chapter 86

61 3 0
                                    

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Dr. Patrick ng isa-isang nagsilabasan ang mga tauhan ni Mommy. Hindi ko maitago ang saya ko dahil malaki na ang tyansa namin na manalo sakanila. Deus was also shocked when that happened kaya napangiti nalang ako.

"What is happening?!" Inis na sigaw ni Dr. Patrick at nakita ko kung paano sya nagmamadaling gumalaw.

Ang mga human zombies ay isa isa ng nagsisibagsakan dahil sa bilis ng galaw ng mga tauhan ni Mommy. Lahat sila ay gumagalaw ng mabilis at walang sinasayang na oras.

"Itigil nyo 'to!" Giit ni Dr. Patrick.

Ngunit kahit isa ay walang nakinig sakanya, maya-maya pa ay nakita ko kung paano niya inangat ang remote na hawak niya sa pag-control kay Saint.

In an instant move ay agad akong tumakbo patungo sa direksyon ni Dr. Patrick at hinila mula sa kamay niya ang remote. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil hindi niya inaasahan ang nangyayari.

"What the hell? Lacsamana! Gave me back that remote!" Naiinis niyang sigaw, Napatawa nalang ako sa reaksyon ni Dr. Patrick at agad tiningnan ang remote.

Walang alinlangan ko itong binasag gamit ang dalawang kamay ko, nakita ko naman ang hindi mapintang mukha ni Dr. Patrick. Napatingin ako kay Saint at nakita ko na unti-unting bumabalik ang dating aura ng pagkatao niya.

"You won't get away with this!" Sigaw ni Dr. Patrick.

Lumapit siya kina Deus at may binulong, nakita ko ang pagtango ni Deus at nagulat ako ng biglang tumakbo si Abbygayle patungko sa direksyon ko at handa na akong atakehin.

Pero sadyang malakas ang reflexes ko at agad kong naiwasan ang atake niya. Napatingin ako kina Savienna at nakita kong busy narin sila sa pakikipag laban sa human zombies nina Deus.

Wala akong sinayang na oras at nang mapunta ako sa likuran ni Gayle agad ko siyang sinipa ng malakas. Hindi ko inasahan na napalakas ang sipa ko at na out of balance siya at na subsob sa sahig.

Pero agad naman siyang nakatayo at ng napatingin siya saakin ay nagulat ako sa nakita ko. Her eyes...her bloodlust...her eyes is like a snake's eyes. At alam kong ano mang oras ay handa na syang tapusin ang buhay ko.

Nang sumugod siya saakin ay agad akong umiwas. Her reflexes got even faster at alam kong kapag nahuli niya ako ay katapusan ko na.

"What are you going to do? Sabrina Lacsamana? Just dodging? Oh how weak you are." natatawang sabi niya, napakunot ang noo ko ng bigla siyang my hinilang dagger sa likuran niya.

Uh-oh.

Binato niya ang isa saakin at sa kasamaang palad ay hindi ako nakaiwas agad kaya, agad itong bumaon sa hita ko. I groaned in pain at napatingin ng masama sakanya, I tried to control myself. I can't panic! Not now!

"What now? Pinipigilan mo ang bloodlust mo? Just let it go, Sabrina. Just let it reign you, Sis." Nakangisi niyang sabi, agad kong pinikit ang mga mata ko dahil para akong nahi-hipnotismo sa mga mata ni Abbygayle.

Nagulat ako ng makaramdam ako ng haplos sa likuran ko kaya agad akong napaigtad. It's Gayle.

"Huwag mong pigilan, Sabrina. Let the bloodlust reign your system. It feels so great!" Ramdam ko ang kilabot ko sa bawat salitang binibitawan ni Gayle.

Deep breath, Sabrina. Deep breath. Don't let, her ruin your control. Hindi siya ang magpapawala ng control sa katawan mo.

"I see, defense mechanism of your body is high enough to make a wall. Pero makakaya ba nyan ang  gagawin ko?" Agad kong naimulat ang mga mata ko at hinanap si Gayle. Halos mang hina ako ng nakita ko siyang papalapit kay Saint na hindi pa nagkakaroon ng malay.

"Let's play a game. Kunwari si Hellion ang prinsesa, ikaw ang prinsipe at ako ang dragon. And you need to kill me first before savingㅡ" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad kong binato ang dagger na nakabaon kanina sa hita ko sa direksyon niya.

Nakita ko kung paano bumaon ang dagger na binato ko sa noo niya. Bitch.

Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ako makapaniwala sa nagawa ko, maybe that's adrenaline rush dahil na sa kaba ko at baka mapahamak si Saint.

Nagmamadali akong lumapit kay Saint at napangiti nalang ako ng unti-unti niya ng minulat ang mga mata niya. Bumungad naman saakin ang magkaibang kulay ng kanyang mga mata at ang pagod niyang mga tingin.

"B-baby..."

Ngumiti ako kay Saint at inalalayan siyang umupo. Hinihingal siya at halos hindi na ma-hitsura ang katawan niya dahil sa rami ng sugat.

"What happened?" Tanong niya habang lumalakbay ang kanyang tingin sa loob ng Ring Of Fire. Everything is in chaos.

"I'll explain everything to you, later but please... help me get rid of those two." Sabi ko at itinuro sina Deus at Dr. Patrick na nag-uusap ng seryoso.

"I can't take them down in one blow... my body is so weak.." Mahina niyang sabi. I smiled at him sincerely and cupped his beautiful face.

"I'm here. I'll help you."

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Saint. I gave him a assured smile. Huminga siya ng malalim at tumayo. He grabbed my hand at tinulungan akong tumayo.

"Fine. Just stay at my back, just attack when it's needed."

Para akong aso habang tumatango at nakasunod lang sa mga yapak ni Saint. Kalmado siyang naglalakad patungo kina Deus at Dr. Patrick habang ako ay halos kainin na ang katawan ko ng kaba.

Whatever happens I know I'm safe.

Saint is here. He's here.
---

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now