Kabanata 33

1.4K 61 3
                                    

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maghubad. Pinagamit sa akin ni Kuya Cade itong office bedroom niya. Oo, merong kwarto si Kuya Cade dito sa kompanya at kapag sinabi kong kwarto as in fully furnished na kwarto na ang pinto ay naka-konekta lang sa opisina niya. Mabuti na lang at naka-dress na ako kaya isang tanggalan na lang nangyari.

Inilapag ko ang dress sa kama at tinitigan muna iyon. Unang tingin ko pa lang, alam ko ng perfect fit ito sa akin. I do not particularly own many clothes in the color green, but I can see how this will suit me. Dark green ito na imbes na makislap na gaya ng sa silk, more on matte-velvety kind of texture.

Huminga ako ng malalim. No need to evaluate this dress by mere looking, kailangan ko na itong isuot. Humarap ako sa full-length mirror na nandito.

Napasinghap ako nang maisuot ko na ang dress―hindi ito basta-basta perfect fit. Napa-wow ako sa kung paano nito yakapin ang bawat kurba ng katawan ko. It is spaghetti-strapped dress with a dangerous slit on the thigh that generously shows my leg. Hindi pa ako naka-heels ng lagay kong ito pero nai-imagine ko na ang power na dala nito. Nang tumalikod na ako ay lalo akong napa-wow. This dress has a very, very low back. hindi ko alam na sexy pala pati likod ko!

Agad kong inalis ang bra ko dahil sagabal iyon sa view.

Naglakad ako palayo sa salamin para mas makita ang sarili ko nang mabuti―holy mother of all the gagas in the world! I hold so much power with this dress!

Kinatok na ako ni Kuya Cade. Muntikan ko nang makalimutang hinihintay nga pala niya akong lumabas! Nagmamadali akong kumilos at hinawakan ang dress ko sa paraang hindi ko iyon matapakan.

Tumambad sa akin ang nakatulalang si Kuya Cade nang buksan ko ang pinto. Bigla na naman nagwala ang puso ko. Ang unfair. Ang daya-daya. How could I hate him when he looks at me like this? Paanong iisang tao lang talaga si Kuya Cade na nasabi sa aking nandiri siya sa akin pero kung makatingin naman ngayon ay akala mo ako na ang pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa?

How could I hate someone who looks at me with such stunned amazement?

He clears his throat, but did not look away. "Come here."

Tumango at lumapit ako sa kanya. Pakiramdam ko talaga, sobrang powerful ko sa suot ko ngayon. Ang katotohanan pang ginawa niya ito ang lalong nagpawala sa puso ko. I am wearing something he created with his own hands.

Umikot sa akin si Kuya Cade nang nasa likod ko na siya ay agad akong kinilabutan ng nang may kung anong malamig ang dumantay sa leeg ko. Sinuotan niya ako ng kwintas. Awtomatikong napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang pendant nito.

"The dress comes with this. In fact, this is what I was am really supposed to give you, but I needed something to highlight it best with, hence the dress."

Medyo naguluhan ako doon. Ibig sabihin ba niya ay gusto niya akong regaluhan ng kwintas out of nowhere?

Hinarap niya sa akin ang salamin at nalula ako nang makita kung ano ang kwintas na suot ko. Hindi ako pwedeng magkamali! Isa ito sa mga limited edition sa jewelry collection ni Tita Cassidy! Kilalang-kilala ko ito dahil isa ako sa mga hindi nakaabot dito...

"S-Sir Cade... H-Hindi ko po..."

"You're finally a designer in this company."

Parang umikot ang utak ko doon dahil lalong ayaw mag-sink-in ng sinabi niya. "P-Po?"

"Didn't Kay and the others tell you about this? Each of our designers receive their own jewelry piece from me right after their third month in the company."

Putangina...

"Ay, nako, sir! May gagawin pa nga po pala ako! Gora na po ako ha! Salamat po sa pa-dress at pa-kwintas!"

Dali-dali akong bumalik sa kwarto. Konti na lang ay iiyak na naman ako! Putangina!

Ayan, Elaine, mag-ilusyon ka pa. Ilusyunada!

Cade Saavedra: Seduce MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon