SNEAK PEAK ●﹏●

88 1 0
                                    

Andy's POV

"Tooooommm!! Huwag kang bibitaw! Malakas ka diba?! Malakas ka diba! Tom please naman oh, huwag mo gawin sakin to." Pasigaw na sabi ni Ice nung pinasok si Tom sa O.R.

"Hoy Ice, tama na nga!" Bulyaw ko kay Ice tsaka tinulak ng mahina. "Kaya niya yan, nukaba!" Pero halos buong katawan ko nanginginig sa takot at kaba.

Hutangena naman ito oh! Buset! Kung saan okay na ang lahat dun pa naging letsugas yung mga sumunod na pangyayari, life nga naman oh! Buset!

Sa sobrang inis ko, halos madurog yung kamao ko sa kakasuntok sa pader ng ospital. Eh naknanglitsugas naman talaga eh! Biruin mo bigla bigla nalang siyang nawalan ng malay! Sumigaw pa 'tong si Neik kung okay lang si Tom o hindi.

BUSET LANG HA, BUSET LANG.

"Teka, chill lang. Kaya niya yan, hindi niya tayo iiwan ng ganun-ganun lang." Mahinang sabi ni Faye.

Sa sinabi ba naman niya, syempre mapapatayo talaga ako sa sobrang inis. "Paki ulit nga Faye, chill?! Chill ka mag-isa mo! Langya, nasa O.R si Tom tapos sasabihan mo ako na mag-chill dyan?!?!"

Napatahimik naman siya sa sinabi ko, "Teka, nasa O.R si Tom diba? Sa tingin niyo gusto niyang nag-aaway kayo?"

Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Raye, totoo naman eh. Sabihan ka ba naman na mag-chill, bespren mo yung nasa O.R tapos machi-chill ka lang? Natataranta nga yung mga doktor na hindi niya kilala eh ako pa kaya na bespren niya?

"Hindi natin ginusto to-"

"Pag nalaman kong ginusto to ng isa sa inyo hindi ako magdadalawang-isip na patayin kayo on the spot." Bigla kong sulpot habang nagsasalita si Raye.

"Andy." Saway ni Ari sakin at sinenyasan si Raye na magpatuloy.

"Gagaling siya, magdasal na lang tayo na hindi to malala." Yun na lang yung nasabi niya, halatang natakot naman sa biglaang pagsulpot ko kanina sa sasabihin niya.

9 kami na andito ngayon sa ospital. Kaming anim, si Ice tsaka yung mga magulang ni Tom. Halos mabaliw sina Tita at Tito nung nalaman nila yung nangyari sa anak nila.

At halos hindi naman sila makahinga nung lumabas yung doktor.

"Sino yung mga magulang ni Autumn Leaves?" Tanong ng doktor sa amin.

Doc, try niyo kaya yung isa sa amin. Ke bata bata pa namin. Buset lang.

"Kami po," sagot nina Mr. and Mrs. Leaves.

"In my office, please." Tsaka sila lumakad papunta sa opisina ng doktor.

"Litsugas." I ran a hand through my hair in frustration. "Kinalimutan ata tayo ah."

"Yaan mo na, baka sila dapat yung kailangang kausapin eh." Tinapik ako ni Faye. "Malalaman din natin yan."

Ay life, how unfair.

*********

Ano kaya ang nangyari kay Autumn? Bakit sila na sa ospital? Ano naman ang naging problema ng Trochaic at nag away sila? Hmmm. Abangan! ^___^

TrochaicWhere stories live. Discover now