➳ inncnt_52

50 2 0
                                    


yesha's pov

"okay, last practice!" sigaw ng aming coach dito. nung narinig ko yun, huminga nalang ako ng malalim.

pero napapatingin ako dito sa paligid. hinahanap ko si jax. napabusangot naman ako nung nakita kong wala siya. patapos na yung training namin pero wala pa din siya. hmp, sabi niya maaga niya akong pupuntahan dito.

"ma'am, what time na?" dinig kong tanong ng kasama ko.

"it's already 5:25 P.M." sagot naman ng coach namin.

napatingin nalang ako dito sa paligid namin. marami pa naman akong nakikitang mga senior high students. baka nga, nandoon pa si jax sa kanilang room. minsan kasi parang kasabay na yung uwian nila sa uwian din namin.

tsaka isa pa, pinangako niya yun sakin. hihintayin ko nalang siya dito mamaya. hehehe.

"okay, for the last practice captain yesha.. serve the ball!" striktong sambit nung coach namin at tumango naman ako. pumunta naman ako doon sa pwesto ko at nagsimula na kaming magpractice ulit.

- - -

10 minutes later...

"okay, yall can go to your house players! remember on monday, okay? 5 a.m. in the morning for final practice and.. good luck!"

nagbow naman kaming lahat sa kanya at ningitian namin siya, "thank you po, coach." we gently said.

pagkatapos, naghiwalay na kami kaagad. yung mga ibang kasama ko, umalis na din. umupo muna ako dito sa waiting shed at hinanap ko si jax, hindi pa din siya dumadating. ang tagal niya naman. tinignan ko kung anong oras na.

5:35 P.M. na. hihintayin ko nalang siya dito. baka may ginagawa pa siya sa room nila.

- - -

jaxvier parkactive 47 mins ago

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

jaxvier park
active 47 mins ago

yesha:
babe???

yesha:
uwian na din namin

yesha:
nasaan ka na? wala ka pa
naman eh

yesha:
kanina pa kita hinihintay dito :(

yesha:
may ginagawa ka pa
ba diyan sa room niyo?

yesha:
puntahan nalang
kita diyan <33 i love you!
delivered.

°

grabe. kanina pa pala siyang hindi active. pero siguro, lowbat lang yung phone niya. huminga nalang ako ng malalim at pupuntahan ko nalang nga si jax sa kanilang room na baka sakaling nandoon siya.

pero hindi ko inaakala na biglang umulan sa dahilan na nanatili muna ako dito sa waiting shed. grabe naman 'tong ulan, hindi akong payagan na puntahan si jax sa room.

hinintay ko nalang na huminto o humina yung ulan. pero grabe, lumakas lang yung ulan. ako lang yung mag-isa dito sa waiting shed. tsaka medyo nababasa na ako dito sa ulan dahil maliit lang yung shed. naisipan ko sanang magpasilong doon sa mga classroom para hindi ako mababasa. kaso ang sobrang lakas talaga ng ulan eh, tsaka kung tatakbuhan ko pa yung classroom, mababasa din naman ako.

kahit umuulan ng sobrang malakas, tinignan ko pa din yung phone ko kung may reply si jax sa akin. hays. wala pa din.

parang ayaw huminto ng ulan ngayon ah. huhuhu. nababasa na ako dito. tsaka nilalamig na ako sa lakas pa ng hangin. hindi ako pwedeng magkaroon ng lagnat. malapit na game namin. >.<

"yesha!"

nagulat ako nung may sumigaw ng pangalan ko kaya napatingin na ako kaagad kung saan nanggaling yung boses na yun. nakita ko naman si sebastian na papalapit sa akin na may dalang payong. nung tumigil siya sa harapan ko bigla niya ako tinanong.

"bakit nandito ka sa shed? ang sobrang lakas ng ulan." nag-aalala niyang sabi sa akin.

"hinihintay ko kasi si jax dito eh. tsaka okay lang ako dito. bakit mo pa ako pinuntahan dito?" tanong ko sa kanya.

"nakita kasi kita dito at alam kong nababasa ka na. nag-aaalala ako sa'yo." sabi niya sa akin. "nako yesha, ang hirap magkaroon ng sakit ngayon. kaya sumama ka na sa akin at sasamahan kitang umuwi sa bahay niyo." sabi niya.

umiling ako, "okay lang talaga ako, sebee. mauna ka na. hihintayin ko pa si jax dito." sabi ko sa kanya.

"hindi hihinto yung ulan yesha tsaka sobrang hapon na, wala na si jax dito. kung nandito siya, sana pinuntahan ka niya kaagad dito. wala ng mga tao sa mga rooms. kaya halika na." sabi niya sa dahilan na natigilan ako.

pero sabi niya.. pupuntahan niya ako dito.

"tsaka.. baka magabihan ka lang sa paghintay sa kanya. kaya.. tara na." dagdag niya.

napatango nalang ako ng tuluyan. tsaka nakisabay na ako ng tuluyan sa kanya palabas ng paaralan. malakas nga talaga yung ulan. sakto lang nga yung payong na dala niya para sa amin. nabigla ako nung bigla niya akong inakbyan at nilapit niya ako sa gilid niya. napatingin naman ako kaagad sa kanya.

"sorry. para kasi hindi ka mabasa." medyo malakas na sambit niya.

ningitian at tinanguan ko lang naman siya, "okay lang, sebee." sabi ko at pinatuloy na namin yung paglalakad. medyo naman humihina yung ulan.

habang naglalakad kami, hindi ko mapigilan na tignan si sebee. hanggang ngayon, nakaakbay pa din siya sa'kin. urgh, bait ang bait-bait niya sa akin?

tinignan niya naman ako at ningitian niya lang naman ako.

buti pa si sebastian, naaalala ako. eh yung boyfriend kong si jaxvier? nasaan? wala.

innocent | nininiМесто, где живут истории. Откройте их для себя