Kabanata 28

1.4K 57 9
                                    

Never pa akong nagising ng sobrang advance sa alarm clock ko pero heto na nga at nakabangon na ako at nagpeprepare ng breakfast. Matapos ang mga kaganapan kagabi, para na akong lumulutang sa saya ngayon.

Naligo kami ni Kuya Cade na dalawa kagabi. Hindi sa iisang banyo pero sabay. Doon siya sa banyo ng guest room at ang ginamit ko naman ay iyong banyo sa kwarto niya. Syempre wala akong dala kaya naman ang ginamit ko, boxers at tshirt niya. Hindi naman kami gutom pareho at ang buong akala ko matutulog na kami agad, pero nauwi na naman kasi sa pagmomol. Inosenteng momol na lang ha! Hanggang sa siya na mismo ang nagputol noon at talagang sa dibdib ko siya umunan at niyakap pa ako.

Sa totoo lang, akala ko hindi na ako makakatulog pero kabaligtaran pa noong ang nangyari. Pakiramdam ko, kagabi na yata ang isa na naman sa pinakamasarap na tulog na na-experience ko. Kung tutuusin, masyado pa akong naka-high sa mga naganap. Halik lang ang hinangad ko, binigyan ako ng nakakawalang ulirat na momol! Dry sex pa lang iyon... Paano naman kung―

Pinigilan ko na ang sarili ko dahil masyado ko nang sinasagad ang pagka-ilusyunada ko.

Ayoko muna sanang maging nega pero kung ano man ang nangyari kagabi, baka hindi na maulit... Agad kong inalis ang isipin na iyon. Ayoko muna talagang isipin ang kahit anong makakasira ng araw ko.

Binalikan ko na lang ulit ang happy memories at ngayon ko lang napagtanto! Iyong jeans na suot ko kagabi, iyon na officially ang favorite slash most hated jeans ko!

Hindi ko namalayan na tapos na pala ako sa paghahanda ng breakfast. Simple lang naman, walang frozen goods si Kuya Cade sa fridge niya pero maraming fresh fruits ang nandoon. Nakita ko rin na may oatmeal kaya iyon na ang pinagsama ko. I also prepared some killer coffee na natutunan ko pa sa lola ko. Ang kulang na lang talaga ay si Kuya Cade. Ayokong maghintay kaya gigisingin ko na siya!

In-expect ko na tulog pa si Kuya Cade pero nakawaang ang pinto nasilip ko na agad na wala na siya sa kama. Para akong gaga! Bakit ba sumisilip lang ako e pwede naman sana akong kumatok at pumasok na lang?

Iyon na sana ang gagawin ko nang bigla akong napahinto kasi nagsalita si Kuya Cade... May kausap siya sa tawag. Aalis na sana ako pero para akong na-glue sa kinatatayuan ko sa narinig ko.

"That's what I've been trying to tell you. I felt so disgusted, I'm never going to do it again. Of course, I wouldn't tell her that but still..."

Wala pa man din ay parang binagsak na ni Kuya Cade ang puso ko.

"No, no, no. You got it all wrong. I did it because I was curious at first and that I didn't want to be rude." Tumawa siya nang malakas. "Oh, trust me, never again. I feel like I'm going to puke again."

Umalis na ako. Dali-dali akong umalis nang walang ingay na ginagawa dahil alam kong tutulo at tutulo na ang naipong luha ko. Ayokong maabutan niya akong umiiyak. Ayokong makita niya akong ganito. Lalabas na sana ako nang mapagtanto kong wala akong kasapin-sapin sa paa at wala rin akong pera. Hindi ako makakalabas na ganito ang itsura ko kaya naman kahit gusto ko na lang umalis sa lugar na ito, napilitan akong pumunta at magkulong panandalian sa guest room.

Hindi lang binagsak, tinapak-tapakan pa ni Kuya Cade ang puso ko. Hindi pa siya nasiyahan at dinuraan niya pa iyon. Kung alam ko lang na diring-diri siya sa nangyari kagabi, hihinto naman ako. Hindi naman ako ganoon kababa para ipagpilitan ko ang sarili ko sa kanya. Marunong naman akong rumespeto ng desisyon at alam kong respetuhin ang sarili ko. Hihinto naman ako e...

Tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha ko. Hindi na ako makahinga at hindi rin ako makagawa ng kahit anong ingay. Napasalampak na lang ako sa sahig at doon kinabog-kabog ang dibdib ko sa sobrang sikip noon.

Ang sakit... Ang sakit-sakit...

Hindi ko alam kung anong iindahin ko, ang sikip ba ng dibdib ko o ang sakit ng ulo ko. Hindi na ako makahinga ng tama kaya sa bibig ko iyong ginagawa. Bago ko pa mapagtanto, nagha-hyperventilate na ako.

Kinabog-kabog ko ulit ang dibdib ko. Hindi ko na makontrol ang mga luha ko pero wala akong panahong alalahin iyon. Kailangan kong kumalma. Kailangan kong kumalma para makaalis ako rito...

Ang sakit...

Cade Saavedra: Seduce MeWhere stories live. Discover now