Trochaic27~ ANOTHER Fight

42 2 0
                                    

Andy's POV

Ay hindi ako nagbibiro.

Once I said it, I said it. Hindi ko na babawiin yun.

Habang nanonood kami ng movie, panay yung text ni Faye. Di ko alam kung sino nga eh. Pero hayaan ko nalang siguro.

Medjo malapit na din matapos yung movie nang magsalita si Faye.

"Kasama niya si Mark. Huwag ko daw sabihin sa inyo."

Ha! Take that.

Sabi ko na nga diba? Tssssssssss.

"Oh. Asan na yung libre ko?" Sabi ko sa kanila.

Natahimik sila. Si Faye lang yung patuloy na nagsalita. "Baka kasi daw magalit kayo sa kanya."

Napa-singhal ako ng mahina. "Pano ako di magagalit eh mas inuuna pa niya yung lalaking ayaw na sa kanya ha?! Ano to lokohan lang?!"

Halos tingnan ako ng mga tao na nasa loob ng sinehan.

"Hinaan mo lang kasi yung boses mo Pid. We're creating a show here." Sabi ni Tom. Anong creating a show yung pinagsasalita mo?!

"Wala akong pake! Nasan ba yung operator ng pelikulang to ha? Mapuntahan nga't sabihan na bilisan yung palabas na to! Litse." Naiinis na ako!

"Kas." Ano naman ba?! "Wag mo naman sanang bulyawan si Neik mamaya. Kawawa naman siya. Nasasaktan na nga siya tapos sasaktan parin natin." Sabi ni Faye.

Teka lang.

Sinabihan ko si Raye na magpalit sila ng upuan ni Faye. Kaya yung seating arrangement namin ngayon from left to right is Tom, Ako, Faye, Raye, Ari.

Halos sumabog na ako sa inis. "Kas kasalanan niya yun. Alam na nga niya na ayaw na nung lalaki sa kanya eh nagpapakatanga pa siya. Kung lalapit siya kay Mark pinapansin siya. Pero kung siya? Nagpapapansin pa! Litse kapag pinansin na nung lalaki tinataboy naman! Edi siya na!"

"Kas wag namang ganyan." She almost pleaded.

"Anong wag kas? Naiinis na ako sa kanya. Tapos yung pagiging best actress niya? Litse she deserves an award! Tapos kung magkakaroon tayo ng open forum umaayaw siya? Wow kaya nga nag-open forum para malaman yung mga mali mo na mismo yung kaibigan mo pa yung nagsabi sa yo!" Litse lang!

"Pid. Kalma lang." Paano ako kakalma?! Una kay Faye tapos eto naman?! Sumosobra naman ata sila!

"Ge." Nawalan ako ng gana na manood ng sine kaya kinuha ko nalang yung earphones ko at yung phone ko.

"For now." Nakinig na lang ako sa music.

***

Hindi ako kinakabahan.

Wala akong pake kung magagalit siya saken o habambuhay niya akong hindi papansinin.

Para sa kanya to. Para matigil na yung katangahan niya.

"Asan daw siya?" Tanong ko kay Faye.

"Nasa labas kas." Tapos na rin sa wakas yung movie.

Sabi nila gawin ko daw sa mas private na lugar. Kaya anong ginawa ko?

Bumalik kami sa skwelahan (Hindi naman sila nagreklamo) at napag-isipan kong sa kwarto namin gawin yun.

At sinabi kong wag isama si Mark.

"Naiinis na ako sa kanya. Kinikimkim ko lang to. Kelangan nyo siyang tulungan." Sabi ko. Bahala na. Sinabi ko diba? Pag galit ako? Galit ako.

"Tsss. Sinabi mo pa." -Tom

"Kas. Sana alam mo yung ginagawa mo." Ay nako kas. Alam ko to.

"Kas. Alam ko. Para sa kanya to. It's for her good." At pagkatapos kong sabihin yun dumating na siya sa kwarto.

Halos mangiyak-iyak siyang humarap samen. Nakaupo lang kami na naka circle yung chairs. (Gets? ^_^ Haha.)

"Anong problema mo ha?" Tanong niya agad saken.

"May pag-uusapan tayong importante." Diniinan ko yung importante. Eh importante naman talaga eh.

"Sabihin mo na." Ah talaga? Okay.

"Tungkol sa yo, Neik." Napa-angat yung ulo niya.

Tiningnan niya akong muli.

"At tungkol din sa katangahan mo."

°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|°|

Well that was one harsh chapter. O_O

Vote and comment!

Thank youuuuuu!

Just Keep Smiling. =)

~htelahs88

TrochaicWhere stories live. Discover now