Kabanata 46

1.4K 57 9
                                    

Hindi na mahinto ang pag-iyak ko. Hindi ko na alam kung masaya ba ako o handa na akong magwala sa galit. Ang alam ko lang, gulong-gulo na ang puso at utak ko. Masaya ako. Kung tutuusin, sobra-sobra. Malaman mo nga lang na crush ka rin ng crush mo, happiness na. Ano pa ba akong mahal din naman pala ng taong pinapangarap ko?

Kahit anong gawin ko talagang intindi ngayon, hindi talaga ganong kadali ang lahat. Hindi ko magawang itapon na lang lahat ng masasamang emosyon ko ngayon. Pakiramdam ko napaglaruan ako kahit wala naman silang totoong masamang ginawa. Pakiramdam ko niloko nila ako... pero alam ko rin na hindi talaga.

Ang gulo-gulo ko!

Pwede bang galit ako pero naiintindihan ko sila? Pwede bang galit ako pero deep inside sa akin, tanggap ko ang mga rason at pagpapaliwanag nila? Pwede bang galit ako pero mas sobrang masaya akong malaman na ngayon ang totoo?

Hindi lang pala si Kuya Cade ang meron ako, ngayon pero rin pala akong Kuya Cain...

Sisinghot sana ako pero sininga ko na ng malakas ang ilong ko sa tissue.

Matapos ipaliwanag at ikwento nina Kuya Cade at Kuya Cain ang lahat, pinaalis ko sila. Oo, kahit na hindi ko naman ito hotel suite, pinaalis ko sila kasama si Sir Aiden. Ang kapal ng mukha ko pero super need nilang maintindihan na nasasaktan ako ngayon at kailangan kong umiyak! Pinalayas ko sila tapos noong lumayas nga sila, dito ako sa bedroom nagpunta.

Walang-wala na ang kalasingan ko at pagod na lang ang nararamdaman ko. Pagod sa pagkalasing kanina, pagod ngayon sa sari-saring emosyon na meron ako. Gusto ko na lang mamahinga este pagpahinga pero pati iyon ay hirap akong gawin.

Huminga ako nang malalim.

Ang isipining mahal din naman pala ako ni Kuya Cade...

Umiling ako. Mahabang diskusyon pa ang dapat mangyari. Masaya ako ngayon pero hindi ko dapat isantabi ang iba ko pang mga emosyon. Kailangan ko ng panahon para makapag-isip ng mas maayos... at nauuhaw na rin talaga ako, kanina pa.

Huminga ulit ako nang malalim bago hinila ang sarili ko patayo. Kung hindi ako iinom ng tubig ngayon, baka talagang mamahinga na ako nang wala sa oras. Hindi pa ako pwedeng mamatay!

Pagbukas na pagbukas ko nang pinto nang kwarto ay muntikan na akong mapatalon sa gulat!

"Ay kambing! Kuya Cade! Bakit naman nakatayo ka diyan?!"

Kitang-kita ko sa kanya na gusto niyang matawa pero pinigilan niya ang sarili niya. Nakatayo kasi siya as in sa labas ng pinto namay hawak na... baso ng tubig. May hawak talaga siyang baso ng tubig na para bang nakita na niyang mauuhaw ako sa pag-iiyak na ginawa ko. Gusto kong tampalin ang puso ko dahil nagtatatalon na naman ito sa maliit na katotohanang bibigyan ako ni Kuya Cade ng tubig.

Self, ano ka ba?! Akala ko ba malungkot at galit tayo?!

"I-I know y-you need your space..." Kuya Cade clears his throat. "...but I can't actually leave you all alone here. Don't worry. I will not enter the room or bother you. I just need to make sure you're okay."

Cade Saavedra: Seduce MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon