Trochaic28~ Done

50 2 0
                                    

Andy's POV

"Ano ba kase yung problema mo ha Andy?! Baket ako yung tinitira mo?!" Pasigaw na sabi ni Neik.

"Hindi ka ba naiinis? Ikaw na yung nasasaktan oh." Sabi ko sa kanya.

"Wala kang pakialam dun." Inirapan niya ako at nabaling yung tingin niya sa sahig.

"Neik anong wala?! Kaibigan mo ako at kailangan mo na ng tulong, alam mo kung baket? Sumosobra ka na kase Neik!" Sigaw ko.

Eh talaga naman eh!

Walang umimik sa kanilang apat. Pag may masabi akong hindi maganda, dun na sila susulpot.

"Ano ba naman kase yung ginawa kong mali ha?! Ako nalang palagi!" Mangiyak-iyak niyang sabi saken.

"Neik! Ang OA mo na! Sobra! Kelangan mo ba talagang magpapansin para lang maalagaan ka niya?! Ano ba Neik stop this sh*t already! Pagod na kaming magpaalala sa yo na kapag ayaw niya di wag! Wag mong ipilit yung sarili mo sa taong ayaw na sa yo!"

"Baket?! Masama bang umasa ha Andy?! Umaasa ka din naman ah!" Sabi niya.

Napabuntong-hininga ako. Haruuuuujusko. "Oo Neik. Umaasa ako. Ganon din sila." Tinuro ko silang apat. "Pero napapagod din kami Neik. Hindi ka ba napapagod ha? Ayaw na niya oh! Wag mo nang ipilit!"

"Mahal ko siya!" Sigaw niya.

Wow ha?

"Mahal ka ba niya?" Pabalik kong tanong sa kanya.

Para naman sa kanya to, kaya ko to ginagawa. Ayokong nakikitang siyang nasasaktan.

Pero minsan nakakainis lang kasi parang pinagbabawalan niya si Mark sa lahat ng gusto ni Mark. Kaya ayun. Wala na.

Siya lang tong habol ng habol pa kay Mark.

"Oo!"

Ay. Fighter!

"Eh kung mahal ka niya baket niya tinigil kung anong meron kayo?"

"Pid. Tama na." Pabulong na sabi ni Tom.

"Wala ka ngang pakialam!" Sigaw ni Neik.

"Neik! Kung wala akong pakialam sa yo edi sana hinayaan kitang masaktan pa dun sa lalaking yun oh! Sentido common naman diyan!"

"Baket mo to ginagawa?" Tuluyan na siyang umiyak.

Nilapitan ko siya and I rubbed her back gently. "Dahil kaibigan mo ako."

Hinampas niya yung braso ko. Aray shet ansaket lang. Pero tatanggapin ko. "Kaibigan?! Baket mo pinapamukha saken na ganyan ako ka-bobo pagdating sa pag-ibig?! Ganyan ba dapat yung ginagawa ng kaibigan ha?!" Hindi naman masyado Neik.

"Teka. Uunahin mo pa ba yung pag-ibig na yan kesa sa kaibigan? Sabi ko diba? Nandiyan yung kaibigan pag nawala yung lalaki. Pero kapag kaibigan yung nawala at kapag dadating yung time na mawawala yung lalaki, wala na." Nagkibit-balikat ako.

Pinaupo ko si Neik sa sahig at tsaka sinabihan ko yung apat na tabihan kami. "Kaya ko to ginawa dahil ayoko nang makita na nasasaktan ka na. Ayoko nang makita na ganyan ka. Tsaka hindi ko gusto na dinadahilan mo yung kalusugan mo para lang makita siya." Pagsermon ko sa kanya.

Oy kahit andaaaaaaaaaaaaaaame na naming nagawang open forums mahal ko parin yung mga mokong na to.

"Eh baket mo ako pinaiyak?" Ay letse.

Napatawa ako ng mahina. "Yun yung totoo. Gusto kong ibahin mo na yung pananaw mo sa love na yan. Tama sila eh. Pag tayo mainlab wala na tayong nagagawang matino. Halos lahat mali."

Tumango siya. "Ano pa ba yung ayaw mo saken?"

Napabuntong-hininga ako. "Yung M.U at Bestfriends. Ano ba talaga kayo ha?"

Nanigas siya.

Sus napagdaan ko rin yan! Nung kami pa ni Aus? Tssssss.

Tiningnan niya ako. Tsaka nagbuntong-hininga din siya. "Sabi niya bestfriends nalang kami. Pero ako yung nagsabi na M.U kami."

Tsk tsk tsk. "Yun naman pala eh. Sa susunod wag nang ipilit kung ayaw mong masaktan si heart ha?" Tinusok ko yung tagiliran niya.

Napangiti naman kaming anim.

"Oo na." Napatawa siya ng mahina. "Baket ang bilis kong mapatawa no?" Tanong niya.

"Ewan. Baliw ka eh."

TrochaicWhere stories live. Discover now