Kabanata 13

1.6K 58 7
                                    

Kung may dapat man akong matanggap pagkagising na pagkagising ko, wala na akong ibang ine-expect kung hindi ang isang pangmalakasang hang-over. Sa dami ba naman ng nainom ko, talagang hinanda ko na ang ulo kong mabiyak. Puro kagagahan na naman kasi ang ginawa ko!

Ready na akong ma-deads today pero paggising ko...

Hindi ko alam kung anong himala ang nangyari at pakiramdam kong pinakamasarap na tulog ko pa ang nangyari sa akin.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Seryosong pakiramdam ko talaga, nakuha ko na ang pinakatama at pinakamasarap na tulog sa tana ng buhay ko. Ngayon na lang ako uminom at nagpakalasing tapos ngayon pa nagkahimala! Sinuswete yata ako for the first time in forever!

Plus, never pa naging ganito ka-heavenly ang kama ko! Beige na kisama, maaliwalas na tanaw sa glass wall, hindi ko alam na pwede pa lang maging ganito kaganda ang umaga!

Masayang-masaya pa ako sa sarili kong kabaliwan ng unti-unti kong mapagtanto kung nasaan ako... Shit! Agad akong napabalikwas ng bangon! Shit na malagkit talaga!

WALA AKO SA KWARTO KO!

Todo describe pa ako sa ganda ng kwartong ito, hindi naman pala sa akin! Kailan pa ako nagandahan sa beige na kisame? Black ang buong kwarto ko!

Shit talaga! Agad akong napatingin sa kabuuan ko at para na akong pinagsakluban ng langit at lupa ngayong makita kong naka-bra at panty na lang ko! Shit na 'yan!

AHHHHHH!

Hindi ko alam kung anong bilis ang ginawa ko para ibalot ang sarili ko sa kumot! Napahinto lang ako saglit ng pinakiramdam ko ulit ang sarili ko. Hindi pa ako nakikipag-chugchugan kahit kanino kasi hanggang momol lang ako... hindi ba dapat masakit ang pempem ko?

Holy shit. Paano kung nakipagchugchugan ako pero maliit lang iyon anes niya kaya walang sakit?!

Plano ko na sanang silipin ang pempem ko nang biglang bumakas ang pinto!

Pwede na akong kainin ng lupa ngayon din...

Matagal kaming magkatitigan dahil mukhang nagulat pa siya sa ayos ko. Walang silbi ang pagbabalot ko ng kumot sa sarili ko dahil nga tinignan ko rin ang kabuuan ko at hindi na maayos ang pagkakabalot noon sa akin. Putangina! Paano pa kung naabutan niya akong sinisilip ang pempem ko?!

Lord, heto po ba ang kapalit sa masarap na tulog ko kagabi?

Sa wakas ay nag-iwas na siya ng tingin at umubo pa bago magsalita. Huminga muna siya nang malalim bago ako harapin ulit. "Good morning, Elaine. I have clothes on the closet, please help yourself before you come out."

"Y-Y-Yes, S-Sir Cade."

Pwede na talaga akong mamatay sa kahihiyan!

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Inisip kong mabuti kung anong nangyari kagabi pero wala talaga akong maalalang matino. Maliban sa nagpakalasing ako, sa kagagahan kong makimagmomol sa kasayaw ko... wala na. Wala na akong maalala kung hindi ang eksena sa dance floor na kamomol ko iyong kasayaw ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa wall-size mirror ni Kuya Cade rito sa walk-in closet niya. Mukha naman akong blooming kasi nga sobrang sarap ng tulog ko. Paanong hindi sasarap ang tulog ko? Sa kwarto naman pala ako ni Kuya Cade natulog! Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kanina pero nangyari na iyon at hindi naman ako kakainin ni Kuya Cade―este ng lupa sa kahihiyan ko.

Pwede ko sanang tanungin ang  mga bruha kong kaibigan sa kung anong nangyari kagabi pero ang mga bruha nag-text ba naman ng simpleng "enjoy *wink wink*"! Kaloka! Pero nakapamte naman ako na hindi nila ako iniwan basta kanino na lang at iniwan talaga nila ako sa boss namin.

Gusto ko sanang magmaganda at isuot ang white shirt nila Kuya Cade for morning-sex effect pero baka mapalayas ako nang wala sa oras. Matapos kong magshower, ang ginamit ko na lang ay isa sa mga tshirt at boxers niya. Pumasok rin siguro siya noong naliligo ako kasi nag-iwan siya sa kama ng bagong toothbrush at iyon ang ginamit mo.

Huminga ako nang malalim.

Think positive. Ang dapat isipin ko na lang ay major improvement ang mga kaganapan. Kung ano man ang nangyari kagabi at kung ano man ang dahilan bakit ano napadpad dito, ang mahalaga ay literal na napasok ko na ang bahay ni Kuya Cade.

Akala ko magiging madali na ang lahat ngayon na naikalma ko na ang sarili ko...

Hindi ko naman ine-expect na ang susunod na bubungad sa akin ang hubad na katawan ni Kuya Cade!

Cade Saavedra: Seduce MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon