Trochaic29~ The Plan

58 2 0
                                    

AJ's POV

''Pre. Kelan natin gagawin yung plano? Masyado na atang nade-delay yun ah.''

Nag-uusap kami ngayon ni Ryan tungkol sa plano niyang pagbabatiin si Aus at Nate.

Hindi ko nga alam kung ano na nga yung gagawin ko. Baka kasi magulat si Andy tapos pagagalitan pa kami.

Sinabi rin ni Andy saken kung ano yung nararamdaman niya.

Nagdududa daw siya kay Nate? Tssss. Kaya ayun nga eh. We're working on a plan (sana maging successful naman) para magka-ayos na yung tatlo.

''Daaaaaaaaaaaaaddd!!!''

Oy wala akong anak ah! Ang bata ko pa para magkaroon. Tae.

Napalingon ako sa taong tumawag saken.

Lumapit sya sa amin at umupo sa tabi ni Ryan. Si Ryan bigla namang namula.

Binigyan ko si Ryan ng 'What The Hell?!'' look. He focused his gaze on the floor.

Nakangiti yung isa na para bang may gustong itanong.

Ay letse. May itatanong ba to? Kasi kung meron hinding-hindi ko to matitiis eh.

Makulit siya. SOBRAAAAANG kulet. Kaya ayun. Nahuhulog ako sa, ika nga, 'aegyo' niya. Pacute ba.

Haaaay. Ba't ang cute ng 'anak' ko ha?

Mana kase sa tatay. ;)

Si Andy lang naman yung taong yun. Napag-desisyunan naming dalawa na ako yung tatay niya. Wala siyang nanay.

Alam ko lahat ng nangyayari sa kanya. Nagsimula kaming maging close nung sinabi niya saken na crush niya si Nate.

Hanggang sa inamin niya kay Nate at nireject siya ni Nate.

Ansaklap lang no?

Pero heto siya ngayon, nagpapa-cute dahil may kailangan naman. Ayyyyy letse.

''Oh. Ano naman?'' Masungit kong tanong sa kanya. Napa-atras yung ulo niya.

Hinampas niya ng mahina yung braso ko. ARAY KOOOO!!!! Hindi ko na nga maigalaw yung kamay ko dahil nag-gym ako tapos hahampasin niya? Hustisya please!

''Grabe ka dad!'' Tapos napatawa siya.

At biglang sumeryoso yung mukha niya.

''Anong pinag-usapan niyo ni Nate?''

Ay letse. Ganyan na lang palagi.

''Wala. Hindi naman tungkol sa yo yun eh.'' Pag-amin ko. Eh wala naman talaga eh!

Binigyan niya ako ng 'talaga?' look. ''Weh?''

Napatango ako. ''Yep. Pinapasabi lang saken na mag-ingat ka raw. Tas hindi siya makakatext sa yo kasi wala siyang load. May pupuntahan daw siya at gagabihin siya.''

''Tssss. Wala palang pinag-usapan ha.'' Sabi niya habang nagsimulang lumakad palayo.

''Yun lang naman!'' Sigaw ko at tuluyan na siyang nawala.

AJ nga pala. Tatay ni Andy.

Kwento ko sa inyo kung paano niya ako naging tatay.

UNA. Nung nireject siya ni Nate, palagi ko siyang pinaalalahanan na mag-move on. Dahil siya lang yung masasaktan. Pero sa tuwing malalaman niya na kasama ko si Nate, hindi niya maiwasang magtanong kung saan kami pupunta at kung ano yung gagawin namin.

IKALAWA. Alam ko lahat. AS IN LAHAT. Kung sino yung crush niya ngayon, kung paano siya nagka-crush kay Nate, kung paano siya nireject ni Nate, mga ganon.

Yun, dalawang dahilan lang. Haha. ^_^

''Anong pinag-uusapan niyo?'' Tanong ni Andy.

Nagkatinginan kami ni Ryan.

''A-ah. Wala! Bumaba ka daw. Tinatawag ka ni Ma'am Santos.'' Hay salamat. Agad namang bumaba si Andy, buti na lang naniwala siya.

Pagkalabas ni Andy sa kwarto, bumulong kaagad si Ryan.

''Hindi niya dapat malaman na nagpa-plano tayo tungkol sa pag-aayos nila.''

TrochaicWhere stories live. Discover now