chapter 24

86 5 0
                                    

Chapter 24

I thanked Pierce for driving me home. At pagkadating ko sa bahay ay pansin ko ang dalawang sasakyan na naka-park sa drive way ng bahay. May bisita ba? Agad kong inayos ang sarili ko at maingat na pumasok sa loob ng mansyon.

Nakarinig ako ng iilang tawanan sa dining hall kaya agad akong sumilip sa dining hall at nakita ko naman si Audrey na may kasamang matandang babae at lalake na hinala ko ay parents niya. Napahinga nalang ako ng malalim.

Should I tell him about the letter that I received? May karapatan naman siyang malaman yun. And it's safer kung alam yun ni Saint. Maybe, I should tell him later. Pagkatapos ng dinner nila.

Umalis ako sa entrance ng dining hall at nakita ko naman ang pagpasok ni Ate Mary na may kasamang lalake. Boyfriend? or Friend? Bakit andaming nangyayari ngayong gabi?

"Oh! Sean this is Sabrina. Sabrina this is Sean Gomez, my boyfriend." Oh my god... Ate Mary has a boyfriend! At wala man lang siyang sinabi saakin!

"I know Baby Sab, this might be so shocking for you. But I'll explain you the details later okay? After ko siyang maipakilala kay Saint." Napatango ako sa sinabi ni Ate Mary.

Mary Magdalene Santillana and Saint Angelous Santillana has their own life. And I can't even believe it! Sean looks like a foreigner, alam ko naman na ganyan talaga ang tipo ni Ate Mary.

Kasi nung teenager pa ako ay halos lahat ng boyfriend niya ay may lahi or full breed na taga ibang bansa talaga. Kaya hindi na ako magtataka ngayon.

"Baby Sab, magbihis kana muna. Sa dining hall lang kami." napatango ako sakanya at agad akong umakyat sa silid ko.

Agad kong kinuha ang letter sa bag ko and read it all over again. Little Sister...may kapatid ako. Nagkahiwalay kami nung sanggol pa kami. But why? Walang kahit anong sinabi si Mommy o kahit si Daddy na may kapatid ako.

I thought I am the only child. Sino ba siya? Is it a older sister? or a brother? Since it says here little sister, so ibig sabibin may nauna pa saakin? Pero...bakit hindi kami sabay lumaki? Bakit ganun?

Ugh! Andami-daming tanong na gustong masagot ng isip ko, pero alam ko ang kapatid ko DAW ang tanging makakasagot ng lahat ng to. Tomorrow is Friday, I have a day to decide kung pupunta ba ako o hindi. But first I have to inform Saint.

I looked at outside at nakita ko ang pagkaway ni Audrey kay Saint. She even kissed his cheeks, Saint nodded at her and waved a goodbye too. Nang pumasok na si Saint sa loob ng bahay ay agad akong nagbihis at lumabas ng kwarto.

Naabutan ko naman siyang paakyat na at mukhang papasok rin sa sarili niyang kwarto o sa opisina niya.

"I have to talk to you about something." Agad kong sabi. Napatingin siya saakin at tumango.

"Let's talk about it, in my office." Napatango ako sa sinabi niya at sinundan siya sa paglalakad hanggang sa makaabot kami sa pintuan ng opisina niya.

The security password identified his fingerprint, one by one. All of his finger print on his hands, and even removed his eyepatch just to identify his red-eye, just to make sure na si Saint ang papasok dito.

Nang makapasok kami ay agad siyang umupo sa couch at ganun rin ako. I handed him the letter with the envelope.

"Someone inserted that in my locker earlier. Hindi ko alam kung sino, kasi hindi ko naabutan kung sino man ang nag lagay niyan." I saw how both his eyes roamed around the letter.

"You have a sibling?" Hindi makapaniwalang tanong ni Saint saakin.

"Ngayon ko lang rin nalaman, at hindi ko rin alam kung bakit kasama niya si Mommy." I said. Naglakad siya papunta sa drawer niya at kinuha ang green light niya.

Inilapag niya ang envelope sa harapan ko and activated his green light at itinapat iyon sa sobre. Napa-mangha ako ng may nakita akong iilang bakas ng finger print na naroon.

He fabricated the fingerprint and let his gadget scan the finger print. Namilog naman ang mata ko ng may lumabas na profile sa monitor niya. He scanned the other fingerprints at nakita ko rin doon ang profile ko. Tama, dahil hinawakan ko rin ang sobre kanina nang buksan ko 'to.

May nakita akong dalawang profile na nasa monitor ni Saint. The first one is named Joaquin De Liano, habang ang isa naman ay Erick Chavez. Bakit dalawa? At hindi ako kumbinsado na kapatid ko ang isa sakanila dahil wala ni isa ang nakuha man lang genes ni Mommy o Daddy.

"Hindi ko naman yan kapatid." Agad kong sabi.

"Of course it's not." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Saint.

"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.

"I'm sure this sibling of yours didn't write the letter. Sigurado akong may inutusan siyang sulatin ang sasabihin niya, dahil alam niyang kaya nating alamin ang pagkatao niya by doing this." He explained.

"Pero bakit dalawa? Hindi naman siguro dalawa ang naglagay ng letter sa loob diba? Ano yun? Group activity?" I joked. Saint just shrugged dahil sa sinabi ko.

"Be smart, Klea. Ang isa diyan ay estudyante sa Akademi High, pina-aabot lang ng lalakeng ng lagay sa envelope sa isa sa estudyante dahil bawal naman silang pumasok sa loob kapag walang ID, remember?" I nodded. Saint is a freaking genius. Tao paba to?

"And listen, it says here ite-text niya ang location. If makatanggap kana ng text, give me your phone I'll track the texter's location. At para malamin natin kung andito siya sa Luzon or not." I nodded.

"Don't come to school tomorrow. I will trespass there tonight para ma-hack ang CCTV sa locker area nyo. Ico-connect ko dito sa monitor, you'll watch it." I nodded again.

"After receiving the text, and after tracking the texter's location. Throw your phone and buy a new one, they might track our location too and attack our place." Wala akong nagawa kundi ang tumango.

Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa mga mangyayari. Pero hindi ko maiwasang maging panatag rin.

The highest mafia boss is here by my side protecting me, bakit paba ako matatakot?

---
a/n:
FEEDBACKS?!?!?! 🤣

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now