Trochaic38~ Lies, Lies, Lies

93 3 0
                                    

Autumn's POV

"What are you babbling about?" Tanong ko sa kanya, halos hindi ako makapaniwalang ginaganito niya ako.

Duh. Tom masanay ka na. Wala lang to magawa.

"Nakita ko sila kanina. Naghug. Ewan. Ngumiti si Faye eh."

Well, that was a heartbreaker.

"Proof?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Gustong-gusto ko na siyang itulak sa malalim na bangin. Litsugas.

Pinakita niya saken yung litrato. Kinunan niya pa pala.

Nasa canteen sila. Medjo basa yung mukha ni Faye, kaiiyak lang siguro. At oo, magkayakap sila. At nakangiti si Faye.

"So, anong ibig mong sabihin?"

"Hindi pa ba okay, Tom? Bestfriends kayo ni Faye pero look at that." Sabi niya saken, with digust in her tone.

Tiningnan ko ulit yung picture.

Oo, selosa akong tao. Pero hinde, mali to. Bespren ko si Faye at wala akong dahilan para pagselosan siya.

Pero ilang araw---hinde---ilang linggo na rin akong hindi kinakausap ni Ice.

Bigo si Faye.

Hindi ako kinakausap ni Ice.

At madalas kong mahuli si Ice na nakatutok sa phone niya, pero hindi naman ako nagte-text sa kanya.

I shook my head.

Hindi, mali to. Nilalason niya lang yung isipan ko.

"Tom. Ilang araw na ba kayong hindi nag-uusap ni Ice?" Tanong niya saken.

Hindi ako makasagot dahil sa sobrang dami ng tumatakbo sa utak ko.

Paano kung si Faye talaga yung katext ni Ice?

Paano kung may pagtingin si Faye kay Ice ngayong wala na sila ni Van?

Paano kung silang dalawa pala kapag nakatalikod ako?

"Bestfriends ba tawag mo sa mga taong ganyan?"

Hinde. Nilalason niya yung isip ko. Mali to.

Iniwas ko yung tingin ko sa litrato.

Mali na pagseselosan ko si Faye.

Bestfriend mo si Faye.

"Nilalandi niya yung mahal mo oh." At pinatingin niya sakin muli yung picture.

Magkayakap. At nakangiti si Faye.

Mukhang ang higpit ng yakap nila sa isa't isa.

"Manahimik ka." Sabi ko sa kanya. Hinde. Hindi na tama to.

"Talaga? Nilalan---"

"Nagmamadali ka na bang mamatay?"

Napatigil siya sa ginagawa niya.

"Kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka. Baka tumawag ako ng resbak at hindi ka na makaabot sa ospital."

Parang naputulan siya ng dila dahil sa mga sinabi ko. Pero wala akong pakialam, muntik niya na kaming masira at hindi ko hahayaang maulit yun.

"Isipin mong mabuti." Bulong niya saken at tuluyan na siyang lumabas sa kwarto.

She left me here, confused.

Paano kung totoo nga yung sinasabi niya? Na tinatraidor ako ni Faye? Ni Ice?

Pero mahal ko silang dalawa.

Paano naman akong magagawang traidorin ni Faye?

"Uy, Tom. Ayos kalang? Dami mong iniisp ah." Tinapik ako saa balikat.

Lumingon ako, si Faye.

Hindi ako nakasagot. Kaya tinanong niya ako ulit.

"Ayos kalang?"

Nakita ko si Ice. Totoo kaya yun?

"Hinde." Sagot ko at tumayo ako. "Badtrip ako."

TrochaicWhere stories live. Discover now