➳ inncnt_178

26 0 0
                                    


yesha's pov

saturday ngayon. pero nandito kami sa school. for the last time on this school year, mag-general cleaning daw kami. tapos para na daw makatulong kami mag-arrange sa location kung saan magaganap ang graduation nina jaxvier sa monday which is on our big gymnasium.

pero hindi kami na-assign doon. na-aasigned kami dito sa field. kaya yes, hindi ko pa siya nakikita this day. busy din yun kakapractice nila for their graduation. pero okay lang, we're talking naman tru chat.

tsaka luckily, kasama ko ang mga friends ko na.. i guess, magjojowa din soon. si sebastian at mace. and they're looking good naman. mukhang bumalik na sila sa normal nilang friendship.

kakatapos lang namin mag-linis sa area namin at nagpapahinga lang naman kami dito.

"ang bilis 'no? parang kailan lang talaga. si jax, gragraduate na bilang senior high student. tapos tayo, gragraduate na din as junior high student. magiging senior high student na tayo." kwento ni sebee at napatango naman kami doon.

"oo nga eh, grabe 'no? mukhang wala akong natutunan this school year 'eh." natatawang sambit ni mace at napatawa din kami ni sebee doon.

"ikaw talaga, ang importante makakagraduate tayo." sabi ko sa kanya.

"oo nga, grades doesn't matter naman sa future natin eh." pagsasang-ayon ni sebee.

"pinagsasabi mong grades doesn't matter? wag mo akong lokohin. ang tataas ng grades mo." sabi ni mace. sus, sa totoo lang. kaya nga siya highest honor sa amin.

"oo nga. pero yung sinasabi ko, kahit gaano pa kataas yung grade natin.. nasa diskarte pa din natin yan nakadepende." sabi ni sebee.

"oo nalang, good luck nalang sa atin sa next school year. sana di pa tayo mamatay." natatawang sambit ni mace. baliw talaga neto.

"bunganga mo talaga. ang pangit pakinggan." saway sa kanya ni sebee. mukhang jowa niya. yiiieeee.

"bwiset kasi, nakakapressure kaya mag-aral. who imbento the aral-aral thing ba? especially that math subject. pero bahala na.. sa'kin nakadepende future ko, kahit tamad ako gusto ko grumaduate." sabi ni mace.

napatango naman ako, "tama ka diyan. kaya mo yan." nakangiting sambit ko sa kanya.

"sana nga captain. ikaw din. safe na future mo. may future archi ka eh." sabi ni mace. nang dahil sa sinabi niya, napatingin naman ako kay sebee na natahimik din sa sinabi ni mace.

tapos nakita ko lang na napangiti si sebee kay mace, "siya may future archi, ikaw may future engineer. hindi tayo sure kung tayo na nga dalawa. hindi natin mahuhulaan. pero pilitin natin. kasi gusto ko ikaw nalang talaga kahit di ko pa nararamdaman yung nararamdaman mo."

legit. legit yung maingay na katahimikan. wala akong maisabi dito. pati na din 'tong dalawa. mukhang seryoso si sebee sa sinabi niya kay mace. tapos syempre, mas tinamaan si mace. tsaka ansabe niya?! kinikilig ako for her! omg talaga! secured na future niya!

tsaka napapangiti naman dito si mace at tsaka namumula siya ngayon. kinikilig siya :> "ang sarap naman pakinggan yan, baste. ang sobrang sarap marinig galing sa'yo. ang sarap sa tenga. gago ka ba? alam mo bang kinikilig ako? gusto ko din yang mga pinagsasabi mo."

"tsaka lagi mong sinasabi sa'kin yan. pero matanong nga kita, may nadedevelop ka bang feelings sa'kin kahit konti lang? one percent, ganon?" biglaang tanong sa kanya ni mace. we're here, waiting for his answer. mukhang wala pa siyang sagot, busy kakatitig kay mace eh.

"hindi ko sasabihin sa'yo ngayon. sasabibin ko mismo kaagad sa'yo pag.. mahal na talaga kita. but you're starting making me feel those.. sparks." sagot niya habang nakatitig sa mata ni mace.

gusto kong magwala sa kilig dito ngayon. feel ko third wheeler ako dito ngayon. omg talaga. >< kwekwento ko talaga 'to mamaya kay jaxvier. makikilig din yun! parehas naming ship sina mace at baste eh.

walang nasabi si mace. tsaka sinuklian niya lang ng ngiti si sebee. tsaka ganon din si sebee, ningitian niya din si mace. huminga ako ng malalim, makapagsalita nga. HAHAHA!

"maganda ang chemistry niyong dalawa. for me, you're perfect for each other. yung vibes niyo, kung magkasama kayo.. ang sarap sa mata tignan. so, sana nga kayo nalang 'no? manifesting!" proud kong sabi sa kanila. tapos wala naman silang naisabi at napangiti lang naman sila. wag niyong sabihin na awkward na naman sila dahil sa pinag-usapan nila bago lang. ><

"guys, it's already recess time na natin. sabay na tayo? baka may tatapusin pa tayo mamaya. wala na din dito yung ibang kasama natin." aya ko sa kanila at napatango lang naman sila.

"tara na." nakangiting sambit ni mace. sino ba naman hindi ngingiti sa sinabi ni sebee bago lang?

tsaka sabay naman kaming tatlo papunta sa canteen. kinuha ko naman yung phone ko. tama-tama namang nagchat sa akin si jaxvier. napangiti naman ako bigla doon.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now