Trochaic4~The Presentation Went...

92 6 0
                                    

Neik's POV

"Goodbye and thank you for teaching us Sir Lacson."

Aish. Asan ba yung dalawang yun? Dalawang subjects na yung namiss nila ah. Di ba natatakot yun?

"Oi Neik! (Neyk) Asan yun dalawa?" Magkakaroon na kasi kami ng performance output sa English. Pano namin magagawa yun eh missing in action yung dalawa.

"Hanapin mo na kaya Neik." Sabi saken ni Faye.

"Oo na oo na. Bababa na ako."

"San ka pupunta?" Nagulat ako nung hawakan niya yung kamay ko at pinaharap sa kanya.

"Mark. Bitawan mo. Hahanapin ko sina Andy at Autumn." Sabi ko sa kanya habang yinuyugyog ko yung kamay ko.

"Sasama ako."

"Hindi na. Kaya ko to mag-isa."

Kinuha ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya at nagsimulang maglakad.

Aish. San ko ba sila hahanapin?

"Uy Neik! Magsisimula na ba?" Teka si Tom yun ah.

"Oi san ba kayo napadpad?! Kanina pa kayo namin hinahanap ah!" Hinila ko si Tom papasok sa classroom.

"Teka, Andy ayos kalang? Badtrip ka ngayon ah." Etong si Andy. Palaaaaaagi nalang badtrip. Aish.

"Ha? Ayos lang." Tipid na sagot niya habang yumuyuko.

Talaga lang Andy ha. Okay kalang sa ganyang istura?

Nag-aayos kami ng presentation namin nang bigla kaming ginulat ni Ma'am Santos dahil sa boses niya.

"Good afternoon Grade 9." Bati ni Ma'am.

"Good afternoon Ma'am Santos."

"You may now take your seats."

Nang umupo kami, hindi ko maiwasang lumingon kay Andy. Mukhang badtrip na rin yun. Ni hindi nga nagsasabi kung baket eh.

Okay lang kaya yun?

Tinawag kami ni Ma'am para magsimula na sa presentation. Magrereport kami about sa poem ni Edgar Allan Poe na Annabel Lee.

Anim kami. As usual. Trochaic lagi yung magkakasama. Except lang kapag count off. Pick your own members kase eh.

Sa presentation, si Andy yung leader.

"Good afternoon guys. So today we will be talking all about the poem Annabel Lee by Edgar Allan Poe." Pagsisimula ni Andy.

Si Andy kase, kahit may bumabagabag sa kanya, kailangang tutok muna sa studies bago yung iba. Kaya heto sya ngayon, nag-eexplain ng poem. Samantalang kami naman nakahanda lang para sa mga tanong na ibabato ni Ma'am.

Matapos magsalita si Andy, si Faye tsaka si Autumn naman yung nagsalita. Ipapaliwanag nila kung ano yung halimbawa ng mga elements ng poem na nakikita sa poem na pinili namin.

Hindi kami nagsalita ni Raye dahil kami yung sumulat ng poem. Ang haba kaya ng poem na yun. Pinaghatian naming gawin ni Raye yun.

"That's all for this afternoon Ma'am. Thank you." Sabi ni Andy sabay ngiti ng matipid.

Napatango naman si Ma'am, ewan. Tanda siguro yun na nagustuhan niya yung report namin. Pero sabi nga, wag pakampante. Si Ma'am kase biglaan yan.

"Andy why is it that you picked this poem?" Tanong ni Ma'am.

Lumapit si Faye saken. "Tegi. Mukhang hindi nya pinaghandaan yun ah." Tsaka sya tumingin kay Andy na kasalukuyang nag-iisip ng isasagot niya.

Tinap sya ni Tom sa balikat. May binulong pa ata. Ganyan silang dalawa eh, pag namomroblema yung isa handang sumalo yung isa.

Ngumiti rin si Andy dahil sa ginawa ni Tom. Yumuko muna sya at nagbuntong-hininga.

Saka inangat niya yung ulo niya.

"We chose this poem because it relays the true meaning of love. Love doesn't like to be found or hunted. Love is meant to be waited. Love doesn't only talk about girls and boys sitting in one corner."

Huminto sya, feeling nya siguro may natatamaan sya.

Pero tumango si Ma'am, tanda na pwede syang magpatuloy.

"Love is about those people who make you feel loved even when you're not around."

Chaching!!!!! Awtsuuuuuuuuuuuuuuu.

Na-touch ako dun ah. Yiiiiee.

Nung nabitawan nya ang mga salitang yun, napatingin kaming lahat sa kanya.

Si Andy, andameng hugot lines na ang natutunan ko sa taong yan. Aakalain mong andame nang pinagdaanan sa buhay.

Eh mukhang ang dami naman eh.

Napa "oooooooowwwwww" at "wewsk, hugot pa more pre" yung mga kaklase namin.

Tiningnan ako ni Andy, I mouth 'labyoo' to her.

She just winked and smiled at me.

Lumingon ako kay Ma'am, tumango siya at napangiti.

TrochaicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon