Kabanata 22

1.4K 57 1
                                    

"Sure ka bang magpapa-iwan ka? Nagpaalam ka na ba kay Katie? We can call her for you, if you want."

Ngumiti ako at tumango. "Don't worry nagpaalam na ako. Bawi na lang ako next time 'ha?"

Niyakap na lang nila akong tatlo at umalis na sila. Sinabi ko na lang na mag-ingat sila at babawi na lang talaga ako next time.

Hindi naman ako behind sa mga dapat gawin pero medyo kailangan kong i-rush ang last ball gown ko. Kailangan ko na kasing mag-focus para sa suit ni Kuya Cade at gusto kong polidong-polido ang magiging finish product ko. Sobrang helpful ng mismong production team namin pero gusto sanang sarilin ang paggawa sa suit na iyon.

Speaking of Kuya Cade... Tama bang aminin ko na iniiwasan ko siya? Iniiwasan ko siya not because of what I saw, but because I will not be able to concentrate if I will always face him. Kaya nga nang makuha ko na ng mas maayos ang measurements niya, hindi ko muna siya nakakasama hindi gaya ng mga kasamahan ko na constant ang dates nila with their models.

Bumuntong-hininga ako at inabala na ulit ang sarili ko sa pag-aayos Swarovski crystals sa bodice ng ball gown na ito.

Sinabi ko na ngang hindi ko iisipin pero iyong inggit ko kasi na makakita ng nakahalik kay Kuya Cade, sagad pa rin sa kaluluwa ko. Ang daya naman kasi! Sana all! Wala akong pakielam kung lalaki o babae ang makakahalik kay Kuya Cade, ang gusto ko lang naman kasi talaga na sana lahat! Kung tutuusin pa nga, masaya akong lalaki si Sir Aiden. Kung babae siya at hinalikan niya nang ganoon kadali si Kuya Cade sa harap ko pa mismo, baka nagwala na ako.

Bigla akong napahinto at napahawak sa labi ko. Lagi akong nasasabihan na kissable at masarap daw akong humalik. I enjoy make outs. I enjoy kissing. Ano bang pakiramdam na si Kuya Cade ang mahalikan?

Hindi ko namalayan ang oras. Mag-e-eleven na pala nang matapos ko ang ginagawa ko. Naglilipigpit na ako ng mga kalat ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

"Hello, Elaine? Uhm, you're still at the company, right?"

Rinig na rinig ko pa ang lakas ng club music sa kabilang linya at sigurado akong sumisigaw na si Katie. Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Yes, nandito pa. Pauwi na sana. May problema ba?"

"No, no, no. Wala actually, pero can you come here?"

Fudge. Feeling ko may hindi magandang nangyari. Agad naman akong um-oo at sinabi ko na lang na i-explain na lang nila sa akin doon kung ano bang nangyari kasi hindi naman kami magkakaintindihan mabuti kung sa tawag.

Mabuti na lang ay may taxi na available agad-agad paglabas na paglabas ko nang kompanya!

Hindi naman sa pagiging nega pero kailangan ko nang ihanda ang sarili ko for the worst. Wala pa akong ideya sa kung anong pwede kong abutan doon kaya dapat handa na ako sa lahat ng possibilities na meron! Nakakaloka!

Akala ko mahihirapan pa akong maghanap nang makita ko naman sila Katie, Kisses, at Marga sa mismong labas ng sinabi nilang club...

"A-Ano pong nangyari?"

Kisses laughs and slaps Katie on the arm. "Did you scare Elaine?!"

"No! 'Di ba wala naman akong sinabing may masamang nangyari?" Nakangisi namang sagot ni Katie.

Tawa lang ng tawa si Marga at sure na akong lasing na siya.

Medyo naguluhan pa ako kung bakit nila ako pinapunta rito kung okay naman pala lahat hanggang sa marealize kong nandoon si Kuya Cade sa loob ng sasakyan niya. Imbes na sa driver's seat siya nandoon siya sa may passenger's seat kaya lalong na-gets ko na kung anong gagawin ko.

"Mali kasi ang nangyari at lahat kami nagtig-iisa ng sasakyan. We cannot really leave our cars here, and as you may have already noticed, bagsak na ang Sir Cade mo. We heard na tinulungan ka niya before when you were the one who got drunk, so we already assumed that you have been in his flat and that you can drive him there."

Tinignan ko ulit si Kuya Cade. Napakalakas ng tibok ng puso ko wala pa man ding nangyayari...

"Oh, one last note, kayang maglakad niyang si Cade. You just really need to help him a little bit. Iwan na namin siya sayo 'ha?"

"Enjoy Elaine!"

Cade Saavedra: Seduce MeWhere stories live. Discover now