Kabanata 57

1K 53 7
                                    

When Tita Elena said that I should give Elaine the chance to show me everything that she has to give to me, I just knew that it would the opposite of what I am about to let her do. Hindi lang ang bigyan siya ng tsansa ang kaya kong ibigay, kung hindi ibigay ang lahat-lahat ng gusto niya mula sa akin.

"Gusto ko rin ng kiss. Nasa choices ba 'yun?"

Hindi ko alam kung gusto akong tuksuhin ni Elaine o talagang hinahamon niya lang ang kontrol na meron ako. She is looking at me with those innocent yet challenging eyes. Alam kong malayo sa isang inosente si Elaine pero... 

Ano bang laban ko sa kanya?

Sighing in defeat, I moved closer to as I bask myself with her triumphant smile. Nakakahawa ang ngiti niya kaya naman bago ko mamalayan ay nakangiti na rin ako. Reaching out to touch her skin, my heart almost stopped when she leaned in. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kalaki ang epekto ng mga bawat galaw niya para sa akin.

"Ang gwapo mo."

Pareho kaming nagulat sa sinabi niya dahil mukhang nasabi niya lang iyon ng kusa. I wanted to laugh hard but I ended up pulling her for the kiss that she asked, that I wanted to do since I laid my eyes on her lips.

Magaling humalik si Elaine. Sobra. Nakahalik na ako ng babae noon, pero hindi gaya ng ganito. Heck, I was even used to kissing men and now having to experience how soft it is to kiss a woman's lips—not just anyone's, but Elaine's—is just...

Gumapang ang kamay niya sa dibdib paakyat sa hanggang sa batok ko. Her hands nestled there for awhile, playing with my hair, until she decided to pull the lapels of my coat. Hindi ko alam, hindi ko man lang napansin, na nasa kandungan ko na siya.

Mabuti na lang at siya na rin ang pumutol ng halik naming dalawa dahil sigurado akong hindi lulubayan ang mga labi niya. Ipinatong niya ang noo niya sa noo ko at halos sabay kaming naghahabol ng ihininga.

"Ang gwapo mo." Sa ngisi niya, hindi na lang basta wala sa loob niyang nasabi niya iyon.

Doon na ako natawa. "Yeah? Since when did you find me handsome? Parang wala akong narinig sayo noong mga bata pa tayo."

Saglit siyang napatitig sa akin na para bang may nasabi akong hindi niya inaasahan. Bago pa ako makapagtanong kung may mali ba sa sinabi ko ay saglit siyang tumingala na para bang pinipigilan ang nagbabadya niyang mga luha.

Hell, I did not want to make her cry. "Hey..." I cup her face. "What's wrong, sweetheart?"

Tinignan na niya ako ulit pero kasabay ng pagtawa niya ay pagbagsak rin mga luhang pinipigilan niya. "W-Wala naman. It's j-just that... Never ko man lang in-imagine na maririnig ko sayo 'yung phrase na 'noong mga bata pa tayo'. Parang hindi pa rin totoo na naaalala mo talaga ako..."

"Shhh..." Agad ko siyang niyakap para patahanin. "I'm here, sweetheart. This is real."

Tumango siya pero tuloy-tuloy pa rin ang paghikbi niya. Sumandal akong mabuti dito sa sofa nang mas maayos siyang makayakap sa akin. I honestly thought it would take her longer to cry and I would not mind that at all, but she breaks free from me a little to face me better.

"Kapag ba nag-momol tayo ulit pwedeng ako magtanggal ng damit mo?"

Hindi ko alam kung anong naging reaksiyon ko.

Tangina.

Si Elaine talaga ang papatay sa akin.

Cade Saavedra: Seduce MeWhere stories live. Discover now