Kabanata 21

1.5K 68 6
                                    

Wala talaga akong naintindihan sa kung ano man ang sinabi nitong si sir na may gwapong boses hanggang sa bumukas na nga ang pinto at niluwa noon si Kuya Cade na takang-taka siguro kung bakit nandito pa talaga kami tumambay sa opisina niya.

To my surprise, he was not mad and he simply looks at this man. "Are you harassing Elaine?"

Tumawa naman itong si kuya mong may gwapong boses. Super legit! Pwede siyang mag-pornstar! For sure na sure na papatok kapag umungol ito! Naputol ang wild thoughts ko nang pareho na nila ako biglang tignan.

Ngumisi si kuya mong gwapo ang boses. "Harass is a bit harsh, isn't it? I'm merely having a fun conversation with her because I really like her." Bigla siyang lumapit sa akin kaya naman automatic na napatayo ako. Siya naman itong in-offer ang kamay niya. "It's a tad late for this, but I'm Aiden. Pleasure to meet you, Elaine."

Tinanggap ko ang kamay niya para i-shake iyon. Hindi ko alam ang sasabihin ko maliban sa "nice to meet you" with po. Naloka talaga ako sa binungad niyang tanungan kanina pero mas malakas ang tibok ng puso ko ngayon lalo na at na-confirm ko nang mabuti ang tattoo niya sa braso.

Sigurado na akong hindi lang basta panaginip na may tattoo talaga ang kung sino man ang humila sa akin noon. Ang kailangan ko na lang masagot ay kung ang lalaking ito ba ang lalaking iyon talaga o nagkataon lang. Kaya lang, paanong siya o kahit sinong ibang lalaki pa ang hihila nga sa akin kung alam mismo nila Misha at Aubrey na kay Kuya Cade nila ako iniwan?

Kailangan ko na talagang makompirma kung may tattoo rin ba si Kuya Cade sa braso o wala.

"As I was saying..." Pagpapatuloy ni Sir Aiden at naupo na rin sa kabilang sofa. "Elaine, was there any point of your student life that you got to design a suit for a certain senator?"

Medyo nag-loading ang sinabi niya pero agad ko ring naalala na na-experience ko nga iyon. "Senator Agata po ba?"

Umupo na rin si Kuya Cade sa mismong swivel chair niya. "Your dad?"

Akala ko pa noong una ako 'yung tinanong niya, buti na lang agad na tumango si Sir Aiden.

"Yeah, I've been hunting the person who designed and made his suit his anniversary with mom. Pero gaya ng lahat ng fashion universities na alam nating pareho, kinuha nila ang full credit sa ginawa ni Elaine. That is the reason why I had the hardest time finding her." Sa akin na ulit ang tingin niya. "I couldn't say for sure, but I remembered your face from somewhere and I knew it from there."

"Magpapagawa po ba kayo ulit ng suit?" Tinanong ko na nang deretsyahan.

"Yes, exactly why I want to find you; but aside from that, I really like you. Are you single right now?"

Parang iikot na naman yata ang utak at mundo sa lahat na lang ng lalabas sa bibig ng kuya mong ito! Tapos hindi pa nakakatulong ang kagwapuhan ng boses niya.

Sinikap kong 'wag tumingin kay Kuya Cade para hindi naman masyadong halatang sa kanya ko talaga iyi-inform na single ako. "Single po ako ngayon―"

"That's enough now, Aiden. Stop harassing my designer and I will properly arrange a business appointment for you with her." Si Sir Aiden man ang pinapahinto niya, ako pa rin itong nahinto ang pagdedeklara ko nang pagka-single ko sa kanya. "She's busy right now, plus..." Tinignan niya ako bigla. "Are you ready to have your first personal client?"

Lord, napakasarap maging ilusyunada at isiping nagseselos na lang ngayon si Kuya Cade! Pero agad ko namang tinampal paalis ang kaharutan ko at tumango. "Yes, Sir Cade."

"It's settled then. I'll wait for our official appointment, Elaine." Nang tumayo na ulit si Sir Aiden ay akala ko pa ako ang pupuntahan niya pero dumiretso siya kay Kuya Cade. "I'm leaving now..."

Hindi ko alam kung tumili ba talaga ako o lahat ng ingay na ginawa ko ay sa kaloob-looban ko na lang nagawa sa mga sumunod na nangyari!

Sir Aiden leans to Kuya Cade to give him a kiss straight to his lips.

Putangina―sana all?!

Cade Saavedra: Seduce MeWhere stories live. Discover now