Trochaic36~ Meet HER

117 1 0
                                    

Francheska's POV

Paano kung dalhin mo sila sa stage at dun mo sila ipahiya?

Okay kaya yun?

Medjo, pero kailangan may twist.

Ah! Oo. Bubuhusan ko sila ng---

"Uy okay ka lang?" Tinapik ako ni Andy sa balikat.

Nandito ako sa ICT namin. May hinahanap siya siguro.

I rolled my eyes. Buset. Iniistorbo ni Andy yung mga plano kong pagpapahiya sa grupo niya.

Hindi. Dahil ikaw, kayo yung dahilan kung baket hindi ako okay.

Ngumiti ako. "Oo. Okay lang. Baket?"

"Nagawa mo na ba yung assignment mo sa Math?" Tanong niya saken.

Umalis ka. Hindi kita kailangan.

"Hindi pa nga eh. Pero okay lang, kaya ko na to." Tsaka ako umiwas ng tingin sa kanya.

"Talaga?" Nagpupumilit niyang tanong. "Tulungan na kita dyan. Medjo mahirap din eh."

"Ah so, sinasabi mo na hindi ko to kayang mag-isa, ha?" Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.

You always underestimate me, you never listened.

Napa-atras yung ulo niya sa tinanong ko. "H-hindi naman. Tsaka, w-wala akong sinabing ganyan."

Tsssss. Yan.

"Ayoko. Kaya ko to."

Hindi ko hinihingi yung tulong mo.

"Sigurad---"

"UMALIS KA NA SABI EH!"

Sinigawan ko siya dahil naiinis na ako sa pagmumukha niya. Inis na inis na ako.

"Sorry." Yun lang yung nasabi niya.

Anong ibig sabihin ng sorry? Nasa dictionary ba yan?

Sawang-sawa na ako sa salita na yan.

Apologies are getting way too overused, sorry has no meaning nowadays.

"Umalis ka." Mahina kong sabi at sinunod niya naman ako.

Part of me wants to slap her, but part of me keeps reminding myself that I'd reserve my anger for her---oh sorry, change it---them so I could get a wonderful and a sweet revenge.

Lahat na kinuha nila saken.

Kaibigan, atensyon.

Pati na yung mga mahal ko.

Una si Ice.

Sunod si Van.

At ngayon si Nate.

Iniisa-isa nilang lahat.

Si Tom? Si Faye? At si Andy na yan?

Oo anim sila at isa lang ako.

But believe me, darlings.

I have reinforcements.

Akala nila sila lang yung may mga kaibigan? Peste, sila lang ba palagi?

"Uy Ches!" Tawag sakin ni Ryan.

Alam ko kung sino yung tumatawag, so no worries.

Tsaka bakit ba gustong-gusto nilang manira ng plano ha?! Litse!

"Oh? Baket?!" Masungit kong tanong sa kanya.

Dalawa na sila ha. Dalawa na. Isa pa at sasapakin ko yun.

Well, maliban kung teacher na.

"Ano? Game ka sa recognition?"

Napaisip ako.

*TING*

Agad naman akong napangiti.

"Oo naman Ry! Oo game na game ako." Tsaka binigyan ko siya ng naaaaaapakatamis kong ngiti.

"O-okay. Sasabihin ko na lang mamaya kung ano yung gagawin ha." Tsaka siya umalis.

Humanda kayo.

Lalo na ikaw Andy Lim. Humanda ka talaga.

Hindi mo alam kung sino yung binangga mo.

Trochaic? Tatagal ba yun?

Ako si Francheska.

At ako ang sisira sa grupo na yun.

°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|

If any of you, dear readers, see a Krystal Megan name, well that's typographical error and I'm really sorry about it.

I really am.

That's Francheska by the way. I'm very sorry for the error.

Thank you sa reads!! Thank you. =)

Just Keep Smiling. =)

~htelahs88

TrochaicWhere stories live. Discover now