Trochaic7~ Sinong Ugok?

84 4 0
                                    

Nathaniel's POV

Ayoko nang alalahanin yung mga nangyari.

Nakakainis lang. Bakit ba kase walang clear history sa buhay naten.

History has a nasty way of repeating itself.

Diba sa history, lahat ng importanteng nangyari sa mundo ang itinatala?

Eh pano kung importante din ang nangyari sa yo dun sa history ng buhay mo?

Tse Nate. Manahimik kana lang.

"Uy baket di mo sya kinausap? Bobo lang ha."

I was snapped out of my thoughts nung marining ko yung tinig ni Aus, bespren ko.

Si Aus. Bespren ko na "kapatid daw" ni Ate Andy (dahil pareho silang magaling sumayaw).

Last na naging girl niya eh ealang iba kunde si Ate Andy. Nung June lang sila nagbreak. Tagal na diba?

Baka sabihin mong oras ko to para makuha sya o ano.

"Eh sya yung nahihiya eh. Nahihiya din ako Aus." Pag-aamin ko. Eh totoo naman eh! Sa ginawa kong yun di pa ako mahihiya?

~Flashback~

December 30, magaalas-otso na ng gabi. Katext ko si Ate Andy.

From: Ate Andy

'Siguro nga. Kase ang pangit kapag nagco-confess lang through phone diba?'

Eh. Medjo. Kasi di mo alam kung sincere yung tao sa mga sinasabi niya. Kaya sinabi niya saken na baka sabihin niya daw yung nararamdaman niya saken in person.

Ano kaya magagawa ko? Kailangan kong sabihin sa kanya yung totoo.

Na hindi ko siya gusto.

To: Ate Andy

'Umm. Ate? Wag na siguro. Sorry pero...

*delete* *delete*

Ay tae. Pano ko to sasabihin sa kanya na hindi siya masasaktan?

'Hoy ugok. Kahit anong sabihin mo sa ibang tao, may pagkakataon talaga na masasaktan mo sila. Bobo.'

Aish. Nate manahimik ka. Pagsabihan mo yang conscience mo na manahimik kung minsan! Tae.

To: Ate Andy

'Ate? Wag na. Sorry. Sorry talaga pero I don't feel the same way na.'

Ahhhh tae. Ang bobo ko! Pipindutin ko na?

*finger slightly hovers to the send button*

Eh. Bahala na si Batman.

...

...

...

...

*message sent*

"Eh di unahan mo. Pinagmumukha mo siyang lalaki sa ginagawa mo eh." Sumbat ni Aus. Ba. Pa-salvage ko kaya to.

"Eh kase nga. Nahihiya ako. Pag nahihiya ka may masasabi ka ba? Lalo na kung---"

"Kung crush mo ang kaharap mo? Sus. Nate dinaanan ko na yan. Papunta kapa lang pabalik na ako." He puffed his chest para magmukhang proud siya sa sarili niya. Tae.

Talaga lang Aus ha. Tssssss.

"Ang ugok mo kase eh. Bakit mo ba kase sinabi yun sa kanya kung gusto mo pa naman pala sya?" Tanong niya.

"Eh bakit mo sya pinakawalan kung mahal mo pa rin sya hanggang ngayon?"

Buuuuuurrrrrn baby, buuuuuuurrrrrn.

"Tssss." Yan nalang yung nasambit niya.

"Wala kang gagawin ngayon?" Tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya yung relo niya.

"Eh. Wag nalang. Parang may pupuntahan ka eh."

"Wala. Tiningnan ko lang." He shrugged and went to play on his phone.

Nakakainis lang kasi yung buhay eh. Andaming courses. Tapos minsan mananalo ka o matatalo. Ewan ko basta naiinis lang ako.

Pero okay lang. Iniintindi ko nalang si Lord. Kasi binibigay Niya naman saken to dahil alam Niyang kaya ko to.

"Huy. Okay kalang? Lalim ng iniisip mo ah." Pag-iistorbo niya saken.

"Ah. Ako? Oo okay lang. Alis na tayo?" Inaya ko sa para kumaen sa labas.

Tumango naman sya. Tatayo nakami sana nang biglang tinawag ako.

"Nate?"

Napatigil ako sa pag-aayos.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Biglang bumigat yung paghinga ko.

"Pre. Kalma lang." Tinapik ako ni Aus sa balikat tsaka pumunta sa likod.

Pinahinto ko siya sa paglalakad.

"Aus. Samahan mo ko dito." I pleaded.

Napayuko sya sa sinabi ko. "Pre. Kung ayaw mo na, tapusin mo. Wag ka na kaseng magpaligoy-ligoy. Kung gusto mo sya, sabihin mo. Baka mawala pa siya sa yo."

"Aus."

Hindi na niya ako pinansin. Pumunta nalang siya sa likod tsaka sinalampak yung earphones niya sa tenga niya.

TrochaicWhere stories live. Discover now