Kabanata 17

1.5K 68 8
                                    

Sa aming lahat na designers ng department namin, dahil wala pa naman kaming models na available, si Gigi muna ang sukatan naming apat. Siya kasi ang sakto lang ang height. Si Lily sana pero kaloka konting chenes niya lang six-foot na siya. Ang mga baklang ito, binully pa ako na dahil daw ako naman ang pinakamaliit, sa akin daw isukat ang mga pang-flower girls!

Hindi ko madalas nakikita si Sir Cade sa department namin pero dahil nga sa kanya ako direct na nagre-report ng mga ginagawa ko, nakakapagnakaw naman ako ng tingin.

Hindi na kasi ako pinatulog nang sinabi ng gaga kong kaibigan na si Aubrey. I mean, hindi ko na rin kasi alam kung totoo ba ang naalala kong may tattoo ang braso ni Kuya Cade noong hinila niya ako o gawa-gawa na lang ng utak ko para mas maloka ako. Kaya nga iyon na ang focus nang pagnanakaw ko nang tingin sa kanya. Tinitiyempuhan kong nakataas ang sleeves niya pero parang nananadya ang mundo dahil never ko man lang maabutan na kahit nakatanggal lang sana iyong coat niya!

"Ladies, can I have your attention?"

Si Kisses iyon na kumatok sa nakabukas na naming pinto. Balak-balak ko sana na naman siyang tawaging Miss Kisses pero literal na hahalikan na raw niya ako kapag narinig niyang may "miss" na naman sa tawag ko sa kanya. Mukhang may good news siya kasi ang ganda-ganda na naman ng ngiti niya sa amin.

"Pause muna kayo sa mga ginagawa niyo. May pa-activity kasi si Marga at ASAP niyang kailangan..."

Medyo hindi ko ma-gets kung para saan ang activity na ipapagawa sa amin pero binulungan ako ni Kay na si Marga raw ang naka-assign sa mga model. Akala ko bibigyan na niya kami ng proper model pero umiling si Kay at sinabing pakinggan ko ang mga susunod na instructions ni Kisses.

"Kailangan kong i-sketch ang mga dream husband or wife niyo and within this day kailangan niyo siyang i-pass kung hindi sa akin, kay Marga mismo." Aalis na sana siya nang mapatingin siya sa akin. "Oh, I almost forgot that you're new, Elaine!"

Pinaliwanag niya sa akin na kung sino man daw ang ilalagay namin sa sketch namin, gagawan daw iyon ng magic ni Marga para ibigay sa amin. Lalo akong naloka kasi hindi ko pa rin na-gets! Tinawanan naman nila akong apat at sinabi na sa madaling salita, this is just a fun way to request who we want as models.

"Work hard, ladies! See you later."

Nagpaalam na rin kami kay Kisses at ako itong tulala pa rin.

Gigi giggles at nudges my side. "You can literally sketch anyone. Believe in Miss Marga's magic! It's endless."

"This is one way of spoiling their designers." Si Kay iyon. "Naniniwala sila na the more the designer is motivated, the better his or her outcome. Plus, hindi talaga tinanggihan ng kahit sino ang offer na 'to kasi malaking exposure and ma-feature sa kompanya natin."

Tumango si Lily. "Tapos normally local artists lang naman ang pare-pareho naming ini-sketch kaya easy lang at hindi hassle kay Marga. Pero the offer still stands, kahit sino talaga ang ilagay mo diyan, local or international man."

Bumalik na kami sa kanya-kanya naming table. Hindi naman ako nape-pressure sa pag-ssketch ng tao dahil sa taon na ginagawa ko ito, madalas na pupunta rin ako sa pagdo-drawing ng ibang bagay maliban sa designs ko. Mas napepressure ako na wala akong ibang mapili kung hindi si Kuya Cade. Pero syempre naman! Sa kaharutan kong ito, siya lang at wala nang iba ang pumapasok sa isip ko.

But it was supposed to be just a joke. I am supposed to be kidding because I fully know that should sketch another person... pero huli na ang lahat.

Literal na ang laman talaga ng sketch ko ay si Kuya Cade bago ko pa mapagtantong patapos na ako!

"Well, well, well. What do we have here?"

"Ay butiki!" Napatalon pa ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko!

"S-Sir―"

Kuya Cade grins then chuckles. "So, you want me to be your husband?"

Cade Saavedra: Seduce MeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt