Trochaic51~ Love Love Love

89 1 0
                                    

Faye's POV

"Sa dinami-dami ng pinagdaanan natin, ngayon pa ba tayo bibitaw?"

Shet piste litseng tuta naknanglitsugas, tumulo luha ko dun ah.

Hindi ko gusto yung nakikita ko, syempre.

Yung totoo kasi, (hindi naman sa nag-mamayabang) ako yung dahilan kung bakit nagkakilala sina Andy at Tom.

Takang-taka pa nga si Andy noon kung bakit yun yung pangalan ni Tom eh.

Kaya sa tuwing nakikita ko silang masaya, masaya din ako. Kung malungkot eh nasasaktan ako.

Bilib kaso ako sa magkaibigang to. Andami nang pinagdaanan pero eto, strong parin.

Magkatabi kaming anim, as usual. Kaming tatlo ni Andy at ni Tom yung importante muna ngayon.

Pinapat ko yung balikat ni Andy, para naman pansinin niya si Tom.

"Kas?" Bulong ko. "Alam kong nakikinig ka sa sinasabi ni Tom."

Hindi umiimik si Andy.

"Pid naman, kausapin mo ako. Wag naman ganito oh." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Tom kay Andy.

Syempre sincere si Tom sa paghingi niya ng sorry kay Andy.

Kitang-kita sa mata.

Umiiyak na rin si Ari. Hindi pinapahalata ni Raye na iiyak na siya. Si Neik naman tinakpan yung buong mukha niya ng panyo.

"Pid, sorry na."

"Pid kausapin mo ako, please?"

"Pid tahan na."

"Pid, sorry na talaga."

"Pid hindi na yun mauulit."

"Uy Pid, sorry na."

"Alam mo Pid, nagugutom ako. Gusto mo kumain tayo? Libre ko."

Dapat umangat na yung ulo ni Andy pagkarinig niyang libre ni Tom yung pagkain eh.

Pero wala.

Sa bawat paghingi ni Tom ng sorry kay Andy, kumukurot yung puso ko.

Sa bawat paghingi ni Tom ng sorry kay Andy, umiiyak lalo si Andy.

'Wala talaga.' -Tom

'Sandali lang. Processing pa, Tom.' -Ako

"Kas?" Litse! Umiiyak na ako. "Kas sorry na daw."

Wala pa rin.

"Kas, sorry na daw oh. Patawarin mo na, kausapin mo na. Mahirap din para sa amin tong ginagawa mo, please?"

Wala talaga.

Dagdagan mo pa yung katahimikan na mas lalong nagpapalala sa sitwasyon.

Tumayo na si Tom. Lalabas na sana ng kwarto ng biglang...

"Pid bumalik ka rito."

YEEEEEEEEEESSSSSSS NAGSALITA KA NA RIN SA WAKAS, LITSUGAS.

Nabunutan ako ng tinik sa dibdib, salamat at mag-uusao na rin yung dalawa.

Agad namang bumalik si Tom sa kinauupuan niya bago siya aalis (sana) at hinawakan niya yung kamay ni Andy.

Unusual? Para sa amin hindi.

Kasi gagawin mo yung lahat para magkabati kayo eh.

"Pid, sorry na." -Tom

Andy wiped her tears off. "Okay lang. Pero sa susunod wag na ha. Kilala mo na siya eh. Bakit mo pa siya pagkakatiwalaan kung alam mo naman na hindi dapat?

"Tsaka Pid, wag mong sabihin na wala ako sa tabi mo kung kailangan mo ako. Ginagawa ko lahat para tulungan ka, sadyang mahirap ka lang talaga minsan pangitiin.

"At isa pa, Kapid kita. Hindi ko gustong napapalayo ka sakin dahil sa isang simpleng problema lang. Sabihan mo ako, kami. Andito lang kami.

"Tsaka, Pid. Pangako ko sa yo,"

The whole time habang nagsasalita si Andy, nakayuko si Tom.

"Hinding hindi ako bibitaw."

Tears, stop. Stop it, I kennot.

Napa-angat yung ulo ni Tom at tiningnan niya si Andy.

"Thank you Pid." Niyakap ni Tom si Andy ng mahigpit.

"Thank you talaga. Thank you."

"Teka, kagagaling ko lang sa hika ko."

Agad namang kumalas si Tom kay Andy. Napatawa kaming apat.

Napa 'awwwwwwwwwwww' naman yung mga kaklase namin.

"Yung libre mo Pid ah." Sabi ni Andy. "Hinding-hindi ko makakalimutan yun."

TrochaicWhere stories live. Discover now