Trochaic32~ Talk Talk Talk

65 2 0
                                    

Andy's POV

Isang linggo.

Isang linggo nalang at recognition na.

Isang linggo nalang at magiging 4th year-HERALDS na kami.

Haaaaaay. Ang bilis lang ng panahon.

Una, hindi kayo magkakilala. Pero makalipas yung ilang araw, sila na palagi yung kasama mo sa hirap man o sa ginhawa.

Sabi nga nila, yung mga kaibigan mo nung highschool ka ay yung mga kaibigan mo na hinding-hindi mo makakalimutan.

Tama? Tama.

Isang linggo nalang yung kailangan kong hintayin at, BOOM. Wala na.

Vacation time na beybe. Haha. ^_^

Pero teka lang. Sa kabila ng pagbubunyi ko, parang may mali.

I sense that something's not right.

Pano ba naman kase, nadatnan ko yung lima na nakaupo sa nakapalibot na upuan at nag-uusap ng masinsinan. (Uy nagrhyme!)

Ano to, lokohan?! Baket iniiwan nila ako ha? Ano bang ginawa ko para iwan nila ako ng ganito?!

Litse, malapitan na nga lang.

Lumapit ako sa kanila at nung tatapikin ko na sana si Faye, biglang napa "Sssssttt!" si Tom kaya naman tumigil sila sa pag-uusap nila.

Tiningnan nila ako.

Ay litse! Ang damot!

Hinigit ko yung isang upuan at umupo ako. "Uy." Tiningnan ko silang lahat. "Pa share naman oh."

Siniko ko ng mahina si Faye.

"Ah." Tiningnan ko si Faye sa mata niya pero umiiwas siya. Ano ba to? "W-wala. Nagkakaroon kami ng open forum."

What the?

"Nag o-open forum kayo tapos hindi niyo ako sinama? Ano to?! Lokohan?! Sabihin nyo saken! Asan na kayo, ha? Sino na?" Sunod-sunod kong tanong sa kanila.

Walang nagsalita sa kanila. Halos lahat ay nakayuko.

"Teka lang ha? Anyare sa inyo baket ganyan kayo ha? Kadadating ko lang ah. Wala naman akong sinabing masama."

Biglang nagring yung phone ni Faye at napatingin kaming lima sa kanya.

"Ah? Hello? Ma'am? Pinapatawag po sino? Si Andy?" Napatingin si Faye saken. Litse naman oh! "S-sige po Ma'am. Pabababain ko lang siya. Okay po. Babay."

Napa-face palm ako.

"Ano daw sinabi?" Pareklamo kong tanong.

"Punta ka daw sa office." Tumigil soya saglit. "M-may pinapagawa sa yo s-si Ma'am. ASAP."

Ayyyyyyyy naknangletsugas naman.

"Ge." Tumayo ako. "Basta sabihan niyo ako kung ano yung pinag-usapan niyo. Wag naman masyadong madamot. Share your blessings." Tsaka binigyan ko sila ng naaaapakatamis kong ngiti.

"Tsssss. Oo na. Bumaba ka na dun. Kelangan ka na ata." Sabi ni Tom. At tuluyan na akong pumunta sa Office.

***

"Pumunta ka mamaya sa Lab ha? May pagagawa ako ulet sa yo." Ay litsugas lang. "Pupunta tayo sa Division Office mamaya. Sige. Kumain ka na ng lunch mo. Papatawag na lang kita, ha?"

Wow. Isang linggo na lang ah. Baket pa siya pupunta sa Division Office kung isang linggo nalang eh recognition na?

Napa-buntong hininga ako. "Yes Ma'am."

Lumakad na ako papunta sa classroom. Makakain na nga lang.

Pero hindi ko maiwasang isipin kung ano yung pinag-usapan ng limang yun.

Tungkol ba saken? Kanino? Pag tinanong mo sila, minsan hindi yun sumasagot ng matino.

Marami pang advertisements.

Di kaya may plano yung mga yun?

Pero ano naman kaya? At para ano? Para kanino?

Andame kong hindi alam. Haaaay. Kawawa naman is me.

Siguro gutom lang to. At pagod.

"Uy. Kumain ka na?"

Nasalubong ko si Nate sa hallway.

"Hindi pa. Kakain pa lang. Ikaw?"

Napa-iling sya. "Hindi rin. Sabay na tayo?"

Sandali. Hindi ba siya nagpapacute? Litse. Oo nga Andy. Gutom ka na nga.

Pano ako tatanggi sa polar bear na to, aber? "Sige."

TrochaicWhere stories live. Discover now