➳ inncnt_161

28 0 0
                                    

sebastian's pov

"oh? bakit ka ngumingiti diyan?" tanong niya sa akin. nagsusungit pa din.

normal lang bang kiligin na narinig ko yun galing sa kanya?! peste, nagmumukha akong bakla dito. ang lawak-lawak pa ng ngiti ko. basta, ang alam ko.. ang saya ko lang.

"wala lang.. hindi ko inaakala na may nagmamahal pala sa'kin." natatawang sambit ko sa kanya.

"bakit ka natatawa? mukha ba akong nagbibiro? seryoso ako dun!" sigaw niya naman sa akin.

"mahal mo talaga ako?" nakangiting tanong ko sa kanya. bumalik na naman siya sa pagkailang. hahaha, cute niya naman. :>

"oo nga! ang kulit?!"

"if you love me, why you're avoiding me?" tanong ko sa kanya.

"kasi gusto kong umiwas sa'yo kahit ayaw ko. ayaw ko lang talaga ng gulo. ayaw mo pa ba yun? iniiwasan kita? tsaka isa pa.. kayo naman talaga ni lorraine ang sa isa't isa. magiging close pa nga kayo ni lorraine eh, hehe."

ayoko na talaga. ><

"tulad nga nung sinasabi ko, mas maganda naman talaga yun sa'kin. i did not lie, sa kanya ka talaga papatol tsaka huy, future wife mo na din. yieeeee! kaya nga iniiwasan na kita para makamove on ako kaagad hahahaha! stay strong ha? support kita!" mukhang sarcastic pa yung pagkasalita niya at talagang kanina ko pa pinipigilan yung tawa ko.

nagulat naman ako nung bigla siyang tumayo, "tsaka alam ko naman na di mo'ko mahal. malabo naman yun. kaya nga iniiwasan na kita para sainyo ni lorraine. peste.. ganda ko tapos nagseselos ako sa inyong dalawa." natawa pa siya.

"tanggap ko naman na di tayo para sa isa't isa tsaka di moko mahal. peste, lahat kasi ng mga sinasabi mo sa akin binibigyan ko ng sariling meaning kahit biro pa yun. naramdaman ko pa 'to. kaya hayaan mo nalang ako, move on nalang ako. i know na.. para ka naman talaga kay lorraine eh." HAHAHAHAHAHAHA!

"di naman kita sinisisi at hindi mo sinasabi na maawa ka sakin. kasalanan ko naman na nahulog ako sa'yo." nakangiting sambit niya sa'kin. "bagay kayong dalawa ni lorraine. alagaan mo yunh future wife mo ha? sana malinaw na lahat sa'yo. wag mo na akong isipin. sige.. alis na ako."

bago pa siya makatakas sa akin, mabilis kong hinila yung kamay niya paupo ulit sa damuhan. nabigla naman siya sa ginawa ko. seryoso ko siyang tinignan. pero maya-maya, hindi ko mapigilan na matawa. naaalala ko kasi yung mga pinagsasabi niya bago lang.

"anong nakakatawa?!" naiinis niyang tanong sa akin, "mukha ba akong nakikipagbiruan?!"

"wala mace! HAHAHAHA! kanina ko pa talaga pinipigilan yung tawa ko! nakakatawa ka naman talaga!" natatawa kong sambit at hindi ko mapigilan na mapahiga dito sa damuhan.

bakit ba? mukha siyang sad girl eh.

"ah ganon? sige. matawa ka diyan ha? iwan na kita." paalam niya.. mabilis naman akong bumangon ngunit natatawa pa din ako.

"huy.. wag!" pigil ko sa kanya at natatawa pa din ako. potek, sasakit yata tiyan ko neto. >< hirap na huminga ha. mace kasi! HAHAHAHA!

"bakit mo ako iiwan? di'ba mahal mo ako?" tanong ko sa kanya at ningitian ko siya. mukha naman siyang natigilan sa sinabi ko. ayos na ba magyabang? >< jk. eh mahal niya naman talaga ako eh.

"oo nga. pero bakit mo ako pinipigilan?magiging close na kayo ni lorraine." sabi niya sa dahilan na natatawa na naman ako. potek, alam kong matatawa din si lorraine pag marinig niya yan mismo kay mace.

"alam mo, mace? pwede bang pagsalitain mo muna ako at makinig ka sa akin? nakakatawa yang mga pinagsasabi mo eh." natatawa kong sambit sa kanya.

"bakit ba nakakatawa? sabihin mo sa'kin!" pilit niya sa'kin.

umayos ako sa pag-upo at huminga ako ng malalim, "ganito.. mace. Bakit mo naman kasi sineryoso yun? biro ko lang nga yun sa kanya. masyado ka namang nagmumukhang bitter. kaibigan ko lang si lorraine at tsaka alam niya din na joke lang yun."

"bakit kasi sa lahat ng jokes na pwedeng sabihin.. eh yun pa? kapal ko, pero naisip ko na pinamukha mong mas better si lorraine kaysa sa akin." tanong niya sa'kin.

"nasabi ko yun kasi pinapaselos kita nun." sabi ko sa dahilan na natigilan siya.

hala! >< ayan, nadulas na ako ng tuluyan. nasabi ko na tuloy sa kanya.

"pinaselos mo ako?" tanong niya.

wala akong magawa kundi tumango at ningitian ko siya, "oo.. hindi ko nga din alam kung bakit. pero nagseselos ka naman talaga kasi.. hehe. mahal mo ako." natatawa kong sambit sa kanya at bigla niya naman akong binatukan.

"che! wag ka ngang magyabang diyan!" sigaw niya sa akin.

"pero seryoso mace, wag mo nga akong iwasan. ikaw lang nag-iisip na totoo yung mga pinagsasabi mo. totoo nga yung sinasabi mo, nilalagyan mo ng meaning yung mga salita kahit biro lang." sabi ko sa kanya. "pero kahit anong sabihin mo, hanggang 'friends' lang kami ni lorraine."

"tsaka magmomove on ka na kaagad kasi hindi kita mahal? kasi malabo yun? you know mace, we're friends for long time but i don't know that you don't have trust in me." sabi ko at natawa pa ako.

"wag ka munang magmove on. hintayin mo ako. hindi naman ako madamot na.. suklian ka eh." nakangiting sambit ko sa kanya. hindi pa din siya makapagsalita, natigilan na naman siguro. :> "may tiwala ka naman sa akin, di'ba?"

"ano--"

"handa akong magmahal ulit. handa kitang mahalin ng pabalik. willing mo akong hintayin o magmomove on ka kaagad?" nakangiting tanong ko sa kanya. hininintay ko yung sagot niya.

kaso.. hindi niya ako sinagot. ><

natawa naman ako, "pwede mo lagyan ng meaning yan kasi hindi naman yan joke o ano. basta.. wag mo na akong iwasan. seryoso ako sa mga sinasabi ko." sabi ko sa kanya.

"balik na ako sa room. malalate na ako. wag mo na akong iwasan ha?" tanong ko sa kanyang nakangiti. yung resulta parang kinakausap ko lang yung sarili ko.

huminga ako ng malalim, "bye." sabi ko at lumapit ako sa kanya. kiniss ko siya sa kanyang pisngi. ngayon, para na siyang estatwa. ><

ningitian ko lang siya at tumayo na ako. iniwan ko siyang natigilan doon sa science garden. malapit na time namin eh. >< baka malate pa ako. pero seryoso ako sa mga sinasabi ko kanina.

kinikilig nga ako kapag naaalala kong mahal niya talaga ako. :> bakit ba? hindi naman yun bawal.

napangiti naman ako bigla nung naalala ko naman siya. potek, bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko. >< lalo na yung naalala kong hinalikan ko siya kanina sa pisngi. >< ano bang nakain ko? ><

sa totoo lang, ayaw kong nakikitang nahihirapan siya sa akin. balak nga akong iwasan at magmomove on 'daw' siya. >< hindi naman ako napipilitan na mahalin siya pabalik.

gusto ko nga eh. :>

ah, basta. nararamdaman kong unti-unti na napapalapit yung loob ko sa kanya. hindi naman siya mahirap mahalin. minahal ko siya.. as a friend, syempre.

pero sana hintayin niya pa din ako.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now