Kabanata 07

2.1K 65 1
                                    

I spent almost all my remaining free days researching about Kuya Cade. Wala talagang makakasisi sa'kin bakit ba hindi ito ang ginawa ko in the first place―excited ako! Sobrang excited akong makita si Kuya Cade na nawala na lahat sa isip ko. Sa sobrang excited ko, feeling ko mangyayari lahat ng gusto kong mangyari. Wala namang makakatalo sa excitement ng isang tao lalo na kapag nandyan na.

Sa tatlong araw bago ang unang araw ko sa kompanya, nakabisado ko na yata lahat ng pwede kong malaman kay Kuya Cade. Sobrang nakaka-proud dahil sobrang layo na pala ng narating niya at ng kompanya niya. Pero kung magiging honest ako, hindi naman ako doon nag-focus. Nag-focus ako sa sinasabi nilang come out siya last year.

And it turned out to be true.

In an interview, Kuya Cade indirectly mentioned about being gay.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kahit kailan talaga hindi ko naisip na ganito pala ang challenge na kakaharapin ko kay Kuya Cade. Walang mali sa pagiging gay o kahit ano pa man gustong maging ng isang tao hangga't hindi naman siya nakakasakit ng iba. Kung ayaw mo sa bakla kahit hindi ka naman nila inaano, hindi sila ang problema kung hindi ikaw. Naniniwala akong sa panahon ngayon, mas kasalanan pa ang pagkukundina sa mga taong inosente na pinili lang naman nila ang pagiging masaya at magpakatotoo sa sarili nila.

There is nothing wrong that Kuya Cade is gay. In fact, I am happy that he chose to be honest and I am hoping that he is happy right now.

Ang problema lang, hindi kasi ako susuko kahit na alam kong gay siya.

Aminado naman ako na parang mas madaling itigil ko na lang ang lahat dahil parang kahibangan na lang ang gagawin ko. Tanggalin na ang "parang", kahibangan na lang talaga 'to. Pero ngayong nakapag-isip-isip ako ng mas mabuti, mas hindi pwedeng itapon ko na lang ang mga taon na paghahanda ko para rito.

Gaya ng motto ko simula ng mag-decide akong gumawa ng paraan para magkita ulit kami ni Kuya Cade―titigil lang akong mahalin siya kung may iba na siyang pakakasalan. Hindi ako pwedeng sumuko ngayon!

Sa kanya nakasalalay ang pangarap ko! Ang pangarap ko na maginig asawa niya!

Lucky me because he has been single for almost a year now... or maybe it is safer to assume that he has become more private of his love life since he came out.

Paano kung may boyfriend na pala siya? Anong laban ko sa taong may la...

Agad akong umiling at tinampal-tampal ang mga pisngi ko.

Basta, hindi ako pwedeng sumuko hangga't hindi ikinakasal si Kuya Cade sa iba. Kaya naman first order of business―alamin kung ano ba talaga ang love life status niya. From then... ano naman ang gagawin ko kung meron pala talaga siyang boyfriend? Or girlfriend?

Shit.

Bakit ba ang komplikado?!

Ibinaon ko ang mukha ko sa unan at tumili nang tumili na parang nababaliw! Hindi na lang yata "parang" dahil totoong nababaliw na rin ako!

Hindi naman ganito ang inaasahan ko noong ginagawa ko ang best ko para makapasok sa kompanya ni Kuya Cade... Iiyak na sana ako nang maalala ko ang demonyita kong plano.

The ultimate plan ever made―Seducing Cade Saavedra.

Imbes na iyak lang ang gagawin ko ay iyak-tawa ang nangyari. Kasalanan nila mommy at lola kung bakit ang taas ko na ngang mangarap, ang taas pa ng confidence ko! Kung makapag-isip ako dito ng planong puro kagagahan, akala mo naman kaya ko...

Wait.

Napaupo ako ulit at pinunasan agad ang luha ko.

Walang makakapagsabing hindi ko kayang akitin si Kuya Cade at walang makakapigili sa akin... kung hindi ang sarili ko lang.

Kailangan ko ng mas konkretong plano!

Cade Saavedra: Seduce MeWhere stories live. Discover now