Kabanata 08

1.9K 64 4
                                    

"Good morning naman sayo, madam Elaine! Super cute naman niyang dress mo! Gawa mo 'yan, ano?"

Natawa na lang ako sa bati ni Misha sa'kin. First day ko pa lang ngayon at gustong-gusto ko na agad ang environment namin dito. Hindi uso dito ang batiang "saan mo binili 'yang suot mo?" kung hindi diretsong "gawa mo 'yan no!".

Agad na sumingit sa gitna namin si Aubrey at binati rin kami. Ang aga-aga, may chika na siyang dala.

Gusto ko sanang makinig sa latest chika pero hindi pa kasi ako maka-relate at masyado pang puno ang sarili ko ng adrenaline para sa araw na ito. Official first day ko na at kapag first day daw ng mga bagong designer dito hanggang sa susunod na halos dalawang linggo, si Kuya Cade raw ang makakasama. Hindi naman ako masyadong kinakabahan pero first day ko pa rin! Iba talaga ang nagagawa kapag first day!

Pumunta muna kami sa workers' longue na parang malaking pantry section ang buong floor na ito kung saan pwedeng magkape at magmiryenda ang lahat. Tinignan ko ang oras, may thirty minutes pa kami bago magsimula ang mismong office hours.

Ngayong unang araw ko, wala naman naka-assign sa'kin kung hindi ang tour at ang pagpa-familiarize ng buong kompanya. Si Miss Katie Kim daw ang bahala sa'kin at isa siya doon sa mga interviewers ko. Siya rin ang bahala sa'kin na mag-introduce sa lahat lalo na sa mga magiging co-designers ko sa Bridal Department. Nabanggit na ni Miss Katie na bago pa lang ang department na iyon kaya naman wala pa yata kami sa limang nandoon.

Hindi na ako kumuha ng kape dahil baka lalo akong masobrahan sa pagkanerbiyosa ngayong araw.

"Hoy, mga beks, mauna na muna yata ako sa department ko. Hindi pa kasi nagre-reply si Miss Katie sa'kin. Baka doon niya ako hintayin."

Nginisihan ako ng Misha. "Gagalingan mo 'ha! Proud kami sayo!"

"Labas na lang tayo soon kapag medyo sanay ka na dito. Bruha ka, pasalamat ka at hindi ka pa namin pwedeng kulitin para mas makapag-adjust ka muna," sabi naman ni Aubrey at nag-"shoo" gesture pa siya.

Sa ngayon, ang kailangan kong gawing mabuti ay harapin muna ang trabaho ko. Kahit naman ang totoong pakay ko sa pagtatrabaho dito ay mapalapit ulit kay Kuya Cade, isa pa rin akong fashion designer and freaking confident one that I am best at what I do.

Plus, hindi madaling pagplanuhan ang mga masasamang balak ko kay Kuya Cade ng hindi ako sigurado sa mga dapat kong malaman. Tiny baby steps. Hindi ko madadaliin ito dahil hindi ako pwedeng magkamali. Pasasaan pa ba at dito na nga ako nagtatrabaho.

Akala ko maliligaw pa ako papunta sa bridal department pero maraming mababait na nagturo sa'kin ng daan. Kahit pala hindi pa office hours, likas na maagang pumasok ang mga tao dito. Ang daming nagsabi sa'kin kung saan dadaan pero...

Wala man lang nagsabi sa'kin na nandito pala si Kuya Cade!

Agad-agad akong napihinto sa pagpasok. Hindi naman nakasara ako pinto kaya nga nakita ko agad si Kuya Cade na halos nakasubsob na sa lamesa sa kung ano mang ginagawa niya. Nakapaharap siya sa direksyon ko pero dahil nga nakayuko siya, hindi pa niya ako nakikita.

Then I realized that he is sketching something.

Ang laki na talaga ng pinagbago ni Kuya Cade at ang hirap i-sink in sa akin na ang lalaking nakikita ko ngayon ay ang first love ko. First crush to first love to husband na talaga ito! Hindi naman masama kung ike-claim ko na talaga na iyon na ang mangyayari. Ngayon ko na masasabihing mula ulo hanggang paa―alam ko na talagang mas gwapo na siya ngayon!

Bigla siyang nag-angat ng tingin at huli na ang lahat bago pa ako makapag-deny na kanina pa ako nandito.

"You could've just come in." Tumayo siya nang mas maayos at ngayon ko lang napansin na mas lalo siyang gwapo sa kung anong suot niya.

Maliban sa nakasuot pa rin siya ng office attire, hindi na nakasuot ang coat niya. Wala na ang necktie niya at nakatiklop hanggang siko ang manggas ng white shirt niya. Pumasok na ako sa takot na mapagalitan pa niya ako.

Bigla siyang napahinto sa dapat magpapatuloy sa pags-sketch na para bang may naisip. "You know what, come here."

Cade Saavedra: Seduce MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon