Trochaic22~ Breakdown

43 2 0
                                    

Autumn's POV

Eto na naman sila. Ayokong nag-aaway sila sa harapan ng buong grupo na to. Hindi maganda. Baka yan pa yung makasira pa lalo sa grupo.

"Pid. Tama na. Nakikinig sila sa labas." Pinapakalma ko tong Kapid kong napaka-initin yung ulo.

"Ako?! Kakalma?! Pid hindi ako kakalma kung kaibigan na yung pinag-uusapan." She said with sa very dangerous tone. Mukhang sasabog na ata to.

Nananahimik na lang si Faye.

"Okay. Possessive na kung possessive pero ayoko sa lahat yung wala nang atensyon sa kaibigan yung isa sa atin sa grupo."

"Hindi naman masisira yung grupo na to ah." Salita ko. Agad namang tumingin si Andy sa direksyon ko. Ganon din si Faye.

"Pero papayag kayo na nag-aaway tayo dahil lang sa ganito? Nagtatampuhan tayo dahil lang sa ganito? Iniiwan natin yung isa satin sa ere dahil lang sa ganito?!" Hindi pa siya sumasabog.

Malapit na.

"Kas. Hindi mangyayari yun. Masyado ka lang praning." Tsaka nag-shrug si Faye.

"Tsssss. Ako?! Praning? Kelan lang? Napa-praning ako dahil ayoko ngang masira tong gr---"

"Wala ka nang ibang dahilan?!" Sigaw ni Faye. "Puro nalang grupo grupo grupo. Dahilan ka naman ng iba dyan."

Umiinit na yung ulo ni Andy. "Kas. Gusto mo talaga makarinig galing saken?"

Tumango si Faye. "Labas mo lahat."

"NAIINIS AKO!!!! Naiinis ako sa inyong lahat dahil may kanya-kanyang lovelife kayo." Teka, mali to ah.

Bigla siyang napaupo sa sahig.

Breakdown?

Ngayon lang siya nagmukhang ganyan ah.

Nilapitan siya naming lahat. Nung malapit na kami sa kanya, nakarinig kami ng *sniff* *sniff* (wala na akong maisip) galing sa kanya.

"Kas. Tahan na. Andyan si Nate oh." Sabi ni Faye. Eh andyan naman si Nate ah, tama si Faye.

"Okay. OA na kung OA. Pero sa tuwing magsasalita kayo tungkol kay Nate bumabalik lahat saken yung nangyari noong Christmas Break. Hindi yung ngayon." Tsaka siya umiyak ng mahina.

Ansaklap naman.

"Minsan iniisip ko nga kung totoo to, kase natatandaan niyo diba?" Tumingin siya saming anim, namumula na siya sa kaiiyak. "Parang sinakyan ko siya sa trip niya. 1 week lang, pagkatapos umayaw na. Okay ba yun? Kas akala ko ba hindi nawawala yun?" Tapos yumuko siya at parang tumutulo yung luha niya.

"Pid. Tahan na." I tried to comfort her. Pero parang waepek lang.

"Kas." Ayan na. Sermon na to. "Kas oo hindi siya madaling mawala. Pero kapag ayaw na nung tao, ayaw na niya."

"So." Pinunas niya yung luha niya. "Ibig sabihin trip niya lang yun? Araw araw kami nagte-text tapos wala lang yun kas? Nag I like you also na nga eh! Tapos wala lang pala lahat!!" Humagulgol na siya.

Eh! Pid tama na nga! Ako yung iiyak sa yo eh!

"Sssssshhh. Umamin naman siya sa yo diba?" Tanong ni Faye.

Tumingin kami sa kanya.

"Pero pano ako nakasisigurong hindi niya ulit gagawin yun kas?"

Tama nga naman.

HAY BUSET. Kelangang itigil na to.

"Oi." Ako yung nagsalita. "Tama na yan. Libra kita. KFC tayo. Flavored shots. Tsaka mashed potato. Tayo na."

Tiningnan niya ako.

*sniff* "Talaga? Di biro?"

"Edi wag nalang." Tsaka ako tumayo at lumakad papalayo sa tumpok.

Narinig kong nakawala siya sa yakap nila dahil nakaramdam akong may tumusok sa tagiliran ko.

"Uy Pid." Nag-pout yung letseng dancer.

"Ano?" Masungit kong tanong sa kanya. Pinipigilan ko yung sarili ko na tumawa ng malakas. Ayoko pang masira yung pag-tripping ko sa kanya.

Ngumiti sya at pumunta sa upuan kung saan nakabukas yung zipper ng bag niya. "Libre. Aayusin ko lang yung gamit ko."

TrochaicWhere stories live. Discover now