Kabanata 19

1.5K 55 2
                                    

Alam kong nangangati na sina Lily at Gigi na alaskahin ako sa nalaman nilang crush ko  nga ang boss naming si Kuya Cade pero pare-pareho kaming walang oras magbiruan. Akala ko alam ko na ang meaning nang lunod sa trabaho... ngayon pa lang pala!

Maliban sa aming mga main designers ng department namin, siyempre hindi naman mawawala ng mismong production team namin. Ang mahirap lang talaga at ang literal na nakakapagpalunod ng trabaho namin, may special project pa kami maliban sa mismong project line namin.

Ang mismong theme ng project line namin, summer wedding. Imbes na dahil unang line namin ay dapat sila Kuya Cade lang ang magbibigay ng theme, meron kami agad na client para sa project line na ito. Kaya nga doble-doble ang efforts na kailangan namin ibigay dahil sobrang taas ng pressure.

Maliban sa mismong wedding dresses and gowns na talagang dapat naming unahin, iba pa ang sample designs for bride's maid dresses na kailangan naming i-produce plus doon din sa mga dresses ng flower girls. Hindi pa kasali ang special project namin dito.

Ang special project na kanina ko pa binabanggit ay ang konektado doon sa pina-sketch sa amin. Sa gulat ko, literal na ako lang pala ang nag-drawing nang lalaki. Tinawanan pa nga nila ako dahil nakalimutan nilang sabihin ang buong detalye sa mga ganitong moments. Natural na babae daw talaga ang ido-drawing nila, hindi dahil literal na iyon ang sagot nila sa tanong ni Kisses, kung hindi doon sila mas madadalian.

Nawindang ako nang sobra-sobra! Kaloka sila!

Pero hindi naman problema sa akin ang gumawa ng suit. I have done it countless of times before all throughout my experiences at my school. Siyempre mas madali rin sana sa akin na dress or gown na lang din ang gagawin ko, pero heto na at hindi naman na ako magba-back out lalo na at pumayag na si Kuya Cade na siya ang official model ko for this special project.

Ang masaklap nga lang, hindi ako pwedeng humarot ng kahit very light man lang kasi kailangan kong mag-super focus kapag kailangan ko nang i-work out sa kanya ang paggawa ko ng special project ko. Literal na kailangan kong maging matino dahil kung gaano ka-time limited ang pagtatrabaho namin para dito, mas times two pa ang pag-fast forward nang sa akin dahil boss nga namin si Kuya Cade at siya ang pinaka-busy sa aming lahat.

Gaya ngayon, habang nagtatrabaho ang production team namin sa project line namin, kami naman ang nakaharap sa models namin.

Proper measuring ang ginagawa ko kay Kuya Cade ngayon. Kahit katiting na kahurutan, walang-wala akong pwedeng pagbigyan lalo na at may meeting pa siya. Kung halos isang oras ang meron sa mga kasamahan ko, literal na fifteen minutes lang ang meron sa akin.

Ni hindi ko man lang nagawang kiligin nang matanggal si Kuya Cade ng coat at super hot niyang ginawa iyon!

Shoulder, check, Bust, check. Waist, check. Bottom hem, check. Front, back, and sleeves length, check. Kahit na sobrang rushed time ang meron sa akin, sinigurado kong polido ang pagsusukat ko kay Kuya Cade. Maayos na ang sukat niya para sa coat niya at ngayon naman sa pants na.

Hindi ko naman kailangang lumuhod sa harap ngayon ni Kuya Cade, o kahit kanino man, kapag nagsusukat na ako ng para sa pants pero dito na talaga ako naging komportable. Lalo na sa height kong ito at sa tangkad pa ng mga karaniwang models ko!

Hindi ito ang unang luhod na gusto ko pagdating kay Kuya Cade pero tinampal ko kaagad ang kaharutan ko paalis sa utak ko. Focus, self, focus!

Promise, sinusumpa ko sa tana nang buhay ko, ginawa ko ang best ko para mag-focus...

Pero hindi ko na napigilan nang dumating na ako sa pagsusukat nang rise ni Kuya Cade. Walang kaharutan, walang kamalisyosohan, legit na propesyonal akong trumabaho! Pero sino bang makakasisi sa akin ngayon na...

Nagmamadali akong tumayo at sinulat mabuti ang nakuha kong measurements para sa pants ni Kuya Cade.

Huminga ako nang malalim bago hinarap si Kuya Cade. Mukang tawang-tawa na naman siya sa akin pero nagpatay malisya na lang ako. "O-Okay na po, S-Sir Cade. Pwede na po kayong pumunta sa meeting niyo po."

He nods and stands up. "Very well then. Work hard, Elaine."

Pinanood ko siyang umalis.

UTANG NA LOOB!

Hindi talaga ako handang malamang daks si Kuya Cade ngayon! AHHH!

Cade Saavedra: Seduce MeWhere stories live. Discover now