Trochaic50~ Ngayon Pa Ba?

67 1 0
                                    

Autumn's POV

Oo na. Aaminin ko.

Na touch ako sa huling sinabi niya bago niya sampalin si Cheska.

Nagui-guilty ako.

Ako yung dahilan kung bakit umiiyak siya ngayon.

"Kas, kas tahan na. Please? Kanina ka pa umiiyak eh."

Napalibutan namin si Andy, syempre may konting space. Inatake na kasi siya ng hika niya.

Hindi na namin pinaalam sa mga teachersyung nangyari, magtatanong yung mga yun kung ano yung dahilan kung bakit hinika si Andy.

Eh sasabihin ba namin na sinampal ni Andy si Cheska? Laking gulo nun. Wag na.

After ng 'commotion', pumasok na rin yung mga kaklase namin. Syempre takang-taka sila kung ano yung nangyari sa mukha ni Cheska.

Eh sinabi lang naman namin na sinampal siya ni Andy.

"Oo nga, buti na nga yun." -Veronica

"Lakas ng loob niya ah." -Kate

"Ako sana yung gagawa nun eh!" -Angie

"Protective niya, okay na rin yun." -Mika

"Sinabi mo pa." -Lorenz (naka thumbs up)

"Pasalamat kayo dahil hindi siya pumalag at nagpatalo." -Kaitlene

Medjo napayuko ako.

Sa dinami-dami ng pwedebg kaibignin ko, ito pang fighter. Ito pa na ang hilig manggulo.

Pero sa kabila ng lahat ng yun, mahal ko siya bilang kapatid.

"Faye?"

"Oh?" -Faye

"Mag-usap muna tayo, sandali lang." -Ako

"Kas, sandali lang." Tsaka niya pinat yung ulo ni Andy at sinabihan si Neik na siya muna yung bahala.

Tumayo na siya at pumunta kami sa isang sulok.

"Faye nagui-guilty na ako." -Ako

"Ikaw naman kasi eh, bakit ka ba kasi naniwala kay Cheska na nilalandi ko si Ice? Alam mo naman na hindi ko magagawa yun." -Faye

Napabuntong-hininga ako. "Inunahan ako ng pagiging selosa ko, pati na rin ng galit ko."

Nakatingin siya ng diretso sa sahig, nung sinabi niya sakin nun hindi siya nakatingin sakin.

"Faye sorry."

Hindi siya sumagot.

"Faye sorry na." Pinipigilan kong umagos yung luha ko.

"Okay na sakin yun, basta hindi na sana mauulit." Mahina niyang sabi.

Napayuko ako at naramdaman kong tumulo yung luha ko.

"Okay na sakin," at napa-angat yung ulo ko sa narinig ko nakatingin na siya nung sabihin niya sakin yun, salamat naman.

A small smile formed upon my lips.

Pero agad din namang nawala yun.

"Ewan ko lang sa kanya." Sabay turo kay Andy.

Yumuko ako ulit.

"Kaya mo yan. Puntahan na natin." Hinila niya ako para tumayo at pinuntahan namin si Andy.

They were currently making Andy smile, pero waepek. Tinabihan ko si Andy.

"Pid?"

"Bakit ka nandito?" She coldly asked me.

Napalunok ako at napatingin kay Faye.

'Hindi ko kaya to' -Ako

'Kaya mo yan. Tiwala lang.' -Faye

Napatango kaming dalawa ni Faye.

"Pid," huminga ako ng malalim. "Hindi na yun mauulit. Sorry. Sorry dahil nagpa-uto ako. Sorry dahil bobo ako. Sorry sa lahat. Pid ayokong masira yung friendship natin, ayokong masira tayo.

"Pid nadala lang ako sa selos at sa galit ko. Pid hindi ko yun ginusto, I'm sorry. Hindi na talaga yun mauulit."

Silence. Hindi parin nakatingin si Andy sakin.

Ramdam ko yung pagtulo ng mga luha ko. "Pid."

"Sa dinami-dami ng pinagdaanan natin, ngayon pa ba tayo bibitaw?"

TrochaicWhere stories live. Discover now