Trochaic42~ The Confrontation

65 3 1
                                    

Autumn's POV

"Op, Tom! Musta, ayos kalang?"

Lumingon ako sa tumawag sakin, si Veronica. Yep, classmate ko rin. Mabait yan, matalino.

Wala akong imik na pumunta sa harap ng electric fan, tsaka kinuha ko yung phone ni Ice.

"Eh, hindi ata." Rinig kong sabi ni Ronnie. Agad naman akong humingi ng tawad. "Sorry dre, badtrip lang."

"Sorry din." Tsaka tinap niya yung balikat ko at umalis.

Ganyan ako pag badtrip, ayokong may nang-iistorbo sakin pag badtrip ako.

Oo, yung phone ni Ice nasa akin.

Binabasa ko yung conversation namin, medjo napangiti naman ako.

Di ko na sasabihin, medjo corny kami mag-usap. Tsssssssssss.

Pero unti-unti namang nawala yung ngiti ko.

Baka kasi totoo yung sinabi sakin ni Francheska.

Yung, nilalandi ni Faye si Ice? Wala na sila ni Van eh. Tsaka, hindi na kami nag-uusap ni Ice.

Parang totoo, parang gusto kong maniwala.

Sinabi ko naman sa inyo kung paano ako magselos diba?

Pero oo alam ko, mali yun. Mali yung hinala ko.

"Tom."

"Oh bakit." Tsssss. Tatlong taon na kaming magkasama nitong bruhang to, bakit hindi ko pa makikilala yung boses niya.

"Pwedeng magtanong?"

"Oo." Lumingon ako sa kanya. "Walang bayad, itanong mo na bago pa magbago yung isip ko na sagutin yung tanong mo."

Nagulat siya sa inasal ko, "Asan si Ice?"

"Peste anong kailangan mo sa kanya?"

"Wala, mag-uusap lang kami. Baket, hindi pwede?" Pabalik niyang tanong.

"Hinde." Diretso kong sagot.

"Bakit ba kasi badtrip ka ha? Ilang bese na natin pinag-usapan na bawas-bawasan mo yang mood swings mo. Pero wala pa rin."

"Paano ako hindi mababadtrip eh may lumalandi kay Ice?! Pasalamat siya at wala siya rito!" Sigaw ko sa kanya habang hinahawakan ng mahigpit yung phone ni Ice.

Napatingin sa amin yung mga kaklase namin.

"Oy, kung gagawa kayo ng gulo dito wag naman." Sabi ni Mika.

"Labas muna kayo, wala namang klase eh. Please."

Tumayo sila at isa-isang lumabas sa kwarto.

"Nilalandi ng magaling mong Kasin si Ice, Pid! Okay ka lang?!"

"Hindi Pid!" Sigaw niya pabalik. Hindi ako kinakabahan sa kanya, si Andy lang yan. "Okay ka lang?! Hinding-hindi magagawa ni Faye kay Ice yun!"

WOW! Planado ba to?! Kasi nung sabihin yun ni Andy sabay pumasok yung ilan sa grupo eh! Litse!

"Teka, what's happening in this country? Baket naman kayo nag-aaway dalawa ha?" Tanong ni Ari.

"Kas?" -Faye

Binalewala ko yung grand entrance nila.

"Eh ano to?" Pinakita ko sa kanya yung litrato. "Ano to Pid, ha? Pakisagot nga ng tanong ko. Ano to?!"

Nagulat siya, nanlaki yung mga mata niya at nanigas. Parang she was turned into stone ng isang bagay.

At yung bagay na yun, yun litrato na nakayakap si Faye kay Ice.

"Wala ka bang tiwala sa amin?" Mahina niyang tanong.

I was taken aback by the question.

Huminga ako ng malalim, sasagot na ako sana nung bigla siyang magsalita.

"Pid nung isang araw na magkatabi kami ni Ice, sinabihan mo pa si Faye na sabihan ako na dapat 1 meter apart. Kung isa sa amin kasama si Ice halos lumabas ka sa katawan mo na parang papatayin mo kami. Maraming beses na Pid! Hindi ko na halos mabilang! Nakakasuka na yang pagka selosa mo!" Sigaw niya, but her voice was cracking.

"Ikaw din naman ah!" I pointed at her, biglang tumabi si Ari at Raye sa kin. "Nagseselos ka din naman!"

"Wag mong ibahin yung usapan, Autumn Leaves!" Sigaw niya.

Silence.

"Tom, tama na."

°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|

Stay safe everyone. =)

Thank you sa reads! =)

Just Keep Smiling. =)

~htelahs88

#HolyWeek

TrochaicWhere stories live. Discover now