Trochaic33~ Destiny?!

80 2 0
                                    

Faye's POV

Siguro alam niyo naman kung baket medjo dumidistansya kami kay Andy.

Eh pano kase nagpaplano kami na itigil na yung kalokohang gagawin ng dalawang ugok na yun.

"Hoy! Faye. Ano ba?! Tulala kana naman diyan." Sigaw ni Autumn sabay hampas ng libro sa ulo ko.

"Ano ba! Sakit nun ha. Pag ako naka higanti sayo patay ka talaga."

"Eto naman. Harsh na harsh. I love you Poch." Sabay wink saken. Haaay yan na naman pa cute na namaaaaaan.

Haaay buhay, alam mo yun, yung feeling na lumulutang ka sa ere. Ewan ko. Di alam kung anong gagawin ko kay Andy.

Pasabugan kaya namin yun ng bomba, baka sakaling matauhan.

"Uy seryoso. Ayos ka lang ba?" Tanong ni Tom saken.

Ah ayos na ayos ako Tom! Can you see my happy face?! Litse.

Tulala nga eh! Naknanglitsugas naman.

"Hinde. Natural. Dami kong problema."

"Tssssss. Paki enumerate." Sabi niya na naka-straight face.

Napabuntong-hininga ako.

Si Van, yung relasyon namin.

Si Andy, kung ano yung gagawin ko.

Oo dalawang dahilan lang pero pakiramdam ko ang dami ko nang kailangang ayusin.

*Flashback*

"Ayokong nakikipagkita ka sa Van na yan. Kung talagang mahal ka niya, yung future niya yung iisipin at uunahin niya Faye!"

Sinigawan ako ni mama.

Hindi ko na napigilang umiyak sa harapan niya.

"Pero Ma naman. Alam niyo kung ano yung nararamdaman ko." Sabi ko sa kanya.

Eh baket ba kasi?! Ano na naman yung mali sa samin ha?! Wala naman ah!

Napabuntong-hininga si mama. "Mga kabataan kasi ngayon, kung umibig hindi umiisip. Kaya yung resulta palaging mali."

Tumahimik ako.

"Hindi ganon Ma." Mahina kong sabi sa kanya.

"Anong hindi Faye ha?!" Napa-singhal si mama.

"Natatakot kasi ako sa gagawin mo samin." Wala na. Umaagos na yung luha ko.

"Talaga lang Faye. Kailangan mong ihinto yung mga kalokohang ginagawa mo."

Ano?! Ihinto?!

"Hindi ko kaya Ma." Gusto kong sumigaw dahil sa inis pero hindi ko magawa.

"Hindi ko kaya." Yun na lang yung mga salitang lumalabas sa bibig ko habang nakayuko ako.

Hinayaan kong tumulo yung mga luha ko.

Baket ganon? Ang sakit.

"Faye. Kung talagang para kayo sa isa't isa, kayo talaga. Pero kung hindi, wag mong ipilit."

"Ma naman eh!" Napasigaw na ako. "Pano kung hindi talaga kami?! Ano titingala nalang ba ako?! Ma sana naman ito nalang yung ipagkatiwala niyo saken. Lahat lang sana hingin niyo wag lang to."

I pleaded. Pero parang hindi gumana.

"Faye. Tigilan mo yung kaartehan mo."

"Ma anong kaartehan?! Hindi ako aarte sa harapan mo kung sasang-ayon ako sa gusto mo."

Mahal ko si Van.

"Faye. Susundin mo ang gusto ko o sasabihin ko sa papa mo ang lahat."

Litsugas!

"Nakuha mo pa akong idaan sa bribe na yan?! Ma naman tigil---"

"FAYE RERO ITITIGIL MO YUNG RELASYON NINYO SA AYAW AT SA GUSTO MO!"

I froze---litterally.

Matamlay akong pumasok sa kwarto ko at kinuha si Stitch.

"Stitch? Ayoko na."

He was just staring me, expression blank.

I just need someone to hold on and someone to hug.

°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|

Helloooooowww!!

Thank you sa 700+ reads!!! ^_^

Vote and comment please.

Thank youuuuuu. =)

Just Keep Smiling. =)

~htelahs88

TrochaicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon