chapter 40

55 1 0
                                    

All I can do is to stare at Saint's beautiful face while he is keeping his eyes close. He is kissing me and I don't know what to do, should I respond? Pero baka makuha siya ng malaking akala saakin, ayaw ko siyang paasahin. Humiwalay si Saint saakin and pouted.

"Am I kissing a rock? Why don't you respond?" Malungkot niyang tanong saakin, hindi ako nakasagot sakanya. Ano ba dapat ang sabihin ko? Na hindi ako komportable sa ginagawa niya? But hell! I know he knows I am enjoying this!

"Saint...baka may makakita" Lumabas ang pilyong ngiti ni Saint ng dahil lang sa sinabi ko. Nag kibit balikat lang si Saint saakin at lumayo sakin.

"Why baby? Kung wala bang makakakita ay hahalikan mo ba akong pabalik?" Nakangisi niyang tanong, agad akong napairap sa sinabi ni Saint. Ugh! Ano ba ang nakain ng lalakeng to?

I rolled my eyes at him. "Whatever Saint, umuwi nalang tayo!" I said, narinig ko nanaman ang tawa ni Saint kaya mas lalo akong napairap. Pagkatapos ng ginawa niya kay Psalm? Tatawa lang siya?

"Naiinis ako sayo Santillana umayos ka." Mariing sabi ko, napatingin saakin si Saint at nakita ko ang mangha sa mga mata niya.

"You know my surname?" manghang-mangha niyang sabi.

"Malamang! Ilang taon tayong magkakilala ang pangit naman kung hindi ko alam yung surname mo?" Naiiling iling ko sabi sakanya.

Lumabas na ako ng classroom at agad naman siyang sumunod. Pansin ko ang ilang tinginan ng mga tao saamin, as in sila lahat. Grabe. Ganito ba kasikat si Saint? Magiging usap usapan nanaman na may namamagitan saamin. Tss, these crazy people.

Nang makarating kami sa parking lot ay agad akong pumasok sa sasakyan ni Saint. Sumunod naman siya saakin agad. Agad naman akong nagtaka ng hindi pa niya binubuhay ang makina ng sasakyan niya.

"Is there a problem?" Tanong ko sakanya. Napahinga siya ng malalim at tumingin saakin.

"Dahil sa ginawa ni Savienna, nagsumbong si Audrey sa Ama niya. Which really cost so much trouble..." Panimula niya. Shit.

"I really don't know how to deal with her Saint. I'm so sorry..." I said with a apologetic tone. Saint smiled at me, a smile that can make me forget all my problems in life.

"I can deal with her, but not now. She is strong and smart alam kong alam niya ang mga ginagawa niya. I think she is planning something." I nodded. I sensed that too from the start, parang may mali talaga kay Savienna pero hindi ko matukoy kung ano yon.

Sasabihin ko ba ang mga ginawa niya sa kaibigan ko? But Saint hates the idea of me having friends kaya baka iisipin niyang mas mabuti narin yun na walang kaibigan naumaaligid saakin.

So pinili ko nalang na hindi sabihin kay Saint. "Sabrina, please stay strong for me okay? Konti nalang baby, I can win this battle now. But sa ngayon? Kailangan pa nating mag ingat."

I nodded. Nang makarating kami sa bahay ay nakita ko naman si Savienna at Pierce na nakaupo sa living room habang naglalaro ng uno. I saw some red marks sa mukha ni Pierce. Lipstick? Pinayagan niya si Savienna gawin sa mukha niya? Weird.

I can't help but to think about sa ginawa ni Savienna. Maybe I'll confront her some other time. Mukhang nasisiyahan pa siya sa ginagawa niya. Umakyat na si Saint sa kwarto niya at ganun narin ako.

Pagkatapos kong magbihis ay hihiga na sana ako sa kama sa kwarto ng mommy at daddy nila Saint ng makarinig ako ng ilang kalampag at sigawan mula sa sala. Agad akong napatayo. Anong nangyayari?

Nakapangbahay na ako ngayon at nagmamadali akong bumaba sa sala, pati si Saint ay ganun rin. Gulong-gulo pa ang buhok niya habang bumababa mula sa hagdan

At pareho kaming nagulat sa nakita namin. Ang sofa ay nakatumba na at nakita kong nagtatago si Savienna sa likod ng sofa na nakatihayang. Agad napataas ang kilay ko at napatingin sa taong pumasok sa bahay. Halos malaglag ang panga ko sa naktita ko.

Hindi ba ako namamalik-mata? Alam na alam ko ang tindig na yan, ang mga mata na yan. Kung paano siya tumitig sa amin, at ang tindig na yan. She aged a bit pero alam kong siya parin yan, she is the one who made my life like hell.

"Mom?" Hindi makapaniwala kong sabi.

"Asan si Savienna?! Sutil na batang yan! Tinakasan ako!" Sigaw niya at napatingin siya saakin, agad naman nanlisik ang mga mata niya at agad siyang lumapit saakin.

Akala ko ay ngingiti siya at yayakapin ako pero nagkamali ako, bigla niya nalang akong sinampal at agad hinila ang buhok ko.

" A-aray! M-mommy!" Sigaw ko kakaladkarin na sana niya ako palabas ng bahay ng bigla siyang pinigilan ni Saint.

This is the moment you've been waiting for Sabrina, ang oras na uuwi na ang Mommy mo. Akala ko ay ngingiti siya saakin pero mali ako, isang malutong na sampal pa ang inabot ko sakanya.

"Yan ba ang dahilan mo Savienna? Kaya hindi kana umuwi? Inuna mo pa talaga ang kalandian mo?!" Sigaw niya. She thought I'm Savienna? Napatingin ako kay Savienna at nakita kong lutang lang siya at nakatitig sa kawalan habang nagtatago sa ilalim ng nakatihayang na sofa.

"Suwail ka talagang bata ka! Ang sinabi ko saiyo ay hanapin ang magaling mong kapatid! Hindi ko sinabing makipag jowa at manglandi ka!" Sigaw ulit niya. I felt Saint's warm hands caressing my back kaya medyo naging panatag ang loob ko.

"Halika na! Umuwi na tayo! Naghihintay na ang ama mo sa bahay!" A-ama? May bago siya? Hindi na natiis ng damdamin ko ay naramdaman ko nalang na uminit ang gilid ng mata ko. You can't cry Sabrina! You can't broke down here!

"Savienna, anak... halika na." Ang mala tigre niyang mukha ay biglang naging maamo. Napahinga ako ng malalim at agad umiling.

Saint is with me. I am safe.

"I'm not Savienna, I am Sabrina. Nice meeting you mother."
---
a/n:
eto na nagsisimula na

  THE DANGERIOUS MAFIA BOSS PROTECTIONS Where stories live. Discover now