chapter 31

64 1 0
                                    

Nagkatingin lang ako kay Saint habang maingat niyang inilalapag si Savienna sa kama ko. Savienna is now deep asleep ang sabi ni Ate Mary ay 10 hours ang effectiveness nun. At bukas pa talaga magigising si Savienna.

That made me calm dahil hindi ako makakatulog ng maayos kapag alam kong gising si Savienna tuwing gabi. She might attack us while we are sleeping. We can't predict what's going on in Savienna's head dahil napaka-complicated niya.

We really don't know if we can trust her or not. Nang matapos ang lahat ng yon ay sinigurado ni Saint na gumagana lahat ng security cameras ng kwarto ko na kasing liit lang ng beads. Saint has security cameras all around the house na kasing liit ng beads at hindi basta-bastang nakikita.

Naglakad si Saint papalapit saakin. "She's still asleep and the cameras are well hidden." Sabi niya while closing my room's door.

"I'm sorry Saint, kung hindi lang ako pumayag na dito pansamantala si Savienna ay sana hindi niya nasaktan si Audrey.." Mahina kong sabi habang nakayuko.

"It's okay, hindi mo yun kasalanan. No one expected that to happen" Lalapit na sana si Saint saakin ng biglang sumulpot si Ate Mary.

"Audrey lost her consciousness, but she's okay. Nawalan lang ng malay, walang nabaling buto sakanya. Her back is just swollen." Paliwanag ni Ate Mary, Saint just nodded at her.

"I'll sleep at Mom and Dad's room, Audrey is in my room."

"And, Sab? Please tell your sister to avoid doing anything that can harm someone. Or ako na mismo ang magpapaalis sakanya dito." I nodded at Ate Mary. Tumango rin siya saakin at iniwan na kami mi Saint.

Naglakad si Saint patungo sa kwarto niya at sinundan ko lang siya. He typed some numbers at the security lock, and scanned his right eye. When the door opened ay agad siyang pumasok at ganun rin ako.

"Rest now, Klea." He said.

Sasagot na sana ako ng may nakalimutan akong gawin. Hindi pa pala ako nagh-halfbath! Napatingin ako kay Saint nakatingin lang rin siya saakin. He is not wearing his eyepatch anymore.

"Uhm, magh-halfbath lang ako sa kwarto ko. I'll be back." Saad ko, hahakbang na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang pulso ko.

"Dito ka nalang mag-halfbath." He insisted. Agad akong napalingon sakanya na nanliliit ang mga mata. His eyebrows raised up.

"Wala akong damit dito, at wala rin dito body wash koㅡ"

"Use my bodywash. I have pajamas in my closet. Teenager pa ako nun, but It'll fit to you. You're small." Aniya.

"Undies?" Saad ko naman habang nakatingin ng diretso sakanya, nakita kong agad namula ang pisngi niya kaya agad akong napangiti. Ha! Saint is shy!

"Alright. Just take a half bath here, ako na kukuha ng underwear mo sa kwarto mo." He said and I agreed agad naman siyang lumabas sa kwarto niya at ako naman ay agad pumasok sa bathroom.

Napahanga ako sa laki ng bathroom ni Saint, may jacuzzi pa talaga siya sa loob ng bathroom niya? Napatingin ako sa paligid, he has a lot of bodywash. Ang yaman naman palaga ni Saint.

Inamoy ko isa-isa yun at ang pinakanagustuhan kong amoy ay ang ginamit ko. Habang nagh-halfbath ay nakarinig ako ng katok sa pinto.

"Yes?" I shouted.

"Here's your things." Sabi niya, agad akong nagsuot ng robe kahit may sabon pa ang ilang parte ng katawan ko.

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko siyang nakatayo roon. He gaved me my clothes at hindi nakatakas saakin ang pamumula ng pisngi niya. Bakit ba siya nahihiya?

Agad ko iyong tinanggap and closed the door. Agad kong sinuri ang damit na pinili ni Saint at halos mapamura ako sa nakita ko. Seriously, Saint? Pink pajamas? and pink undies?

Pagkatapos kong mag halfbath at magbihis ay agad akong lumabas. Napatingin ako kay Saint na nakaupo sa dulo ng kama habang nakaharap lang sa laptop niya. Agad siyang napatingin saakin and smiled a little.

"I have a question for you." I raised my head at him at naghintay sa sasabihin niya.

"Is Psalm really courting you?" Hindi ako nakasagot agad dahil sa tanong niya. Is he really asking me that? Napayuko ako dahil nakita ko ang pag-angat ng tingin niya saakin.

"Answer me, Klea." He said. Napahinga ako ng malalim at at napatango nalang ako.

He sighed. "Do you like him? Answer this one so that I am able to know where should I stand."

Do I like Psalm? Magaan ang loob ko kapag kinakausap ko siya, pinapasaya niya ako at sinasamahan niya ako kapag wala na akong ibang kasama. Pero kahit ilan na ang ginawa niya ay parang may kulang parin, at hindi ko parin masabi na gusto ko siya.

" I'm not sure." I said. I looked at him at nakita ko ang pag ngiti niya.

"He likes you, and you allowed him to court you. And I like you too, would you allow me to court you?" Nakangising tanong ni Saint saakin.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Kaya mahina siyang natawa. "You are so unfair...kapag ibang tao ang nagkagusto sayo payag kang magpaligaw? Pero kapag ako, bawal?" He said and pouted.

What the hell. Saint just pouted? Isn't he the cutest? Napahinga ako ng malalim.

"Tapos kapag ako naman may girlfriend may paiyak-iyak kapang nalalaman..." Agad akong napalingon sakanya.

"Kailan ako umiyak? Hindi kaya ako umiyak!" I defended myself, at bakit naman ako iiyak dahil lang may girlfriend lang siya?

"Nung nasa labas kami ng mansion ni Audrey? Alam ko namang narinig mo yung mga sinabi ko." I rolled my eyes at him.

"Umiyak ako dahil nasaktan ako sa sinabi mong hindi naman pala ako importante sa buhay mo!" I exclaimed. Mas lumaki ang ngisi sa mukha ni Saint ng dahil sa sinabi ko.

"Bakit? Gusto mo ba priority kita sa buhay ko?" Panunukso niya. Napailing-iling nalang ako sa sinabi niya.

"Don't worry baby, you will always have a special place in my heart." Nakangiti niyang sabi. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at lumapit sakin.

"Why are you not answering? Am I making your heart beat fast?" He asked.

"What? In your dreams Saint!" Naiinis kong sabi sakanya, he just laughed at me.

"What I saw in my dreams is us kissing, want me to demonstrate?" Dahil sa sinabi niya ay agad kong tinakpan ang labi ko. At napatawa naman siya ginawa ko.

"I'll court you Klea, whether you like it or not. And I'll make it to the top of your heart with a 100.0 of evaluation status."

Ugh, Saint!

----
a/n:

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now