chapter 14

102 5 1
                                    

Hindi parin ako makamove-on hanggang sa paglabas namin sa cinema, hindi ako makapaniwala na nagka-jowa na si toothless. Psalm even got worried nung umiyak ako sa isang scene, ngunit nginitian ko lang siya at sinabing okay lang ako.

It's now 6PM at sinabi ko kay Psalm na 7PM ang curfew ko dahil yun ang sinabi ni Saint na oras na dapat nakauwi na ako. Psalm is now driving me home, he is just silent na parang malalim ang iniisip niya.

Hindi ko maiwasang mapangiti, today is the most memorable day of my life. Ngayon ko naranasan na masaya palang mamuhay ng normal, na wala akong inaalala na kahit anong problema. Na parang normal lang ang lahat, ito ang normal na buhay na gustong iparanas ni Daddy saakin.

Ngunit sa isang aksidenteng nangyari natapos lahat iyon, kung andito lang sana si Daddy edi sana makikita niyang masaya ako ngayon at namumuhay na ako ng normal gaya ng gusto niya. I suddenly felt sadness, pero agad rin namang nawala iyon ng maalala ko ang mga masasayang bagay na ginawa namin ni Psalm ngayon.

"Danica? We're here." Napatingin ako sa labas ng kotse niya at nakita ko ang mansyon ni Saint. Huminga ako ng malalim at ngumiti sakanya.

"Can you not call me Danica?" Nakangiti kong tanong, Saint wouldn't be mad if I'll say my real name right?

"Bakit? May magawa ba akong mali? Hindi ba kita napasayaㅡ"i cutted him of.

"No, no, you made me the happiest human alive this day. Pero para kasing hindi ako ang tinutukoy mo kapag Danica ang tawag mo sakin." Nakangiti kong sabi, his eyebrows met dahil sa sinabi ko.

"Wait, what? I'm confused." Nalilito niyang sabi, right. He won't understand. Napabugtong-hininga nalang ako.

"Just call me, Sabrina or Sab okay?" I said. His eyes were still confused.

"Alright, Sabrina." That's it. Now ramdam ko na, na ako talaga ang kasama ni Psalm at hindi ibang tao.

"I'll go now, bye Psalm." I said at lumabas na ng kotse niya. Kumaway muna ako sakanya bago sinara iyon.

At ng makapasok ako sa gate ay rinig ko ang pag-alis ng sasakyan niya, at sakto naman ng pagharap ko sa mansyon ay ang paglabas ng kasintahan ni Saint. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, she's now wearing one of Saint's coat.

Nakita ko rin ang paglabas ni Saint na parang ihahatid niya pa ang babae sa labas ng gate. Hindi ko nalang sila pinansin at dire-diretsong naglakad papalapit sa mansyon.

I saw how Saint's eyes went on me for a while at binalik ulit iyon sa girlfriend niya. Papasok na sana ako ng mansyon ng biglang nagsalita ang girlfriend ni Saint.

"Hey, you!" Agad akong napatingin sakanya, siya nga ang girlfriend ni Saint. Siya yung tumawag sa telepono kahapon.

"Saint? Sino siya?" Tanong ng babae habang kapit-kapit pa sa braso ni Saint. Napatingin ako sa mukha ni Saint and it went blank as usual.

"Ah, she's my sister's friend." Napatango naman ang babae sa sinabi ni Saint, nakaramdam ako ng konting kirot sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Saint.

Kaibigan lang ako ni Ate Mary? Yun lang ba talaga ang tingin niya saakin? "Huwag kang lumapit sakanya, hubby ah? Baka agawin ka niya sakin."

"Don't be ridiculous, Audrey. That will never happen okay? Just stay on my side, I'll never live without you." Wala na akong magawa kundi ang pumasok nalang sa loob ng bahay pero bago pa ako tuluyang makalayo sakanila, narinig ko ang hindi ko na dapat pa marinig.

"Don't worry about her Audrey, okay? Hindi naman siya importante sa buhay ko." And with that naramdaman ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa sinabi ni Saint.

For the first time, after my father died. I cried. Ito ang unang beses na umiyak ako, simula nung pagkamatay ng Daddy ko ay hindi ko na pinakita na mahina ako. I never cried since that day.

Pero paano nagawa ni Saint na alisin lahat ng kasiyahan na nararamdaman ko kani-kanina lang, dahil lang sa mga simpleng salita niya? Dahil siguro malapit na period ko at nagiging emotional na ako.

Ito ang unang beses na umiyak ako ng dahil hindi sa isang libro, kundi sa isang taong akala ko ay napakahalaga ako sakanya. He even, said sorry nung isang araw.

Sinabi niya pa sakin na hindi niya kayang mawala ako sa buhay niya, at sana'y huwag ko siyang iwan. Tapos, sasabihin niya lang ngayon na hindi naman pala ako importante sa buhay niya?

Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko and leaned on the door. I cried and cried dahil lang sa mga salitang binitawan ni Saint. How can he say that word? Paano niya nagagawang bitawan ang mga salitang 'yon na hindi iniisip ang mararamdaman ko?

Napahiga nalang ako sa kama ko at inisip ang mga masasayang ginawa namin kanina ni Psalm. Psalm is really nice, and Saint is so rude. Bakit ko ba natatagalan kasama si Saint?

Kung hindi lang siguro dahil sa sa mga kaaway namin matagal na akong itinaboy ni Saint. And that thought just hit me hard.

What if, Saint is just keeping me here because I am his responsibility?

---

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now