chapter 7.

137 6 0
                                    

Nung nag lunch ay pagkatapos kong bumili ng pagkain sa canteen ay babalik na sana ako sa classroom ng may biglang tumawag saakin.

"Danica!" Napatingin ako sa gawi nila Odette at nakangiti sila saakin habang tinatapik niya ang bakanteng upuan sa tabi niya.

I roamed around the canteen at sinigurado na wala si Saint dito. Magagalit nanaman siya kapag nakita niyang may kasama nanaman akong kaibigan ko. I really don't understand him. Pinagbabawalan niya ako eh siya, anrami raming nakakakilala na sakanya.

Naglakad ako papalapit sa table nila Odette at umupo sa tabi niya. They all smiled at me.

"Sa classroom kalang ninyo kumakain?" Tanong ni Rence, tumango naman ako. "Bakit?"

"Kasi...iniiwasan ko yung crush ko dito." I lied. Psalm isn't here, sa classroom naman siya kumakain. I'm sure hinahanap niya na ako. Pero gusto ko kasing makasama sila Odette.

"Sino ba crush mo? Si Rozen? Hindi dito nagl-lunch yun." Agad naman napakunot ang noo ko , hindi dito nagl-lunch si Saint?

"Asan?" Agad sumilay ang pilyong ngiti sa labi ni Eren. Ha? Bakit? Anong sinabi ko?

"Ikaw ha, crush mo si Rozen no? Kaya mo siya finollow sa instaface kasi crush mo siya no?" Panunukso ni Eren. Agad naman napatingin silang lahat sakin.

"Si Rozen? Magugustuhan ko? That will never happen. Iba yung gusto ko no!" Agad ko namang sabi, bakit ko naman magugustuhan si Saint? Eh wala ng ginawa yun kundi ang maging masama sakin at tratuhin akong bata.

"Weh?" Nakangisi namang tanong ni Cassidy at sabay pa talaga sila ni Stan. Wala akong nagawa kundi ang umiling nalang.

Napatingin ako kay Pierce na tahimik lamang na kumakain at nakatitig sa kawalan. Weird. Madami pa silang kinuwento sakin at doon ko lang nalaman na since elementary ay dito na pala nag-aaral si Psalm.

At siya pala ay isang swimmer. Hindi naman niya sinabi sakin at hindi rin halata. Kaya pala medyo moreno si Psalm. Sabi rin nila, matalino si Psalm at sikat sa Business Ad department.

"San ka nga pala nag-aaral noon? Danica?" Tanong ni Odette saakin.

"Uhm, I was homeschooled." Sabi ko. Napatango siya at si Rence naman ay biglang nalaglag ang panga.

"So, ang yaman mo? Homeschooled ka since kindergarten?!" Halos pasigaw niyang tanong, teka ano bang nakakagulat dun?

I nodded. "Wow. Ang yaman mo pala." Sabi naman ni Cassidy.

Anong mayaman sa homeschooled? Ang gulo nila. Napailing-iling nalang ako sakanila at nagpatuloy kumain. Nang matapos ang lunch ay pumunta muna ako sa girl's washroom.

I looked at myself at the mirror, I'm so pale. Tama talaga si Ate Mary, I should use some lip balm. And blush on para naman magkakulay ang mukha ko.

Lalabas na sana ako ng washroom ng may biglang pumasok na tatlong babae. Ang isa sakanila ay si Allison. Siya yung seatmate ko na nag utos sakin na i-unfollow ko si Saint. May kasama siyang dalawang babae.

"Oh my god, did i just smell something gross?" Sabi nung isang babae na ang kapal ng kolorete sa mukha.

Napatingin si Allison saakin at walang sabi-sabing sinampal ang pisngi ko. I bit my lowerlip. Grandpa Santino trained me taekwondo, pero sabi niya I should never use in public unless it's life and death situations.

I clenched my fist and looked at her. "Anong problema mo?"

"Oh me? Nothing, I'm just bored and I really want to get rid every trash of this school." Nakangiti niyang saad, is she referring to me? I shot up eyebrow and laughed.

"Then you should get rid of yourself." Natatawa kong sabi. Nakita kong napakurap-kurap siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Are you aware na kaya kitang ipa-expell dahil lang sa sinabi mo?!" She shouted. She raised her hand to slap me again pero agad kong napigilan 'yon.

"Woah. Slapping is your habbit? That's sad. Try, trying it to yourself para naman sumaya ka kahit konti." Her face is so mad. Kaya agad niyang inagaw ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

Napatingin ako sa salamin at inayos ang buhok ko. Pero laking gulat ko ng bigla-bigla niyang hinila ang buhok ko and throw me to her alipores.

"Ang lakas ng loob mong sagot-sagutin ako? Eh hindi ka naman kagandahan. Siguro nga tama sila, na pokpok kalang ni Rozen." Natatawa niyang sabi.

In an instant move she slapped my right cheek. "Layuan mo si Rozen. Akin siya." And slapped my left cheek again. "Tsaka bawas-bawasan mo ang pagiging matapang mo hindi mo kilala sino ang binabangga mo."

She said and left the washroom together with her alipores. I felt so exhausted, parang na-drain lahat ng enerhiya ko. I looked at myself in the mirror.

I looked like a mess. Agad kong kinuha ang cellphone ko at di-nial ang nasa unahan ng contact list ko.

"Help me...i want to go home."

---
a/n:
feedbacks?

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now