Kabanata 11

1.7K 67 2
                                    

Hindi pa naman confirmed ang lahat ng chika nila Lily at Gigi pero sobrang dami kong nalaman. Hindi pa kasama doon ang mga pwede pang i-chika sa'kin nila Misha at Aubrey. Nakakaloka! Ano bang pinaggagagawa ko sa buhay ko? Daig ko pa ang nagplano ng maraming taon na wala talagang naplanong matino!

Masyado yata akong nabulag ng sarili kong mga pangarap na literal na hindi ko pinansin ang lahat nang magiging pwedeng hadlang sa dadaanan ko. Hindi ko pa nga alam kung anong gagawin ko sa katotohanang gay si Kuya Cade; tapos ngayon naman kailangan ko pa siyang paniwalain sa mismong pangarap ko!

"K-Kaya rin ba single si Sir Cade ngayon? I mean, for the same reason?" Naisingit ko lang itanong.

Mukhang hindi naman nila napansin na may gusto lang akong kumpirmahin sa tanong ko. Agad na tumango si Gigi. "We never know for sure pero alam naman nating na lahat na pwede tayong mag-keep ng booty calls and constant fuck buddies."

"Or pwede namang private si Sir Cade at ayaw niyang ipakilala sa public ang girlfriend or boyfriend niya. Ikaw naman puro sex na naman nasa isip mo, sinabi ko na ngang hindi lang sex ang pagjo-jowa!" Natatawang sita ni Lily. "Hindi talaga natin malalaman hangga't hindi si sir mismo ang nagsasabi. Plus, naniniwala akong hindi fully gay si sir. I mean, come on, he can be whatever he wants to be pero ang daming na-link sa kanyang mga babae!"

"Or pwedeng na-link lang sa kanya pero mga kaibigan niya lang talaga iyon. Sayo na nanggaling na hindi pwedeng sex lang ang lahat. They could be friends for all we know."

Nagulat pa kami nang si Kay na ang nagsalita at nagkatawanan pa kami.

Hindi naman sa wala pa kaming dapat gawin na trabaho pero ang meeting pala na pinuntahan ni Miss Katie―Katie na lang daw pala―ay para sa department namin. Usually, silang tatlo dito ay tumutulong sa mga gown designs ng ibang department na wala pa rin masyadong relation dito sa department namin. Pero today, malalaman na namin kung saan kami magsisimula.

Nauwi ang topic namin sa pagpapakwento nila sa akin kung bakit ako napunta sa fashion designing. Syempre, kinuwento ko sa kanila ang totoo maliban sa katotohanang kaya ako nandito mismo sa kompanyang ito ay para kay Kuya Cade.

Kuya Cade, Sir Cade, Mr. Saavedra... Hindi ako alam kung kailan ako masasanay na tawagin siya sa ibang paraan.

Madalas daw na mabilis lang natatapos ang mga meeting pero inabot na kami ng magla-lunch break na pero wala pa rin kaming balita.

Pinag-uusapan pa lang namin kung saan kami kakain nang biglang may kumatok―at wala iyong iba kung hindi si Kuya Cade.

"Can I excuse Elaine?"

Muntikan ko nang hindi magpagtanto ang nangyayari pero literal na itinulak ako ni Lily at Gigi na parang alay kay Kuya Cade!

"Of course, sir!"

"Here she is, sir, ibalik niyo po sa'min ng buo ha?"

Kuya Cade chuckles and then looks at me. "Come with me."

Cade Saavedra: Seduce MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon