Kabanata 18

1.5K 59 1
                                    

Gusto ko sanang magpa-bebe. Iyong tipong kunwari naman, nahihiya akong nahuli ako sa kagagahan ko; pero hindi talaga. Kapag maharot ka, maharot ka; at talagang haharutin ko si Kuya Cade ngayon na ngayon din.

Kaya naman without any further kapabebehan, ngumisi ako at tumingin muna sa sketch ko bago harapin nang mas mabuti si Kuya Cade. "Hindi naman masamang mangarap 'di ba, sir?"

Rinig na rinig ko ang pagtitilian ng mga co-designers ko. Muntikan ko nang makalimutan na magkakasama pa nga rin pala kami rito! Kaloka! Babawiin ko na sana ang kaharutan ko kasi literal na nahiya na akong may audience pala kami pero inunahan na nila ako. Nagsipaalam ang mga bruhang lalabas muna at magpa-pass kita Marga at Kisses!

Kuya Cade clears his throat, trying his best to dismiss his grin. "So, is this your final sketch? Are you sure you don't want any other man? Your favorite actor or model perhaps?"

I gestured the empty seat beside me. Hindi ko in-expect na susunod si Kuya Cade pero naupo naman siya sa tabi ko. Lalo tuloy akong mas naging confident sa gagawin kong kaharutan! Hindi pa tapos ang sketch ko pero isang tingin pa lang, si Kuya Cade na iyon agad. I just needed to retouch some areas based on what I can see in him right at this moment.

Gwapo si Kuya Cade. Hindi sobrang manly ng features pero hindi rin naman ganoon ka baby face. Sakto lang, iyong tipon unang tingin masasabi mo na agad na gwapo kasi pwede siyang pang-sexy, pwede rin siyang pang-cute. If I am not mistaken, kung hindi malapit ay lagpas six feet na ang height niya. Hindi rin sobrang batak ng katawan, iyong tipong lean lang. I should know about this because I have seen him topless and I will forever engrave that sight in my head. Plus, ang neat niya overall kaya bagay sa kanya lahat ng kulay ng sinusuot niya. In short, complete package talaga siya.

Hindi na nakakatakang mapababae o mapalalaki man, talagang mababaliw sa kanya.

Hinayaan ako ni Kuya Cade na tapusin ang sketch ko sa kanya. Medyo nahiya pa nga ako kasi wala akong kakibo-kibo habang sinusulyap-sulyapan siya, tapos hindi ko man lang muna tinanong kung bakit ba siya nandito. Pero para talaga sa kaharutan ko, push na push na ang lahat.

When I am finally done with my more polished work, I proudly showed it to him. Lalong tumalon ang maharot kong puso nang mapangisi na naman siya sa resulta ng ginawa ko.

"You haven't answered my question yet." Sinabi niyang hindi nag-aangat ng tingin sa akin.

Hindi ko mapigilang matawa roon. "I literally finished and polished my sketch of you, sir. I think you don't need any verbal confirmation that you are indeed my dream..." Napahinto ako dahil shit na 'yan, muntikan ko nang masabing "husband"! Umubo pa ako bago ituloy ang sinasabi ko, "...model, Sir Cade."

At ang lolo mo napatawa ko na! Muntikan nang sumabog ang puso ko sa saya! Kaloka to the highest level! Dapat kasuhan ang lalaking ito sa sobrang gwapo lalo na kapag tumatawa!

Umiling na siya pero hindi pa rin nawawala ang ngisi niya. "Okay, if you insist. I'd model for you since you made an effort to sketch me." Napailing pa siya ulit na parang hindi talaga makapaniwala sa choice ko. "You're the first one―"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang may kumatok. Sabay pa kaming napaharap sa pinto.

It was a man―a beautiful man, in fact. Model ba siya?

"You were not in your office, so I had to find you."

Wow. Boses pa lang sexy na!

Kuya Cade chuckles and stands up to walk towards that man. "You could've waited for me there."

Nag-usap pa sila saglit at naiwan ako rito sa upuan ko nang hindi ko alam kung dapat bang sumama ang loob ko. Kanina lang masayang-masaya ako pero ngayon daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa!

"Elaine?" Sa wakas ay kinuha na ulit ni Kuya Cade ang atensyon ko. Winagayway niya ang sketch kong hindi ko namalayan na hindi niya pala binitawan! "I'll keep this with me."

Cade Saavedra: Seduce MeWhere stories live. Discover now