Trochaic2~The Atmosphere

111 5 0
                                    

Nathaniel's POV

Ako si Nathaniel Young Cruz.

Astig no? Mahal ko parents ko eh. NYC yung pangalan ko.

Kasalukuyan akong nagsusulat ng essay ko na walang kakwaenta-kwenta.

"Nate?" Nickname ko yan. "Pakitawag ngansa Ate Andy mo. May kailangan akong ipagawa." Utos ni Ma'am Santos.

Aish. Bakit ko pa ba kase kailangang tawagin yung babaeng yun? Andame namang ibang kaklase ko na pwedeng tumawag sa kanya, baket ako pa.

Matamlay akong tumayo tsaka lumakad papunta sa pintuan nang magsalita ulit si Ma'am.

"Nathaniel, may reklamo ka?" Tanong ni Ma'am Santos saken.

"Ah. W-wala po." Shete lang baket ako nauutal! Letse.

"Tawagin mo si Andy Lim ha? Papuntahin mo dito." Utos ni Ma'am.

"Uuuuuuuuuuuuuuuuuyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!"

Aish. Mga kaklase ko nga naman. Anghilig manukso.

Si Ate Andy kase, hinahangaan ko. Magaling syang sumayaw, may talent sa pagkanta. Matalino, responsable, tsaka mabait. Isama mo yung pagiging matulungin nya.

Ewan ko lang kasi kung bakit may nagsasabi sa loob ko na kailangang iwasan ko sya.

"Tss. Yes Ma'am."

Tulyan na akong umalis sa classroom. Baka kase kung ano-ano pa masabi nilang hindi maganda para sa tenga ko.

Ganito kase yun.

Naiinis ako kapag may nanunukso saken. Naiinis ako kapag may lumalabas na kuro-kuro about sa mga taong katext ko.

Nakasira kase ng privacy. Ganyan akong klaseng tao. Pag ayaw ko, ayoko na.

Nangyari na kasi saken noon eh. Ayokong ulitin kasi nakakasira ng araw.

Papunta ako ngayon sa library. Sinabi ng mga kaklase nya eh. Kasama dw niya si Ate Autumn.

Haaaaaay salamat. Hindi kami magfe-face to face.

Ang awkward na kase namin eh. Pag nakikita namin yung isa't isa, walang kibuan. Ngitian minsan, pero walang eye contact.

Di ko kase alam. Pag naiinis ako, naiinis ako. Kaya siguro awkward kami ngayon.

Nakarating na ako sa library kaya lumatok na ako sa pinto.

Medjo matagal akong naghintay sa labas, baka kase may ginagawa sila sa loob kaya hindi nila marinig yung katok ko.

Kumatok ako ulet.

Hindi ko na mapigilan, sumilip ako (may gap kase sa pagitan ng dalawang bintana na jelousy eh) kung talagang may ginagawa yung mga yun.

Mukhang meron naman. Mukhang nakafocus si Ate Andy sa pagsusulat habang nangugulit naman si Ate Autumn.

Aish. Pangatlong beses na akong kumatok tapos wala parin.

Kumatok na ako ng pagkalakas-lakas para atleast marinig naman nila.

Sa pagkakaalam ko ang daldal nila kasi eh.

"May mata ka? May ginagawa ako oh." Rinig kong sinabi ni Ate Andy yun.

Binuksan ako ni Ate Autumn.

Si Ate Autumn kase, gentlegirl. Yung tipong pauunahin ka kahit ikaw yung lalaki. Para daw sa kaligtasan mo kasi ikaw yung maknae. Gentlegirl diba?

Kaso ang hilig nyang manakit. -________-

Pagbukas nya ng pinto, bigla syang napatili, ewan ko sa kanya. Sometimes she's too unpredictable.

"Hi ate! Andyan ba si Ate Andy? Pinapatawag kasi sya." Sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Ah? Si Andy ba? Yiiiieehiiieee!! Andito sya. Teka sandale tatawagin ko. ^_^" Sabi nya tsaka pumasok ulet sa loob para tawagin si Ate Andy.

"HOY ANDY TINATAWAG KA!!!!" Anla. Sinigawan yung Kapid nya eh. Haha. Angcute nilang maglambingan.

Ano daw? Sino yung cute? Silang dalawa oh-----

AISH NATHANIEL YOUNG MANAHIMIK KA.

"Yeeeeee---"

Naputol yung sasabihin niya dahil saken.

Nanlaki yung mga mata niya. Nagsimula syang mag blush. Aish. Baket ba kase ang cute mo kung mag blush ha?

"Ah. T-tinatawag ka ni Ma'am. S-sunduin dw k-kita dito sa library." Pesteng Nathaniel. Baket ka nauutal?!

"Ah. Sige." Sinuot niya yung sapatos nyang naaaaaaapakaliit ng size (size 6 ata) tsaka nagsimulang lumakad papunta sa classroom namin.

Tahimik kaming naglakad. Wala ni isa sa amin ang naglakas-loob na magsalita. Aftermath siguro to ng nangyari samin nung Christmas Break.

Describe the atmosphere between you: AWKWARD.

Talaga naman eh. Siguro andyan pa yung hiya. Di ko lang alam kung meron pa bang natitira na pagtingin o wala na.

TrochaicWhere stories live. Discover now