chapter 12

108 5 1
                                    

Last night turned out great, after namin mag dinner kagabi (pero syempre hindi sumabay si Saint saamin) nagpunta kami sa bar section ng mansyon ni Saint, pumayag naman siya. Nag karaoke kami, we drunk a little at naglaro ng billiards. Last night, I was really happy.

Sobrang saya ko at laking pasalamat ko kay Saint na pinayagan niya ako, kahit alam kong labag iyon sa kalooban niya. Psalm texted me last night na 9AM kami magkikita sa Stat Mall. At hindi ko maitago ang excitement ko, ito ang unang beses na pupunta ako ng Mall na hindi kasama si Saint.

Na walang ni anong body guard akong kasama, para tuloy akong normal lang na estudyante at nakikisabay rin sa uso. Maaga akong nagising ngayon dahil medyo malayo ang Star Mall sa subdivision ni Saint.

Pagkatapos kong maligo ay agad kong sinuot ang paborito kong baby pink na off-shoulder dress na hanggang sa taas ng tuhod ko at ang sandals ko na may konting heel. Napatingin ako sa salamin.

Agad namang pumasok si Ate Mary sa kwarto at napangiti siya saakin. "Naku, ang ganda naman ng baby Sab namin. Pero parang may kulang..."

Agad naman akong napatingin sa salamin at sakanya ulit na nakakunot ang noo ko. Lumapit siya saakin at tinanggal ang tali sa buhok ko at inilugay iyon. She gently comb my hair and smiled at me.

May kinuha siya sa drawer at nagulat ako, make up? Alam kong binibigyan ako ni Ate Mary ng makeup pero hindi ko naman kasi ginagamit kasi hindi ako marunong.

She trimmed my brows and put some mascara into my eyelashes. Nilagyan niya pa nga ng blush on ang magkabilang pisngi ko, and some lip gloss.

"Ayan, maganda ka naman eh. Hindi na kailangan ng heavy make up." Nakangiti niyang sabi, napatingin ako sa salamin at nakita kong medyo na-enhance nga ang features ng mukha ko.

Ngumiti ako kay Ate Mary. "Salamat, Ate Mary!." I said and she just nodded and smiled.

"Sige na, mag breakfast kana." Sabi niya at nauna ng bumaba. I looked at myself at the mirror once more and smiled.

I grabbed my pink shoulder bag at lumabas na ng kwarto. I locked my room at bababa na sana ng bigla kong nakasalubong si Saint. At bigla namang nangunot ang noo ko. Naka longsleeves at pants siya, may lakad ba siya?

Napatingin siya sakin mula ulo hanggang paa and I saw hin gulped. I just smiled at him pero agad din naman iyong nawala dahil I remembered, he doesn't like my smile.

Nauna na akong bumaba sakanya at umupo sa hapag kainan. May lakad rin siguro siya kasama yung girlfriend niya, I rolled my eyes. Tapos magagalit siya sakin kasi may lakad ako ngayon? Tapos siya rin pala may lakad. Ano yun? Siya may karapatan gumala pero ako wala? Tss.

Pagkatapos kong kumain ay dun na bumaba si Saint, napairap nalang ako sakanya at lumabas na ng mansyon niya. Nagulat naman ako ng makita ko si Psalm na nakasandal sa isang audi. May sasakyan siya?

"Sinundo na kita kasi alam kong malayo ang Star Mall dito...and..wow you look so beautiful." Nakangiti niyang sabi habang nakatitig sakin.

"Thank you, ikaw rin naman you look handsome." Nahihiya kong saad, he just chuckled at me and opened the shotgun seat's door for me.

"Thank you." Sabi ko at pumasok na sa loob ng sasakyan niya, I love the way how his car smells. Lavender.

Umikot siya para pumasok sa driver's seat and started the engine. Pero bago pa kami maka-alis ay kitang-kita ko ang isang babae na pumasok sa loob ng mansyon. She's wearing a fitted backless red dress, at red heels while holding a black purse. Ang pula-pula rin ng labi niya, is she Saint's girlfriend?

Para namang pokpok. Nakasuot pa siya ng hoop earrings at wavy ang mahaba niyang buhok basta nasisigurado kong maganda siya. Napairap nalang ako sa hangin, ang weird ng taste ni Saint. Pang pokpok ang datingan.

"Actually kinakabahan ako, kasi first time kong may ka date." Agad naman akong napalingon kay Psalm dahil hindi ko narinig ang mga sinasabi niya dahil sa girlfriend ni Saint.

"Ha? Eh ako rin naman, eto ang unang beses ko na makagala na hindi kasama ang kuya ko." Nakangiti kong sabi, tumango naman siya saakin.

"Talaga? Ang strict naman ng kuya mo, hindi kaba naiilang? College student kana, hindi kana minor." Natatawa niyang sabi.

"Eh ayaw niya kasing napapahamak ako, kasi delikado na ang mundo ngayon." Sabi ko. Psalm nodded at me.

"Well, may point naman siya. Pero parang ang higpit niya na sa'yo parang kulang nalang eh ang itali ka niya sa bahay nyo." Psalm said. Kung pwede ko lang sanang sabihin sakanya kung bakit ganito kahigpit si Saint sakin, sinabi ko na. Pero alam kong mapapahamak siya kung malalaman niya ang tungkol sa totoong estado ng buhay namin.

"By the way, ano bang gusto mong gawin? Sigurado kabang sa mall lang ang gusto mo? What if pumunta tayo sa amusement park?" Agad namang nagliwanag ang mukha ko, amusement park? Hindi pa ako nakakapunta roon basta ang alam ko masaya ron.

"Really? We're going there?" Manghang-mangha kong tanong sakanya.

"Oo naman, I'm going to make you happy for this whole day." Napangiti ako sa sinabi niya. I knew Psalm will never disappoint me when it comes to making me happy.

"Go! Go! Psalm, I'm so excited!" Hindi mapakali kong sabi, napatawa nalang siya sa reaksyon ko at nagmaneho na patungo sa amusement park.

Nakatulog ako habang nasa byahe kaya nung ginising ako ni Psalm ay napangiti ako ng makita ko ang naglalakihang ferris wheel, at iba pang rides.

Agad akong lumabas sa sasakyan niya at hinila na si Psalm papasok sa amusement park. Tawa lang siya ng tawa habang nakatingin siya saakin.

"Anong gusto mong sakyan?" Tanong ni Psalm at agad naman akong napatingin sa isang roller coaster.

"Yun!!" Sabi ko habang turo-turo ang isang roller coaster, napangiti si Psalm at agad tumango.

Oh my god, this my first time riding a roller coaster! And I can't even hide my joy!

---

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now