chapter 39

58 1 1
                                    

Nang uwian na ay hindi parin maalis sa isip ko ang mga sinabi ng mga tanging naging kaibigan ko sa school na ito. Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi nila, napatingin naman ako kay Psalm at nakita kong nakatingin rin siya saakin. He smiled a bit to me, at ngumiti narin ako pabalik. Lumapit siya saakin at kita ko ang pagod sa mga mata nya.

At nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ako nagpumiglas dahil nakakahiya iyon kay Psalm, naging mabait siya saakin at wala siyang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako.

"I know it's not you..." Mahina niyang bulong. Agad kumunot ang noo ko sa sinabi ni Psalm. Anong hindi ako?

"What do you mean?" naguguluhan kong tanong kay Psalm, he hugged me tighter kaya wala akong nagawa kundi ang tapikin ang likuran niya.

"You came into our house yesterday, sabi mo kahit kailan hindi mo mamahalin ang isang katulad ko. You said that and even show me a picture of you and that fucking Rozen hugging in the parking lot." Sabi niya agad kumulo ang dugo ko sa sinabi niya, what is really happening? Una mga kaibigan ko, tapos ngayon si Psalm? Wala silang ginagawang masama!

"I swear to God, Psalm. That wasn't me!" I defended myself, bumitaw siya sa pagkakayakap saakin at marahang tumango.

"I know, Sabrina. I know you are not like that." Compared to my friends it looks like Psalm understand me better kesa sakanila, they didn't even bother to prove myself that I am guilty basta basta nalang nila akong tinalikuran.

"Pano mo naman ako paniniwalaan? Eh hindi ka sigurado kung nagsasabi ako ng totoo." I said to him, he smiled at me.

"I know your hair is longer than the person who went into our house. Tsaka you never have piercings for pete's sake!" Shorter hair...has piercings, isa lang naman anf kamukha ko na may ganun ring katangian. Savienna...

"Please Sabrina, tell me that wasn't you. Para na akong mamamatay dito, hindi ko na alam ang gagawin ko nang marinig ko ang mga salita na yun galing sayo..." he paused and cupped my face with his palms. "I can't afford losing you, I might die."

Bigla akong kinabahan ng unti-unting inalalapit ni Psalm ang mukha niya saakin. Oh my god! No! Hindi naman ako makapamiglas dahil hawak-hawak niya ang mukha ko. He is so near to me ng bigla nalang may lumipad na upuuan malapit sa kinaroroonan ni Psalm.

"You can't afford losing her because you might die? Then die now!" Saint! Agad akong napalayo kay Psalm at napalingon kay Saint he is mad. Kitang-kita ko kung gaano kakunot ang noo niya ngayon.

And then I remembered, Saint is unstoppable when he is mad. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Psalm sa tabi kaya napatingin ako sakanya.

"Seriously, Rozen? What's this Sabrina? Akala ko ba walang namamagitan sainyo?" Tanong ni Psalm saakin.

"Wala naman talagang kami, Psalm!" I defended myself which is really a bad move dahil nakita ko kung pano kinuyom ni Saint ang kamao niya.

"Oh eh, wala naman palang kayo bakit parang makaasta ka Rozen eh boyfriend ka niya? Nanliligaw ako kay Sabrinaㅡ" 

"Don't you ever call her Sabrina in front of me!" Malutong na sigaw ni Saint agad akong kinabahan.

"Bakit? Hindi ba na-inform sayo na gusto matawag ni Danica ang sarili niya na Sabrina? Yun ang second name niya!" Psalm said. I looked at Saint at agad akong kinabahan, he is now closing the door and the windows.

And then he looked at Psalm. "Do you know underground society?" No Saint...

"Saint...please no..." Mahina kong sabi na siya lang ang nakarinig, hindi niya ako pinansin at tinuon niya ang atensyon niya kay Psalm.

"Ofcourse! My Dad is the fourth highest mafia boss." What? Psalm is a mafia prime? Agad akong napalingon sakanya at nakita ko rin ang pagkagulat niya sa sinabi niya.

"Then you might know me too..." Saint said at nakita ko ang unti-unti niyang paghubad niya sa eyepatch niya. No! Not here!

Bago pa tuluyang maialis ni Saint ang eyepatch niya ay ginawa ko na ang alam kong dapat kong gawin. I rushed to him and immediately hugged him, tight.

Naramdaman ko ang unti-unting pagbaba ng kamay niya, no Saint. I can't let you reveal your identity here just because of your jealousy. Alam kong sa oras na may makaalam kahit na si Psalm ay mapapahamak nanaman ang mga buhay natin. At alam kong hindi naman siya makikinig saakin kapag sigaw lang ako ng sigaw, this is the only thing I know I could do.

"You better have an explanation for this Sabrina." Rinig kong sabi ni Psalm at narinig ko ang paglabas niya sa classroom namin.

Kumalas ako sa yakapan namin ni Saint at nakita kong nakasimangot parin siya.

"I'm still jealous, lambingin mo ako." Magkasalubong ang kilay niya and he is pouting! What the hell, Saint. He is so cute para na talaga siya yung emoji na pusa na sinend niya.

"Mahirap magtampo ng walang nanglalambing, Klea. Lambingin mo ako o sasabay ka kay Pierce uuwi." Seryoso niyang sabi. Napatawa nalang ako ng mahina sa sinabi ni Saint. So childish.

"Ayoko nga." Pag ismid ko sakanya.

"Sige bahala ka, hindi kita papansinin ng ilang araw." He threatened me. Talaga lang ha? Ako kaya ko yan pero siya ba kaya niya?

"I'm really jealous, ako lang pwede ang humawak sa mukha mo ng ganun. Ako lang pwede makalapit sayo ng ganun, no other guys! Ako lang." Ma awtoridad niyang sabi saakin habang nakatingin ng diretso saakin.

"Pag mamay-ari kita Klea. Akin ka lang." He said.

At naramdaman ko nalang ang paglapat ng mga labi ni Saint sa labi ko. Agad nanuyo ang lalamunan ko dahil sa ginawa ni Saint.

This is the second time! Oh my god, heart please calm down!
---
a/n:
😾 <---- Saint

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now