scaring me! She said, Minnie Mouse is once a monster!" Reklamo ni Avie at tinuro ang nakakatandang kapatid niya na tahimik lang na nakatingin kay Avie.

Avionna obviously inherited my attitude, while Eveanna has, Saint's. Habang ang mga mata naman ni Avionna ay namana niya kay Saint, the other one is brown while the other one is red.

Evie is very different from Avie dahil she has no interest in dolls. At mas gusto niyang sundin ang yapak ni Saint sa pagiging mafia boss.

Yes, they knew. Dahil pinaliwanag na ni Saint sakanila. Matalino naman silang dalawa at mabilis nilang naintindihan ang sitwasyon na nasa sakanila.

"Duh. Avie is just being a crybaby Dad. Hindi naman yon nakakatakot, and I am just telling a fact." Sabi naman ni Evie, kahit ako ay nasasabi kong nakakatakot talaga si Evie kapag lumaki na. She'll be a great mafia boss.

"Sshhh, Evie. Do you know that your sister is a softie right?" Tanong ni Saint kay Evie, tumango nalang si Evie kay Saint.

Napatingin ako kina Saint at sa mga anak namin at hindi ko mapigilang maluha. We already went this far...akalain mo yun? Sa lahat ng pagsubok na dinaanan namin ay sasaya pa pala kami?

I didn't expect us to be happy anymore, dahil sa raming pagsubok na dumaan sa buhay namin. But here I am, having the best moment of my life, with my husband and my children.

I am so lucky to have Saint in my life, after all the criticism and the danger we have. Andito parin kami and we became stronger and more faithful to each other.

We already had our wedding back in the Philippines, and I can't still not forget the crying face of Saint habang hinihintay ako sa altar. Lahat ata ng tao sa pa ligid ko ay biglang nawala at tanging si Saint nalang ang naiwan.

I stared at Eveanna, she has a very strong personality at sigurado akong kaya niyang malampasan lahat ng pagsubok na dadaan sa buhay niya.

While, Avionna. She my cry a lot, but she is a strong girl too. Alam kong kaya niya rin, both of my daughter has a strong personality at alam kong alam nila ang buhay na naghihintay sa paglaki nila.

They may also experience what we've experienced. But I'll try my best para ma-protektahan ang mga anak ko, gagawin ko ang lahat para hindi nila maranasan ang naransan ko noon.

I already graduated at OS. And luckily I passed with a observation of 98.4, mas mataas ng konti kay Savienna pero hindi rin kasing taas ng kay Saint. But I don't mind though, and importante ay ligtas na ako at pwede ko nang makamit ang normal na buhay lagi kong hinahangad.

"Mommy! Let's take a photo!" Agad nabalik ang atensyon ko kina Saint ng biglang sinigaw ni Avionna ang pangalan ko.

Ngumiti ako sakanya at tumango. Agad kaming pumwesto at sinet ang DSLR na nasa harapan namin, gamit ang tripod.

We all smiled while the camera starts counting down.

Who knows? This maybe the end of my story but for me, this is just the beginning of the new chapter of my life.

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now