Trochaic3~Paired Up

108 6 0
                                    

Autumn's POV

Langya yung dalawang yun. Iniwan akong mag-isa. Buset lang. Humanda si Andy pag bumalik sya rito.

Hiiiiiii!!!!! Autumn Leaves nga pala. Tom nalang para mas madali. Kapid ni Andy. Well actually hindi naman talaga as in biological twin, tawagan lang namin yun.

Matulungin, masayahin, mabait, medjo mahilig manakit, matalino, bipolar. Pfffffffttttt.

Yep. *le bows*

Siguro hindi nagpapakilala si Andy, no? Ge leave it to me.

Andy Lim. Grade 9.

Ang galing sumayaw, kumanta, magsulat ng essays and other literary stuff.

Mabait, medjo mahilig ding manakit (kaya nga nagkakasundo kami), matulungin, bipolar (see?) tsaka masayahin.

Pero ako lang minsan ang nakakakita ng lungkot sa kanyang mga mata sa kabila ng kasiyahan na dinaranas niya.

Hay ano kaya problema nun. Bakit pinatawag. Alam mo yung mini heart attack kapag may nagsabi sa yo na kailangan nyong mag-usap?

Tae lang.

Si Andy kase, medjo bigo pa. Nagbreak kasi sila nung lalaki nung June. Oo angtagal na, kaso pag name-mention yung pangalan ng guy eh, kala mo sinabugan siya ng piccolo.

Ilang beses na akong nagmisa sa kanya tungkol sa kung paano siya magmove-on, eh parang wala lang sa kanya.

Moving on doesn't mean forgetting all those things. It means you just have to accept what happend and continue living.

Tae lang. Humugot na ako.

"Hay tae bahala nga siya. Kanya na yun. Siya mag-aasikaso nun." Eto na, kinakausap ko na yung sarili ko.

Ganyan kasi ako minsan, pag may problema eh kinakausap ko yung sarili ko.

Umaandar yung pagiging selfish ko kasi hindi lang siya yung kailangan kong tulungan.

Kailangan ko ring tulungan yung sarili ko.

May misunderstanding kasi kami ni Ice, nakakainis lang. Ilang beses na kaming ganito.

Parang nahihiya na akong magsabi kina Andy na may misunderstanding kami ulet kasi parang nagsasawa na sila eh.

Ayoko namang maubos yung pasensya nila dahil lang saken. Kaya kailangang ako nalang yung maghanap ng solusyon para sa problema ko.

Hay. Makapag check na nga lang ng testpapers sa English. Nakakasawa minsan na pinag-uusapan yung mga problema.

"1 c, 2 k, 3 g, 4 b, 5 a, 6 d, 7 e, 8 f, 9 h, 10 i." Natapos ko rin i-check yung test A.

*flip page*

Sisimulan ko na sanang wastuhin yung test B ng biglang bumukas yung pinto.

Si Andy na ata.

BOOM.

Ginulat ako dahil sa lakas ng pag-bang ng pinto. Badtrip naman ata tong isa eh.

Hindi lang ata, badtrip na badtrip na to.

Hindi sya umimik. Bagkus ay umupo siya sa tabi ko.

"Oi." Tinusok ko yung tagiliran niya.

"Umayos ka."

"Anyare Pid?" Tinusok ko ulet yung tagiliran niya.

She swatted my hand away. "Umayos ka sabi eh." Saka inirapan ako.

"Anyare? Bakit ka daw pinatawag?" Tanong ko sa kanya.

Katahimikan.

"Stuy. Sagutin mo naman ako."

Bumuntong-hininga sya. "Wala." Tipid niyang sagot.

"Talaga? Sabihin mo na." Pagpipilit ko.

"Wala nga."

"Sabihin mo kase."

"Wala nga eh. Ang kulit mo." Sabay tingin saken ng masakit.

"Sabihi----"

"Manahimik ka sabi eh! Wala nga!"

Hala.

Hala mo Autumn. Nasigawan ka tuloy.

Ang kulit mo kasi eh! Yan tuloy.

"Sorry Pid."

"Ha? Ah. Hindeeee. Okay lang. Ako naman kasi yung makulit. So ako dapat yung hihingi ng sorry." Paghihingi ko ng tawad.

"Eh ang kulit mo eh."

"Talaga. Sabihin mo na kase." Pagpipilit ko ulet.

Bumuntong-hininga sya muna. Mukhang mahirap to ah.

"Magkasana kami sa isang video project. Deadline is next month." Tsaka pumikit sya at mukhang gustong-gusto na niyang mamatay ng tao.

"TEKA. SI----"

"Wag mo nang sabihin. Oo. Magkasama kami." Pag-aamin niya.

Napaface-palm ako. "Tae. Pano yan?"

She gave me a confusing look. "Pano ang alin?"

"Move on. Eh magkasama kayo sa project na yan. Tsaka bakit 2nd year at 3rd?" Buset lang dre.

Kung kelan ka magmo-move on dun pa gaganda ang lahat.

"Ewan. Tulungan mo nalang ako dito. Tsaka akyat na tayo. May presentation pa tayo." Pagmamadali niyang sinabi saken.

Hay namaaaaaaaaaan.

TrochaicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon