Trochaic35~ Confused and (Medjo) Badtrip

63 2 0
                                    

Andy's POV

Teka. Naguguluhan na ako.

Plano? Anong plano? Plano para sa?

Ay litsugas.

They spin my head right round, right round…

"Teka, para kanino? Sinong nagsabi? Ano ba yun? Baket wala akong alam?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanila.

Ayokong may tinatago sila saken, at mas lalong ayoko na may ginagawa sila na wala ako at hindi ko pa alam.

Hindi naman sa, kelangan lahat ng ginagawa nila eh, involved ako. Yung feeling lang sana na, hindi ka iniiwan sa ere? Yun lang.

"Oy sagutin niyo ako. Ano ba yung plano? Sabihin niyo naman saken oh." I sounded desperate, but yeah. I was.

I was desperate to know what they were hiding.

Nakayuko silang lima. Hindi makapagsalita.

"Oh ba't natameme kayo?"

"A-ah, Pid naman eh! Plano sana pagkatapos ng, ng, ng ano, ummm,  recognition! Ummm, bonding tayong anim pagkatapos, diba? Libre namin ni Faye!" Nauutal na sabi ni Tom.

I noticed nung sinabi ni Tom yung last line eh, pinanlakihan siya ng mata ni Faye.

Napangiti ako, minsan lang kasi yung ganito.

"Talaga? Oh san tayo? Yun naman pala eh. Bakit hindi kayo makasagot agad?"

Meeeedjo natagalan sila bago sumagot.

"Ah. Nag-iisip pa kami kung saan yung pupuntahan para makapag-date tayo." Tsaka ngumiti si Tom.

Weh? Talaga?

I furrowed my eyebrows. "Mmm? Talaga? Soooooo. San tayo?"

Eksakto namang nagring yung phone ni Tom.

"Ah. Ma'am, hello? Ah. Si Andy po?" Napatingin si Tom saken. Ano naman tooooooooo. "Andito sa taas Ma'am, baket po? Papuntahin dyan? Ah sige po. Opo. Sige po."

Nung ibaba ni Tom yung phone, nakangiti silang lima. Litse to ah?! Nasisiyahan dahil aalis ako?! Ano to?!

"Teka, baket masaya pa kayo na hindi ako kasama sa pagpa-plano? Aalis ako kaya makakapagsolo kayo sa lugar kung saan KAYO magde-date?! Edi solohin niyo! Porke't hindi ko pa kayo nililibre, hindi niyo na ako isasama sa date natin?!" Sabi ko sa kanila. Litse lang ha?! Makangiti parang nakakita ng gwapong nilalang. Litse lang!

Halos matawa sila sa inasal ko. "At natatawa pa kayo?!?! Makaalis na nga."

And they bursted into laughter.

"Ge. Laugh harder. Shabu pa. Litsugas." At tuluyan na akong lumabas sa kwarto at nagsimulang bumaba sa hagdanan.

Takang-taka ako kung saan ako pupunta. Teka, diba sinabi ni Ma'am na hinahanap niya daw ako? Pero saan ko naman siya hahanapin, aber?

Ay haruuuuujusko.

Napahilamos ako sa inis, litse lang.

Bumalik ako sa kwarto namin, unang-una kong napansin eh, tumahimik na sila sa katatawa nila.

But fishsticks, they made me think again.

Kasi nung buksan ko yung pinto at nung pumasok ako, bigla silang humalakhak na akal mo wala nang bukas.

Litse lang. Nakakainiiiiiiiiiiiiiis sila. Sobra. -__________-

"Anong nakakatawa ha?" Masungit kong tanong sa kanila, pero hindi pa rin sila tumitigil sa katatawa nila.

"Eh kasi------HAHAHAHAHAHA!!!!!!! Bigla-bigla ka na lang lumabas pero hindi mo alam kung saan pumunta HAHAHAHHAHAHAHHAHAHHAHAHA!!!!!!!" Sabi ni Faye.

Litse, are they doing it on purpose?! Mapipikon ata ako sa kanila eh.

"Edi hahanapin ko nalang siya. Hindi naman kayo yung sadya ko eh. Kukunin ko lang yung panyo ko." Kaya pinuntahan ko yung bag ko tsaka kinuha yung panyo. Hindi na ako nagsalita ulit, bagkus ay lumabas ako ng diretso at bumaba para hanapin si Ma'am.

TrochaicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon